Chapter 21 (END)

8.9K 255 6
                                    

5 years later...

"Mommy! Mommy! Mommy!" Sigaw ng babae kung anak habang tumatakbo papunta sa akin.

Nang makalapit na siya sa'kin ay kinarga ko naman ito at hinalikan sa pisngi. Kakauwi ko lang galing work at medyo pagod narin dahil maraming meeting akong pinuntahan kanina.

Pero nawala naman ito ng makita ko ang madungis na mukha nito at puno ng chocolate ang buhok. Ang mag-ina ko talaga napaka pasaway!

Ibinaba ko na si Soveiz, pangalan ng anak namin. Pagkababa niya ay nakarinig ulit ako ng sigaw, this time sa asawa ko naman na napaka childish.

Tumatakbo din itong lumapit sa akin. "Babyyyy!!!" Niyakap ako nito at madiin na hinalikan ang aking labi.

"Ewwww Momma!" Napairap naman si Soveiz at naglakad pabalik siguro sa kusina. Sa tuwing nakikita niya kami ni Ziash na naghahalikan ay siya na mismo ang umaalis.

Nang bumitaw na kami sa halikan ay sabay naman kaming napatawa.

"Mana talaga sayo anak natin napakamaldita." Tumatawang saad ni Ziash sa akin kaya pinandilatan ko ito ng mata.

"Nagmana naman sa kakulitan mo!" Ingos ko sa kanya.

Parehas kasing makulit ang dalawa minsan sumasakit na ang ulo ko dahil walang araw na hindi mag-away ang dalawa. Parang dalawa tuloy ang anak ko.

Si Ziash ang nag buntis sa aming dalawa dahil ayaw niya daw ako mabuntis. Takot daw siya na baka hindi ko kayanin ang panganganak at ayaw niya daw ako masaktan kaya ayon inako niya.

Kaya ko talaga lubusan minahal si Ziash dahil sa pagiging maalalahanin nito sa'kin. Kahit nga na siya yung nagbubuntis ay sinigurado niya parin ang kalagayan ko at kung may gusto man itong hingiin sa akin ay naglalambing ito at hindi kagaya sa ibang nagbubuntis na bipolar.

Siya kasi kapag ke-craving ay nilalambing lang ako at kapag alam niyang pagod ako sa trabaho at sobrang craving siya ay siya mismo ang lumalabas para bumili kahit gabi na kaya minsan napapagalitan ko ito.

At imbes na magalit ito pabalik ay nagtatampo lang siya at hindi ako papansinin at iiyak pero pagyayakapin ko na siya at hihingi ng tawad ay magiging okay na kaming dalawa.

Meron pang isang beses na nilagnat ako dahil sa sobrang trabaho. Yun yung unang beses na pinagalitan niya ako at 7 months na siyang buntis nun at bawal sa kanya ang ma stress pero hindi ko siya napigilan na magalit sa akin at alagaan ako.

Kahit sina Mom and Dad ay sinabihan na siya huwag muna dumikit sa'kin dahil buntis siya pero hindi parin siya nakinig dahil gusto niya daw masigurado na okay lang ako at kahit ako hindi siya napigilan dahil naiinis parin ito sa akin.

Nang gumaling na ako ay tsaka niya lang ako pinansin at nagsimulang maglambing. Humingi din siya ng tawad na ikinaiyak ko.

Nagpapasalamat naman kami non dahil hindi siya madaling dapuan ng sakit.

Sobrang saya ko at nagpapasalamat sa diyos dahil siya ang naging asawa ko. At wala narin akong mahihiling pa na iba.

Naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman ko ulit ang labi ni Ziash. Tinugon ko naman ang halik nito.

"Mommy! Momma! Stop that already." Sigaw ng anak namin mula sa kusina.

Humiwalay naman kami agad at ngumingiting iniling ang ulo.

"See? Mana talaga sayo." Tinaas-taas naman ni Ziash ang kilay nito.

I sighed and chuckled. "Fine!"

Napa-fist bumped naman ito sa hangin bago ulit ako binigyan ng smack sa labi at hinila papuntang kusina.

Pagkadating namin doon ay biglang nawala ang ilaw at tanging mga kandila lang na nakapalibot sa buong kusina ang tanging liwanag.

I Was There (GxG) 💍Where stories live. Discover now