Chapter 29: Panaginip

557 16 0
                                    


Yvanna's POV

"Nakikita nyo ba ang nasa screen na ito?" he asked.

Dinala kami ng lalaking ito sa isang tagong kuwarto kung saan ang mga pader ay may pinturang puti at may nag-iisang malaking screen na nakasabit dito.

Sa loob ng screen ay malinaw na aming nakikita ang bilang ng mga tao sa loob ng field at ang mga statistics ng mga ito na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa naturang tao.

Nagtataka ako kung bakit nya kami dinala sa lugar na ito para makita ang mga iyan? Hindi ba dapat ay pribado ang lugar na ito at para lamang sa opisyal?

"Ito ang bilang ng mga tao sa loob ng field." itinuro nya ang mga numero na nasa kaliwang bahagi ng screen.

"Sino ka ba talaga?" hindi ko napigilan ang itanong.

"Bakit mo kami dinala dito?" dagdag ni Heira.

Tiningnan nya lamang kami at ngumisi. Isang mesa ang nasa pagitan ng namin ng aking mga kaibigan at ng lalaki. Nasa likod nya ang malaking screen na makikita ang pakikipaglaban ng aming mga kaibigan.

He crossed his arms as he scanned all of us. Bahagi rin ba ito ng plano ni Fredrick Walter? Kumuyom ang aking kamao dahil naalala ang lalaking iyon.

"You can call me Master Lewis. Isa ako sa mga matataas na opisyal ng paaralan na ito at kung bakit ko kayo dinala dito ay para tulungan kayo." he said.

Nahihibang na ba ang lalaking ito? Bakit nya kami tutulungan kung opisyal sya ng paaralang gusto kaming patayin. Mukhang tama nga ang aking hinala na isa nanaman ito sa kanilang plano.

I looked at his eyes, inaalam kung totoo ang kanyang mga sinabi o nais nya lamang kaming lokohin.

It's as if he knows what I am doing kaya naman nakipaglaban sya ng titigan sa akin. I can see sincerity in his eyes but I can also see that he's guarded, there is something that he's not saying.

Ano kaya ang tinatago ng lalaking ito?

"Matutulungan mo ba kami na makalabas dito?" biglang tanong ni Jett.

Malamig ang kanyang boses dahil desperado. Bumaling sa kanya si Master Lewis at tinaasan sya ng kilay.

"Bakit gusto nyong makalabas sa lugar na ito?" tanong nya.

Tila mas pinapatagal ng lalaki ang aming pananatili rito. Pinapunta nya ba kami sa lugar na ito para muling linalangin?

I saw how Jett gritted his teeth out of anger.

"Why can't you let us out?" umamba syang lalapit dito.

Hinawakan ko ang kanyang braso at kahit na galit ako sa kanya ay ayokong madagdagan ang aming problema kung sakaling mabugbog nya ang lalaking nasa aming harapan.

"Hindi ganun kadali yun, bata." he said.

Tila mas lalong uminit ang ulo ni Jett sa narinig na pagtawag sa kanya ng lalaki na bata ngunit pinigilan nya ang kanyang galit.

"Kung ang bilang ng mga tao sa field ay mas marami sa inaasahan ay kailangan nilang bawasan kaya naman nagkaroon ng ekstensyon ang ang P.E." Paliwanag nya.

"Sa nakikita natin sa screen na ito, mayroon pang isang daan at apatnapu't dalawa sa field.. Sobra sa kailangang bilang." hindi nya tinuloy ang sinasabi at hinarap kami.

Tila ang gusto nyang iparating sa amin ay wala na kaming magagawa. Kung ganun ay bakit nya pa kami dinala dito?

"Bakit nga ba kayo nandito?" tanong ng lalaki.

Empire University (Book 1)Where stories live. Discover now