Chapter 35: Ability Test (Raizer)

402 7 19
                                    

Inertia's POV

Kinakabahan ako nang makitang pumasok si Uno sa loob ng Test Room. Hindi ko alam kung ano nga ba ang matutuklasan ko sa kanyang nakaraan.

Raizer's POV

Nagising ako sa loob ng isang puting silid na wala akong kahit na anong makita bukod sa puti nitong mga pader. Nasaan ba ako?

Dahil hindi sigurado kung bakit nga ba ako nasa lugar na ito ay mabilis akong tumayo ngunit napahawak din agad sa sentido nang makaramdam ng pag-ikot ng aking paligid.

'Damn! What's happening to me? Nasaan na sina Inertia?'

"Mabuti at gising ka na." narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Bahagya akong naalerto nang hindi makarinig ng kahit na anong bakas ng kanyang pagpanhik sa loob ng kuwarto kaya naman kahit na nahihilo ay pinilit kong pantayin ang paningin.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata bago ito iminulat at itinutok sa pinanggalingan ng boses.

Bumungad sa akin ang isang taong nakasuot ng itim na maskara. Tinatakpan nito ang itaas na bahagi ng kanyang mukha ngunit dahil sa kanyang suot na itim na hoodie ay hindi ko masyadong maaninag ang bahaging hindi natatakpan ng maskara. Sino ang taong ito?

Hindi ko rin matukoy kung ano ang kanyang kasarian dahil katamtaman lamang ang kanyang tangkad at hindi ko rin mahinuha ang hugis ng kanyang katawan sa suot nyang purong itim.

Nanatili lamang akong nakikipagtitigan sa kanyang mga matang tanging daan upang makilala ko kung sino nga ba siya.

"You seem to be in great shock, Uno." even the person's voice is urecognizable.

Sino ba ang taong ito at bakit nya ako kilala?

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mga matang positibo akong nakangisi kasabay ng kanyang labi.

Hindi ako nag-abalang sagutin ang kanyang sinasabi dahil masyado akong busy sa pag-alaala kung ano nga ba ang parte ng taong ito sa buhay ko noon at kung narinig ko na nga ba ang kanyang boses sa kung saan.

"Do you know me?" sa wakas ay tanong nya sa akin.

Kumunot ang aking noo nang biglang kumirot ang aking ulo. Hindi ko ito pinahalata sa kanya.

"Hindi mo na siguro ako naaalala." the person said.

"Ahhhhh!!" napasigaw ako dahil sa sakit na bumalot sa aking ulo.

"Hindi ka dapat dumikit sa batang iyon noong una pa lamang!!" sigaw nya.

Nababakas ko sa kanyang boses ang matinding galit at pagkamuhi ngunit hindi ko magawang maipokus ang aking atensyon sa kanyang sinabi at tuluyan na ngang nahulog sa kamang kinauupuan at napaluhod sa sahig dahil sa sakit ng aking ulo. Ano ba ang nangyayari?

The headache rendered me unconcious habang nakaluhod sa harapan ng misteryosong taong ito. Para akong lantang gulay na bagama't nararamdaman pa rin ang matinding sakit ay tila nasanay na at nanatili lamang nakatitig sa kanyang mga sapatos na itim.

Naramdaman ko ang mahigpit nyang paghawak sa aking baba gamit ang isang kamay. Inangat nya ang aking mukha upang lumebel ang paningin sa kanyang mga matang ngayo'y nag-aalab na sa galit.

Posibleng siya ang may kagagawan ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Siya ang may dahilan kung bakit nandito ako sa lugar na ito ngunit ang hindi ko lamang maintindihan ay kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang sinabi. Bakit galit na galit sya? Ano ba ang nagawa naming kasalanan sa kanya?

"Ngayon damay na kayong lahat." the person said through gritted teeth.

Mas lalo ring humihigpit ang hawak nya sa aking baba ngunit hindi ko magawang maigalaw ang aking mga braso upang masuntok paalis ang kanyang mukha sa aking harapan.

Empire University (Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant