Chapter 1

14 1 0
                                    

Arrah's Point of View

"Good morning!"

Napatakip kaming lahat ng tenga. Bwisit na babaitang to babati na nga lang isisigaw pa, pwede naman bumati ng mahina ang boses diba diba diba

"Leche Alli, umagang umaga nambabadtrip ka!" sigaw ni Ly na mukhang masama ang gising.

"Ly, lagi ka namang bad trip ehh bwahahaha". Aish isa pa tong si Ami

"Hey tumigil na nga kayo!" suway ni Shana. Aish buti nalang may natitira pang matino sa mundo

"si Ly kasi laging galit sa akin" malungkot na sabi ni Alli. Psh lahat naman ata ng tao galit sayo hwuahaha

"Aba't ako nanaman!" inis na sigaw ni Ly. Aish napaka mainitin ng ulo talaga tong babaitang to aish

"Ikaw naman talaga ehh!" sigaw rin ni Alli. Pagpasensyahan niyo na po itong mga babaitang to, araw araw at este segusegundo silang nag aaway. Eto naman kasing Alli sobrang kulit.

"Titigil kayo o ingungudngod ko kayong dalawa sa inidoro!?" Aish yan na lumabas na ang demonyong Arrah.

Gaya ng inaasahan tumahimik na silang dalawa, ewan ko ba kung bakit sila natatakot sa akin ehh magaling lang ako sa salita. Hindi ko naman talaga gagawin yun mahal na mahal ko kaya tong mga babaitang to

"Oh pwede na ba tayong pumasok? Late na tayo" tumayo si Shana at inayos ang kanyang salamin sa mata. Ewan ko rin sa babaitang to hindi naman malabo mata niya pero nagsusuot parin ng eye glass.

Tumayo na kaming lahat at kinuha ang aming mga gamit. Lumabas kami at sumakay sa kotse ni Ly. Pwede naman namin gamitin ang mga kotse namin pero ayaw namin na may nakikipag kaibigan sa aming iba dahil lang sa yaman namin.

"Tumawag na ba sa inyo yung limang timang?" tanong ni Ly habang patuloy pa rin sa pagdra drive

Sinilip ko ang aking cellphone. Oh my god, 60 messages at 53 miss call's

"Lagot ka Arrah!"

Napatakip ako ng aking tenga sa sobrang lakas ng sigaw ni Alli. Sana hindi ako mabingi huhuhu

"Bwisit ka!" sigaw ko rin sa kanya

"Hehehe sorry" nag peace sign pa siya. Bwisit problemado na nga ako sisigawan pa ako. What the fuck

Hininto ni Ly ang kotse at lumingon sa amin. Nasa school na pala kami hindi man lang ako nainform.

Kumunot ang noo niya at bumuntong hininga. Ganyan ang tunay na kaibigan, tignan ka palang alam na agad

"Baba na" mahinahon niyang sabi. Lagot ako kay Ace nito ehh kabobohan ko nanaman kasi pinapairal ko

Sabay sabay kaming bumaba. Wow hindi ko man lang alam na ganito pala kaganda, kalawak at kalaki ang school na to.

Naglakad na si Shana kaya sumunod kaming apat sa kanya. Aish sana hindi kami mapagalitan first day of class late kami what the fuck.

"Tombs!"

Sabay sabay kaming lumingon sa likod, aish si Ace sana wag niya akong sigawan huhuhu. Tumakbo siya papalapit sa amin at nangunot noo

"Feeling niyo rin no, si Ly ang tinatawag ko tapos lumingon kayo psh" aba't nag ikot pa ng mata ang maniac. Sabay sabay namin siyang binatukan

"Aray ko tss mga amazona" lumapit siya kay Ly at niyakap sa likod "Tombs ko ohh inaaway nila ako, bad sila" nakasimangot niya pang sabi. Siniko siya ni Ly.

"Aray ko naman tombs" hinimas himas niya ang kanyang tagiliran. Nilibot niya ang kanyang tingin sa amin at nakita ako, oh no

"Arrah!" sigaw niya. Lumunok ako at nag peace sign sa kanya, kasalanan ko bang naka off phone ko? Inirapan niya lang ako

"Ehem may klase po tayong papasukan at late na, pag ako nadamay sa pagkalate niyo bubugbugin ko kayong lahat" inis na singit ni Shana. To talaga puro aral ang nasa utak

"Tss Shana" lumapit si Ace kay Shana at tinapik ang braso niya "first day of class palang, wag ka mag alala. At nasa gym ang mga estudyante kaya walang pagala gala ngayon"

"Edi pumunta tayo ng gym" agad na sagot ni Shana. Ano naman gagawin namin dun? Makikinig ng walang kwentang announcement

"Tss tara na baka nandun si lola Lyn, miss ko na siya" excited na sabi ni Alli. Oo nga, at bakit naman pupunta si lola Lyn? Ahh oo nga pala kaibigan niya yung principal.

"Ikaw ang apo? Diba dapat si Ly ang nagsasabi niyan?" masungit na sabi ni Ami

"Apo niya rin naman ako ahh" palaban niyang sagot. Tumingin ako kay Ly, ang lungkot ng mukha niya siguro dahil sa lola niya

"Mag aaway kayo o ingungodngod ko kayong pareho sa semento" that's my line again. Nagtinginan si Ami at Alli at nag irapan, hayst kahit minuminuto silang mag away hindi parin sila nagplaplastikan

"Oh may ingungongod nanaman ang mangkukulam natin"

Tinignan ko ng masama si Tyrone na kakadating lang kasama si Wayne, Kyle at Alvin.

"Psh ewan ko sayo Ronron, gusto mo ikaw ang unang una kong ingungodngod sa semento ha!?" sambit ko sabay irap, pinagtawanan naman ako ng lahat

"Ohh ang saya niyo naman pwede maki join?" Lumingon kami sa likod. Aish hindi ko sila kilala ang hirap maging transferee

"Sorry hindi kami tumatanggap ng pangit" maarteng sagot ni Ami. Hindi naman talaga siya maarte, mabait yan sa mga mabait sa kanya.

"Excuse me? Are you referring to yourself?" Nakangising singit nung kasama niya na may black na buhok. Bale lima din sila but I don't care

"Nah, I'm referring to all of you bitch" that's my girl bwahaha, tignan natin kung sino ang matatalo

Syempre hindi papatalo tong manok ko, mana sa akin ehh bwahahaha pero wag kayo, mabait kaya kami sa taong mabait din sa amin.

The Hearthrob Royalties meet The Dark RoyaltiesWhere stories live. Discover now