Chapter 2

10 1 0
                                    

Ami's Point of View

"What did you say!?" inis na sabi nung kulot ang buhok. Aish mapapalaban ang kagandahan ko dito at ang malala sa mga kalevel pa ng aso. Aish

Hindi ko nalang siya pinansin at humarap sa aking mga kaibigan ayokong madamay sila, baka mamaya harangin sila ng dahil sa ginawa ko

"Wag na wag mo akong tataliku......"

"Subukan mong idapo ang marumi mong kamay sa buhok niya at maliliktikan ka sa akin" seryosong sambit ni Alvin. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso ng ganito

"Bitawan mo nga siya!" sigaw nung babaeng kulay brown na straight ang buhok

"Bakla ka ba ha!? Babae lang ang kaya mong patulan" inis na sigaw nung black ang buhok. Seryoso paring nakatitig si Vin sa babae na nagtangkang sabunutan ako

"Vin tama na" mahinahon kong sabi at hinimas himas ang kanyang likod

Padabog na binitawan niya ang kamay ng babae pero masama parin ang tingin niya

"Hindi ako pumapatol sa babae pero subukan mong saktan si Ami ikaw ang unang unang babaeng papatulan ko"

Nanigas ako sa aking kinakatayuan, ano bang meron? Bakit naging ganon ang ugali ni Vin? Mabait naman siya dati pero bakit ngayon parang nag iba na siya

Hindi ko namalayan na naka alis na ang limang babae. Wohhh Ami concentrate wag laging pre occupied

"Ayos ka lang ba Ami" lungkot na may halong pag aalala na sabi ni Vin. Tumango lang ako, hindi kinaya ng beauty ko ang mga sinabi ni Vin

"Team AmVin ako!" sigaw ni Alli at nagtawanan silang lahat. Aish nakakahiya talaga, teka bakit ako nahihiya? May dapat ba akong ikahiya? Aish baliw ka na talaga Ami kinakausap mo sarili mo, sasagutin ka sasagutin ka? Aish

"Hoy Ami ang lalim ng iniisip mo ah h, ano naimagine mo ba kung anong itsura ng magiging anak niyo ni Vin" biro ni Ace habang tinataas baba ang kanyang kilay.

Aish bakit nag iinit ang mukha ko? Tinakpan ko ang aking pisngi gamit ang aking mga palad, OMG bakit ako kinikilig?

"Hey Ami are you ok?" nag aalalang tanong ni Vin. Tumango tango lang ako

"Bakit ka namumula?" Napahinto sila sa pagtawa, lumapit sa akin si Arrah at tinusok tusok ang aking tagiliran

"Uyy nagbablush" biro niyang sabi at nagtawanan nanaman sila. Aish ang daya lagi nalang love life ko ang pinagtritripan nila. Teka sinabi ko bang love life? Hindi ko nga alam kung love ko si Vin pero parte na siya ng buhay kong sobrang ganda gaya ko

"Hey care to explain?" Nagsitigil sila sa pagtawa at tumingin kay Shana na nakakunot ang noo

Inakbayan siya ni Kyle at ngumisi. "Don't worry baby I will explain to you later" hey did he say...

The Hearthrob Royalties meet The Dark RoyaltiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora