Chapter Nine

266 8 2
                                    

Cyfer's POV

Monday na ngayon. Walang pasok. Yes! Makakapag relax ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko at napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Gabriella. Bigla akong napangiti.

Naalala ko kasi yung nangyari saamin kagabi.

*Flashback*

"Puro ka kasi Taba at ang laki ng bilbil mo." natatawa kong sabi.

Nakita ko namang kumuha siya ng unan at lumapit saakin. "YAAAAAAA!"

Sh*t!

*PAK* *PAK* *PAK* *PAK*

"HAHAHAHAHA!"

"Tatawa tawa ka pa jan ha! Hetong sayo--"

Hindi niya natuloy ang pag-palo saakin ng unan dahil hinawakan ko ang mga kamay niya.

Napatitig siya sakin, now it's my turn.

Palihim akong kumuha ng unan at..

*PAK* *PAK* *PAK* *PAK*

"Aray ko Cyfer!!!" sigaw niya habang nakadapa sa kama.

Hahaha nakakatawa ang itsura niya ngayon.

"Ayan!" sabi ko sabay higa rin sa kama habang hinihingal. "Quits na tayo."

"Uhmm.. Cyfer?" tawag niya sakin.

Tumingin naman ako sakanya. "What?"

"May pupuntahan ako bukas." aniya.

"Saan ka pupunta?" sabi ko.

"S-Sa kaibigan ko lang.. Sa school kami mag-jajamming.."

Ahh. "Okay. Matulog ka na. Babalik na ako sa kwarto ko." sabi ko sabay buhat.

"SA WAKAS!" sigaw niya. Natawa naman ako at lumabas na ng kwarto niya.

*End of Flashback*

Baliw talaga si Gabriella noh?

"Ano kayang lunch ngayon?" pumunta ako sa dining table at nakita kong may adobo sa mesa. Marunong pala magluto si Gabriella?

Umupo ako sa sofa at kinuha ko yung remote para i-turn on ang TV.

"Siya si Dave Sue, ang popular baseball player ng Westcoast highschool.." sabi ng reporter sa TV.

Ay oo, kilala ko siya. Baseball tournament pala ngayon ng westcoast kaya pala walang klase.

Nanlaki ang mga mata ko ng itutok ng camera man ang camera sa isang babaeng kilala ko. "Mukhang may number one fan ang hearthrob na si Dave Sue. Pinagmamasdan ko sila kanina at sa tingin ko girlfriend siya ni Dave Sue.. Pinagdalhan pa siya ng lunch. Napaka-supportive niya!"

Natigilan ako at napatitig sa babaeng nasa screen ng TV. Todo cheer siya kay Dave. "Go Dave! Galingan mo!"

So, siya pala yung kaibigan na tinutukoy niya.

In-off ko na ang TV at dumiretso ako sa kwarto ni Gabriella. Pumunta ako sa desk niya and something caught my attention.

Kinuha ko yung picture kung saan kasama ni Gabriella si Dave. Nahalata ko naman na ang damit na suot ni Gabriella ay yung damit na suot niya nung tinakasan niya ako sa airport.

Kaya pala tumakas siya, para makasama ang BOYFRIEND niya..

Why do I feel so annoyed?

* * *

Gabriella's POV

"Salamat sa lunch. Masarap yung niluto mong adobo." masayang sabi ni Dave.

Nandito kaming dalawa sa bleachers.

"You're welcome." sabi ko.

"Magsisimula na ang game. I-cheer mo ako ha?" aniya at kinindatan ako.

Namula ako dun sa pagkindat niya sakin. Kumaway na lang ako. "Dave! Goodluck!"

Nagsimula na ang game at todo cheer naman ako kay Dave. "Go Dave! Galingan mo!"

Tapos tumingin siya sakin at ngumiti. Yii kilig much!!

* * *

Natapos na ang game at lumapit ako kay Dave. "Congratulations!" masayang bungad ko. Panalo kasi sila.

"Thank you!" aniya at yinakap ako. Nagulat ako pero yumakap nalang ako sakanya pabalik.

"Tara, let's go to the mall. Gutom na ako eh." alok niya.

Tumango-tango ako sabay ngiti.

Umangkas ako sa motor niya at pumunta kami sa mall.

Nilibre niya ako ng McDo at naglaro pa kami ng arcade. Yung usual na ginagawa ng mga teens sa mall.

Tumingin ako sa orasan at 8 pm na. Shocks! Gabi na pala!

"Dave, kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako sa bahay." pagpapaalam ko.

"Hatid na kita."

"WAG!" sigaw ko. "I mean, wag na. Magcocommute na lang ako." sa condo ako ni Cyfer nakatira eh.

"Are you sure?"

"Oo. Sige bye na. Thanks for today." sabi ko at kumaway.

"Mag-iingat ka Gabriella! Nililigawan pa naman kita." pahabol niya.

Napangiti naman ako ng palihim.

* * *

Grabe, buong byahe ko pauwi hindi ko maalis ang ngiti ko. Kinikilig kasi ako kay Dave eh!

Pumasok na ako sa condo ni Cyfer at nanlaki ang mga mata ko dahil may tatlong can ng beer sa mesa at nakatulala siya sa kawalan.

"Cyfer!" sigaw ko.

Humarap naman siya sakin at ngumiti. "Oh? Andito ka na pala. Matulog ka na. Gabi na." aniya.

Bakit parang malungkot ang ngiti niya? May problema ba siya?

"Okay ka lang?" tanong ko.

"I'm fine. Go to sleep. Sige na."

"Bakit ka umiinom? May problema ka ba? Ngayon lang kita nakitang umiinom ng alak eh." kunot-noo kong sabi.

"Don't mind me. Naboboring lang ako kaya naisipan kong uminom. Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas." ngumiti ulit siya pero hindi na ito masyadong malungkot.

"Sige. Matutulog na ako, matulog ka na rin pagkatapos niyan ha? Wag kang maglalasing kundi iuumpog kita sa pader! Tsk. Good Night!" sabi ko sabay pihit sa doorknob.

Anyare kay Cyfer?

---

A/N: Oo nga, ano kayang nangyari kay Cyfer at bakit niya naisipang uminom? Do you have any idea readers? ICOMMENT NIYO NA YAN! Tenenenen! Sabay Vote na rin kayo. Just click the Orange star on the screen.

My Love My English TeacherWhere stories live. Discover now