Chapter Nineteen

315 5 0
                                    

Gabriella's POV

"Grabe yung nangyari kanina! At ikaw naman! Bakit mo sila hinayaang bugbugin ka ng ganyan? ANO NA LANG MANGYAYARI SAYO KUNG HINDI MO AKO KASAMA? Tanong ko lang, BAKIT PALAGI KANG BINUBULLY NG MGA TAO HA? Nag-aalala na talaga ako para sayo eh!"

Tumingin siya sakin at nagmamakaawa. "Pwede ba tigilan--"

"Hindi ako titigil ha! PAANO KA BUKAS KUNG PURO PASA KA?!"

nako nako! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking 'to!

"Aish! Kinakabahan na tuloy ako eh." sabi ko sabay kagat sa chocolate. "Okay lang yan Gabriella. Yeah, cool ka lang." sabi ko sa sarili ko.

Baka tumanda ako agad kapag palagi akong galit eh. Ayoko mangyari yun!

* * *

Pumasok sa room si Ms.Herras kasama si Sir Cyfer.

"Attention! Para sa school festival natin, we are in-charge for the decorations." pffffft! Natatawa ako sa itsura ni Ms.Herras mukhang galit na galit ito dahil basted na siya ni Sir Cyfer HAHAHAHA may asawa na eh!

"Awwwww" reklamo ng mga kaklase ko.

"Quiet! Ang stage ay gagawin nina numbers 1-15, ang mga stands at staircase ay gagawin nina numbers 16-21, para sa entrance ng school ay sina numbers 23-32."

"AND NUMBER 22!"

Teka, ako yung number 22 sa class list ah?

"Yes Maam?" tanong ko sabay tingin sa poker face niyang mukha.

"Number 22 ikaw ang magpipinta ng canvas hall. MAG ISA KA LANG. That's all."

WHAAAAAAAAAAT?! Napa-nganga ako sa sinabi ni Ms.Herras! Grabe naman siya! Hindi ko naman kasalanan na maging asawa ko si Sir Cyfer ah! Bakit pati saakin binubuhos niya ang galit niya?!

* * *

Cyfer's POV

"Ms.Herras! Unfair naman kung si Gabriella lang ang mag isang magpipinta ng canvas hall. Masyadong malaki yun."

pagpapakiusap ko. Alam ko namang hindi yung kayang matapos ni Gabriella pagdating ng school festival.

"Eh ano ngayon?! Basta gawin niya!" aniya at nag walkout.

Napasabunot naman ako sa buhok ko. Nakakainis naman si Ms.Herras oh! Kung hindi lang yun babae, naupakan ko na yun!

Next Day..

"Gabriella, nasimulan mo na ba yung pinipinta mo?"

tanong ko sakanya habang nilalagay ko ang necktie ko.

"Hindi pa." malungkot niyang sabi.

"Oh? Bakit wala pa? Gusto sana kitang tulungan eh. Kaya lang natatakot ako na baka malaman nila. Nag-aalala na ako para sayo, Gabriella. Kinakabahan talaga ako sa mangyayari. Pero okay lang yun, chill."

Tumayo naman siya at lumapit sakin. Hinawakan niya yung necktie ko at inayos ito. Natulala ako sa kagandahan niya. Para talaga siyang totoong asawa kung gumalaw.

Napansin niya yatang nakatitig ako sakanya. "Diyan ka na nga!" sigaw niya at lumabas na ng condo. Napangiti na lang ako.

School..

My Love My English TeacherWhere stories live. Discover now