PROLOGUE

32.6K 631 30
                                    

"Ashtarielle, I think you should go home, it's been 1 year since you left. He's not the Khairo I knew anymore. He's drunk everyday and night. He will go home late in the morning. Laging umuuwing may mga sugat at pasa. Wala siyang kinakausap, halos lahat ipinagtatabuyan niya. Kahit itago niya, alam namin , lagi siyang umiiyak sa gabi. Your name is the only word we heard on him since you left. Baka kapag tumagal pa 'to ay tuluyan na s'yang mabaliw. So please at least try to talk to him, go home." Santi said, Khairo's friend

"I'll t-try" tanging sambit ko.

It's been 1 year since I left. Mahaba-habang panahon na rin pala kung titignan pero para sakin isang dekada na ang katumbas nito.

I think it is the right time to face him. I really miss him.

Nang gabi ring iyon, I went on Eĺfuediro's Mansíon but Khairo wasn't there so I headed my way in his condo instead.  I am now infront of the door but there's a password encode.

Mariin akong napapikit, baka binago na rin niya ang password ng condo niya.

I tried to knock instead, but no one dares to open the door. Wala namang mawawala kung susubukan ko 'di ba?

I tried the password he used before and fortunately, the door opened by itself.

It's my birthday.

Literal na natulala ako ng makita ang loob. Sobrang kalat ng buong condo, basag-basag ang mga kagamitan at nagkalat ang mga bote ng alak. Pundido na ang ilang ilaw maging ang malaking chandeleir ay kumikislap-kislap pa.

Oh God,

Mabilis kong inakyat ang kwarto ng walang pagdadalawang isip.

Kinakabahan ako, natatakot ako, kaunti na lang at magbabagsakan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Dahan-dahan kong ipinihit ang doorknob at sumalubong sakin ang halimuyak ng alak sa buong silid. Kung anong kalat sa labas ay siya namang doble sa loob ng kwarto.

Agad na hinanap ng mata ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

And there, I saw a man sitting on the floor, nakayuko ito at parang pasan ang mundo, walang pantaas na damit at tanging kulay kupas na pantalon lamang ang suot, maging ang sinturon na nakakabit ay nakakalas na at tila hinayaan na lamang na nakalaylay. Humaba na rin ng kaunti ang buhok at tinubuan na ng maliliit na balbas.

Nagkalat ang mga bote ng beer sa paligid . Halos mapaluhod ako sa labis na panginginig ng tuhod nang makita ang picture frame na hawak nito sa kaliwang kaway.

That's me, nakangiti ako sa larawang iyon. He's the one who took that photo.

Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luhang kanina pa nais makawala.

Tanaw ko mula rito ang pag-alog ng balikat
ng lalaking pinakamamahal ko. He's crying.

"Ashtarielle" mahinang sambit nito habang patuloy na umaagos ang luha sa pisngi.

Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko.

What happened to you baby?

Hindi ko na kaya, ang makita siyang nagkakaganito dahil sakin ay para akong pinapatay ng paulit-ulit.

"K-khairo" mahinang sambit ko habang patuloy na rin sa pag-iyak. Tila ako tinakasan ng lakas.

Tumigil ito sa mahinang paghikbi at saglit na natigilan. Gayunpaman ay nanatiling nakayuko. Tila baliw itong natatawa. Binabalewala ang narinig.

"Khairo" Dito'y nagtaas na ito ng tingin. Napangiti ako. Guwapo pa rin.

Nakatingin ito sa akin na tila kinakabisado ang mukha ko. Malungkot itong napangiti.

Tumingala ito at nakangising tumingala "Panaginip na naman"

"Khairo, mahal ko" malambing kong sambit at dito'y gulat at nanlalaki ang matang nag-angat ito ng mukha.

"A-ashtarielle, my baby"

His Favorite Obsession (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon