CHAPTER 3

12.8K 346 8
                                    



Napapikit at halos mabingi na ako. Kulang na lang ay takpan ko na ang dalawang tenga sa paulit-ulit nilang tanong. Sino ba namang hindi, I'm wearing a school uniform three times larger than my size which is very unusual.

Nagkibit-balikat na lang ako habang patuloy parin kami sa paglalakad. Maging ako ay hindi ko rin alam kung anong magandang paliwanag ang pwedeng sabihin.

"Ash! What are you thinking ba kasi? Oh God, girl! Kanina pa ako salita nang salita dito oh! I hate you na!" maarteng sabat ni Kelsey.

"Can you stop shouting Kelsey? Please, mababasag ang eardrums ko sa'yo" I said. Ang sakit sa tenga ng boses.

"Really? Kaya pala kanina ka pa tulala at walang naririnig" dagdag pa nito.

"Maybe she's thinking about the kiss with Khairo" mapang-asar na sabat ni Elly.

"Oh no, girls please stop there" para na akong mababaliw. Headline na yata ako sa buong campus. Napapatingin at nagbubulungan ang mga estudyanteng bawat makakasalubong namin.

"Siya 'yon yung Ash! yung humalik kay Khairo noong isang araw. Hindi na nahiya, kababaeng tao" Hindi bababa sa labing limang mga estudyante ang nakasalubong namin. Mariin akong napapikit.Kung papatulan ko ang mga 'to siguradong ito ang unang beses na makakapasok ako sa Guidance Office.

"Mahirap kalabanin yan, malakas ang kapit ng pamilya. Hanap na lang kayo ng iba girls, nandito naman ako oh" natatawang kantsaw pa ng kasama nilang lalake.

"Ash" tinanguan ako ng chinitong moreno kasama ang grupo nitong mukhang mga Basketball player din sa tangkad na minsan nang nakalaro nina kuya sa basketball. Ginantihan ko naman ito ng palakaibigang ngiti.

"Ang harot talaga! Pati ba naman si Oliver Dy nilalandi!" namumuti na ang mga mata nito sa kakairap.

"Hoy kayong mga Marites diyan, tigil tigilan niyo 'yang pagiging inggitera niyo ah! Para kayong mga bubuyog na nagtutumpukan diyan!" bigla ay natawa ako ng pumalatak si Kryzelle. Sinundan pa ni Kelsey at pinagbantaan ang isang nakilala niyang myembro ng cheering squad na tatanggalin pag hindi ang mga ito humingi ng tawad.

"Mag sorry kayo girls! Sige, lagot kayo sa kuya niyang sina Damon at Hendrix pag nakarating 'yon doon!" Pang-asar ng mga estudyanteng lalake na nasa corridor ng second floor, nakikiusisa.

Nanlaki ang mga mata ng mga ito at agad ding humingi ng tawad na ipinagkibit balikat ko na lang. Halos alam naman ng lahat kung sino ang dalawang kuya kong sa kabilang University lang din nag-aaral maliban sa mga freshmen.

"Kapatid niya sina Damon at Hendrix?! Shit crush ko rin ang dalawang 'yon!" Halos mapairap ako sa narinig at naglakad na paalis. Kung alam niyo lang kung gaano ka strikto ang dalawang'yon!



Thirty minutes pa bago ang susunod na subject at ito tumambay muna kami sa canteen. Milkshakes lang ang inorder namin dahil busog pa naman.

"Oh my God, look girls! Khairo is heading towards us!" Mariin akong napapikit ng tila pinipilipit sa kilig tumili si Kelsey. Maging ang mga estudyante sa gilid namin ay kanya-kanyang papansin.

"Ahm, balik muna ako sa parking lot. I forgot something" natatarantang saad ko, ng biglang hinila ni Elly at Celestine ang bag ko.

"Stay.Here." masungit na saad nila while giving me a death glare. I need to leave!

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag lapit nito habang nakatingin sa akin.

God! How could he be this perfect? Para siyang modelo na naglalakad. Halos lahat ay napapahinto at napapatingin sa gawi nya pero pawang wala lamang ito sa kanya at patuloy parin sa paglalakad. He's wearing his usual unbottoned white longsleeve on top, paired with black pants and topsider shoes and a silver wrist watch on his left arm. Nakasukbit sa kanang balikat nito ang itim na bag habang may bitbit na dalawang kartolinang nakarolyo sa kanan at paper bag naman sa kaliwang kamay. The wind is ruffling his hair. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin. It's simple but he looks like a God in disguise.

His Favorite Obsession (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon