Chapter Three

47 10 0
                                    

[Nicco]

            Kagagaling lang ni Nicco sa eskuwelahan nang makasalubong niya sa eskuwelahan pauwi sa kanila si Estong na humahangos. Parang aso na ito dahil nakalabas ang dila sa paghinga.

            "Nicco, mabuti at nakita kita!" hinahabol nito ang paghinga.

            "Bakit? Nasaan ang sunog? Malaki na ba?" tanong niya.

            "Nagawa mo pang magbiro. Pero totoong may sunog!"

            "Ha? Bakit wala namang sunog? Walang usok dito."

            "Kasi nga sa kabilang barangay 'yun."

            Binatukan niya ito. "Tinakot mo pa ako! Ano 'yung sasabihin mo?"

            "Ate at nanay mo, nawawala!"

            "Ha!" parang kinilabutan siya. "Paano mo nalaman?"

            "Kasi nga, inihatid nila 'yung gamit sa bahay."

            "Hindi nawawala ang tawag doon. Umalis ang tamang salita."

            "At nagawa mo pa akong turuan. Marami kami roon sa bahay. wala kang tutulugan ngayong gabi."

            Para siyang namanhid sa mga nalaman.

            "Samahan no ako doon sa inyo. Kukunin ko rin 'yung mga gamit ko roon. Doon pa rin ako sa bahay matutulog."

            "Ikaw ang bahala. Tara na."

            Sumama siya kay Estong at kinuha ang mga gamit niya. Sa daan pauwi, nakita siya ni Cess.

            "Hoy Nicco, titira ka na ba dito sa bahay ko?"

            Ngumiti siya ng tipid. "Wala akong balak. Bata pa ako Cess."

NICCO (When the Bamboo Blooms)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon