Chapter Ten

11 4 0
                                    

[Nikee]

            Nasa stage na ang lahat ng contenders. Tuluyan na ring isinara ang pagboto at hinihintay na lang ang resulta. Tahimik silang lahat, pero kinakabahan ang mga ito.

            Nagpagitna na ang dalawang host.

            "Magandang gabi Pilipinas at buong mundo," pagsisimula ng host na lalaki.

            "Heto na. Heto na talaga," dugtong ng babaeng host. "Nasa kamay na namin ang resulta."

            "Handa na ba kayo?" tumango lang ang mga contender sa tanong ng lalaki. "Mabuti naman."

            "Magpaalam ka na dahil ikaw ang may pinakamababang boto. . . Drigo. Sorry Drigo!" anang babaeng host.

            Ngumiti ng tipid si Drigo at nakipagyakapan sa mga kapwa nito contenders.

            "Last words mo para sa mga suppoerters mo bago ka umalis" anang lalaking host.

            "Salamat po sa mga suporta sa akin. Kahit hanggang dito lang ang narating ko, maraming-maraming salamat pa rin po sa inyo" sabi ni Drigo. Bumaba ito sa back stage.

            "Magpaalam ka na dahil tanggal ka na rin Dessa" sambit ng babaeng host.

            Napaluha si Dessa. Pagkatapos nitong pasalamatan ang mga supporters, bumaba na rin sa back stage.

            Nag-commercial break ang show. At sa pagbabalik ng show, pinangalanan na rin ang dalawa pang natanggal na sina Leigh at Marty.

            "Pilipinas, tunghayan pa natin ang isa pang matatanggal" anang babaeng host.

            Halatang nagulat ang karamihang naroon sa elimination night.

            "Yes Pilipinas. Pareho sila ng votes na nakuha ni Drigo" wika ng babaeng host.

            "Magpaalam ka na dahil lalabas ka na. . . Yen" dugtong ng lalaking host.

            Kukurap-kurap na nagpaalam si Yen sa mga tao at lumabas na rin sa back stage.

            "Marahil ay nagtatanong kayo kung sino ang papasok sa sixteenth slot. Heto po, panoorin nating lahat."

            Nag-flash sa screen ang isang video ng lalaki pero blurred ang mukha.

            "Kilalanin natin siya after the break!" anang babaeng host.

            Sa hudyat ni tita Roch, umakyat na si Nicco sa stage.

            "And now, ladies and gentlemen, let us all welcome. . ." binitin ng lalaking host ang mga manonood.

            "Nicco Vergara!" pagtutuloy ng babaeng host.

            Nagpagitna si Nicco sa stage, hinubad niya ang hoodie niya pati na rin ang sunglasses. Kumaway siya sa mga tao.

            "Mas kilalanin pa natin siya. Let's all watch this."

            Ipinalabas ang VTR niya sa screen.

            "Best, may kamukha siya!" pansin ng babaeng host.

            "Nahalata mo rin pala?"

            "Oo naman. Nikee, tumabi ka nga kay Nicco."

            Humakbang si Nikee at tumayo sa tabi ni Nicco.

            "Parang pinagbiyak na bunga best!"

            "Magpaalam na tayo!" wika naman ng babae. "Overtime na tayo."

            Hindi inalis ni Nikke ang tingin niya kay Nicco kahit nang pabalik na sila sa talent grounds. Gusto sana niyang kausapin ito ngunit sadyang napakailap nito.

            Inihatid na lamang niya ito ng ng tingin nang pumasok ito sa bahay na tinutuluyan ng South Luzon Group.

            "Bakit best?" tanong ni Hardee. Nahalata kasi siya nito na minamanmanan si Nicco. "Kanina ko pa nahahalata na sinusundan mo ng tingin si Nicco."

            "Hindi ko rin alam. Parang kilala ko siya eh."

            "Baka naging kapitbahay mo."

            "No. I grew up in Canada eh. Kaming Montecarlo lang ang Filipino sa neighborhood eh."

            "Ano ba ang instinct mo?"

            "Hindi ko rin alam. Naguguluhan ako."

            "Let's go. Puntahan natin siya doon sa house nila."

            Umiling siya. "Bukas na lang, gabi na eh. Matulog na lang tayo."

            "Okay." Pumasok na sila sa loob ng bahay at natulog na.

NICCO (When the Bamboo Blooms)Where stories live. Discover now