Episode 15

27.7K 1.5K 306
                                    

Episode 15:

"Lampa naman."

I glared at Nalyn na nasa likuran pa ang mga kaibigan. Halos masalubsob ako sa ginawa niyang pagpatid sa akin, mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Rosendale or else, baka nahalikan ko na ang sahig. Nakataas pa ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. Ang tanga nito, ah. Who would've thought that this plain looking girl with a pixie hair cut was a childish bitch in disguise? Fuck, so cliche!

"So, anong gusto mong sabihin ko," Bumitaw ako kay Rosendale but she didn't let me, so humawak na lang siya sa may baywang ko. I crossed my arms, raising a brow with a sarcastic grin on my lips. "Hindi naman masakit? Gosh, Nalyn, what a childish game."

Mukha namang napikon siya sa sinabi ko. Bakit kaya kung sinong nauna, siyang asar-talo lagi? Anong nangyari? Bait-baitan lang pala siya last time. It's a good thing na naprangka ko siya noon.

Instead of answering, Nalyn averted her gaze to Rosendale. The childish girl smiled sweetly that she almost looked like an ugly angel na itinapon dito sa lupa. Pangit nga kasi. "Good morning, Rosendale."

How nice, noong nakaraan lang, pabebe pa siya, now she's being bold. Mamatay na sana lahat ng plastic at pakitang-tao─parang si Nalyn. That's what I never like with some people, pretending someone else just to get what they want. Pero hindi ko naman sinasabing ayos lang yung pagiging childish na plastic niya. If you lacked in something then make a way to improve. I admit I was not a good person but at least I accepted who I am and I know what to change or to adjust. Well, who I was to say things I didn't even understand fully.

And since Rosendale was being Rosendale as usual, she ignored the girl and pulled me instead inside the classroom. Naiwang nakanganga ang papansing babae. I saw Cheddy sitting on her chair, nakasuot ang headset sa magkabilang tainga nito while reading something on her phone. She was so engrossed with what she's doing that she didn't notice me. Nasilip ko ang phone niya, she was chatting with some guy.

Rosendale went to her seat, ni hindi man lang ako pinansin. It's not that I care.

Inalis ko ang headset sa isang tainga niya. Para pa siyang nagulat nang lingunin ako. I smirked at her. "Good morning, Cheddy. Ang landi, ah?"

"Hindi naman," Agad na depensa niya, itinago pa ang phone kasama ang headset. Nakita ko naman na lahat, deny pa. "Friends lang kami."

"Oh, really?" Natatawang tanong ko. Pansin ko ang pagpula lalo ng tainga niya. She noticed where I was looking kaya agad naman niyang tinakpan iyon. "Kanina pa namumula 'yan habang ka-chat mo siya. Gwapo naman ba?"

"Siyempre, 'no!"

"So, he's your crush?"

"Uhm, medyo..." Napahagikhik ang kaibigan ko sa pag-amin niya. Hinampas pa ako sa braso nang makaupo ako sa tabi niya. Hindi pa nakuntento at tinulak-tulak pa ako. "Ano ba!"

"Mapanakit ka masyado," I said while glaring at her. "Calm the fuck down."

"Aga-aga minumura mo ako."

"Aga-aga kasi lumalandi ka." I retorted and she answered me with a pouting lips. "Just make sure you won't come crying to me if that guy managed to break your heart."

"Break my heart agad?" Yung mukha niya kulang na lang ay ma-deform sa sobrang pagkakakunot. Napaka-defensive kaya nakakapagduda, eh. "Crush lang naman, Echo. Asa namang iiyakan ko, 'no."

"It happened a lot of times, don't expect me to believe you this time."

"Promise, hindi talaga."

I smiled a bit and patted her shoulder. Mahirap magkaroon ng marupok na kaibigan. She just looked like someone who's inexperience in love but the truth is... Hindi ko maiwasang mapailing. Ang bilis kasing magkagusto sa tao tapos kapag napaasa, iiyak-iyak.

"Ouch!" I glared at Cheddy nang walang pasabing binatukan niya ako. Napansin ko pa ang paglingon ni Rosendale sa direksyon namin, although she didn't say anything.

"Yung ganyang itsura mo, kilalang-kilala kita." Pinanlisikan niya ako ng mata. Hindi ko mapigilang mapangisi. I can't help it, mukha siyang inapi. I didn't really know how we became friends, we're so different from each other. "Palibhasa ikaw, allergic sa love. Tamaan ka sana ni Cupid!"

Nagkibit-balikat lang ako. If Cupid ever tried hitting me with his arrow, I'll shot him in the head with gun.

--

"Don't forget to talk to Nalyn," I told Rosendale. I watched her as she lie down on my bed like she owned the space. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. She's getting too comfortable around me. Basta na lang siyang pumasok, ni walang pagkatok sa pinto ko. "Baka mahawa 'yon sa sira ng ulo mo. Praning na, eh."

Mabilis siyang napatingin sa akin but she didn't say anything. Instead, she leaned her back on the headboard. "Come sit on me."

I gasped. I quickly felt my cheeks getting warm. "Siraulo ka?"

She shrugged her shoulders. Inilayo ko nang bahagya ang sarili sa kanya. Fuck, I was trying to talk properly to her and that's what she's going to answer. Parang tanga. Nagdududa na talaga ako sa babaeng 'to.

"Kinakausap kita ng maayos."

"If it's about that girl at school, I don't know her—"

"Na hinalikan mo lang naman." I rolled my eyes at her. I saw her grinned for a few seconds but she didn't meet my gaze. Nakakaasar ang babaeng 'to, hindi ko ma-spell! "Fix your mess, damn it! Ako ang napagdidiskitahan."

Lumingon siya sa akin. I can see her eyes penetrating mine under that bangs. She looked incredibly serious that I found myself staring back. "Do you want me to kill her?"

"What?" Para bang natanga ako sa narinig.

"I can do it for you."

I felt myself shivering but I didn't make it obvious. Ang seryoso ng expression niya, para bang gagawin niya talaga 'yon once na pumayag ako. Ginugulo niya isip ko, eh. Shit. I already believed that she's innocent but hearing her say that, it's like she's trying to prove me wrong. Nakakainis talaga.

"I didn't say that you have to kill her." I said in a very calm voice, "Gusto ko lang i-settle mo yung issue. Nagustuhan ka yata talaga."

"I don't care."

"Rosendale!"

I heard her sigh. "You talk nonsense a lot."

I was about to curse at her when she suddenly pulled me. Sa isang iglap ay nakahiga na ako sa kama at siya ang nasa ibabaw ko. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit wala naman siyang naging reaction. Fuck! Ang hirap talagang makipag-usap sa kanya, dapat lagi na lang siyang may sakit, eh!

"What the fuck are you doing?" I hissed at her. I tried to get up but she just held and pinned both of my hands. She didn't answer and leaned her head instead, burying her face on my neck. "Rosendale, isa!"

Kinikilabutan ako dahil sa pagtama ng hininga niya. My heart was racing so fast, so fast I was sure she'd hear it. Damn it! Kinakabahan ako na natatakot. She's not like this. Nakakailang na nakakainis. Makawala lang talaga ako ay sasapakin ko siya!

"Can you shut up, Echo?" she whispered on my ear. Hah! Ang kapal talaga! "I'll deal with the woman tomorrow. In return, avoid the guy you're with the last time."

"Si Kenneth?"

I felt her lips on my left ear. The hell. If she will just stop! "Whoever he is."

"Ano bang pakialam mo?" naiiritang tanong ko, "Huwag mo akong mautus-utusan, hindi kita nanay!"

Hindi siya kumibo. Sinubukan ko ulit bumangon pero mas nagpabigat lang siya. This woman!

"Rosendale!" may halong panggigigil na tawag ko. "Malapit ko nang isipin na may gusto ko sa akin. Sobrang lapit na."

"Think whatever you want to think," she told me.

"Stupid."

"Still, a bitch." I heard her chuckle.

Nabubwisit na ako sa nangyayari sa buhay ko. "I hate you."

She shot me a look. Her eyes were cold than usual, but I saw it glimmered—which I can't read. It brought shiver through my being. I didn't like it one bit. "Ironically mutual."

_____

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon