Chapter 5 : First Date

30 3 0
                                    

* * * * *
Nagulat ako nung may bumusinang sasakyan sa harap ng bahay. Wait, kay Nathan yun ah. Anong ginagawa niya dito? Bumaba ako, at pinuntahan ko siya. Bigla naman niya Kong hinatak papasok sa sasakyan niya at wait, pumunta kami sa dress shop.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko

"Bibilhan ka ng damit" sabi niya sabay bukas ko ng pinto.

"Bakit?" tanong ko ulit

"Sa tingin mo? pupunta ka sa mall na naka pambahay" sagot niya

Sinukat ko ang mga damit na binigay niya. Ang arte naman ng kasama ko ang daming binigay. Pero ang gusto kong pinili niya at ang black, off-shoulder dress.

"Ito nalang suotin mo" sabi niya sabay bigay ng black dress na gusto ko.

"Babayaran ko na yan" sabi niya, babalik na sana ako sa fitting room pero hinila niya ako. Kinuha niya ang tag ng dress at binigay sa cashier.

"Tayo na" sabi niya sabay labas ng shop

"Sa mall nanaman" sabi ko

"Oo" sagot niya

Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa mall. Pumasok kami sa loob.

"Suki na tayo ng mall" sabi ko, tumawa naman siya. Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at naglakad papunta sa arcade.

"Laro tayo" sabi ko, tumango naman siya. Naglaro kami ng basketball at pumunta kami sa vending machine.

"Subukan mo yun" sabi ko sabay turo sa isang vending machine.

"Okay" sagot niya, unang laro niya pa lang eh may nakuha agad.

"Eto" sabi niya sabay bigay ng teddy bear.

"Thank you" nalang ang nasabi ko

"Punta tayo sa park" sabi niya

Pagdating naming sa park, OMG. andaming couples. Bigla nanaman niya kong hinwakan sa kamay at naglakad kami sa park.

"Bili tayo na shake" sabi ko

"OK" sagot niya

"Wait, ano pang couple yung shake nila!" sigaw ko

"Bili na tayo" sabi niya, nagpaiwan naman ako soon pero hintak niya ko.

"Good morning sir, ma'am, ano po ang gusto niyong shake?" tanong ng tindera.

"Isang serve ng couple shake, chocolate flavor" sabi niya at nagpanic na ko. I mean isang serve, magsheshare kami.

"Ito na na po" sabi ng tindera

"Eto" sabay bigay ko ng straw

"Nag eenjoy ako" sabi niya at nag smirk.

"Well, nabwibwisit ako" sabi ko tumawa naman ang moko

Pagkatapos naming uminom, umuwi na kami dahil hapon na rin.

"Thank you, bye" sabi ko saka pumasok sa gate

"Bye" sabi niya at pumasok ulit sa sasakyan.

Pagkapasok na pagkapasok ko, binulaga agad ako ni mama.

"Saan ka pumunta? At bakit di ka nagpaalam?" tanong ni mama

"Sa park, at bigla po kong hinila ni Nathan kaya di na ko nakapaalam" sagot ko

"Yung nanliligaw sayo?" tanong niya

"Opo" sagot ko ulit

* * * * *

Love CoincidenceWhere stories live. Discover now