Chapter 8 : Memory

29 2 0
                                    

* * * * *
"So kamusta na ang kuya mo?" tanong ko

"Ayon, di na tuloy ang kasal" sabi niya sabay kamot ng ulo niya

"Bakit? Narealize ng fiancé niya na bobo ang papakasalan niya" sabi ko

"No" sagot niya. Kita niyo ang tamad magsalita, ang haba ng tanong ko no lang ang sagot.

"Hindi siya pumunta sa simbahan, so hindi pa siya namin nakikita" dugtong niya

"Ah OK, dahil naawa siya sa fiancé niyang papaiyakin" sabi ko. Hindi sumagot, tulog.

Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Karl. Si Karl nga pala ang nanlokong ex ko. Nasa highschool kami ang sweet niya pero pinagpalit niya ko sa mas sexy, mas maganda, at mas mayaman. Kaya di na ko na ko nagpapaniwala sa mga sweet sweet na mga lalaki. Masasaktan lang ako. Sakto na ang nasaktan ako noon. Kaya feeling ko, kung mamahal ako ulit, doble na ang sakit. Kaya pinipigilan Kong wag ng magmahal ulit. Takot akong masaktan ulit, ang sakit na. And I think, hindi ko na kakayanin kung masasaktan ako ulit. Bumalik naman ako sa matinong pagiisip, narealize ko na kanina pa tumutulo ang luha ko. Basa na ang panyo ko. At tulog pa rin si RJ, ang tamad ng batang kasama ko.

Umiyak nalang ako nang umiyak, di ko alam kung bakit. Pinipigilan ko pero tumutulo pa rin. Siguro sinasamantala lang ng mga luha kong bumagsak dahil walang nakakakita saking umiyak. Well, mabuti na to kesa may makakita saking nasasaktan. Bakit di ko mabura ang memory ko noong nasaktan ako. Siguro tadhana kong masaktan. Bigla namang nagising si RJ, pinahidan ko agad ang mga luha ko bago pa siya makatingin sakin.

"Bakit basa ang damit ko?" tanong niya

"Umulan kanina" di ko alam kung saan ko yun kinuha basta nasabi ko na

"Bakit pula ang mata mo?" tanong niya ulit

"Contact lenses" sabi ko kahit wala naman akong contact lenses

"Ah OK" sabi niya

RJ P.O.V

Sinungaling pa tong isa eh. Alam namang umiyak. Pero dahil saan kaya? Di niya lang alam gusto ko siya, simula pa lang na nililigawan siya ni kuya.

"Anong tingin mo sakin?" tanong ko

"Para kitang kapatid. Bakit?" tanong niya, di lang ako na friend zone, na brother zone ako

"Tanong lang" sagot ko

Saka ako natulog ulit.

Love CoincidenceOnde histórias criam vida. Descubra agora