Chapter 1

26.4K 394 20
                                    

Author's Note : Hi Guys , this is my first ever stories in wattpad. If ever na merong mga wrong spelling o wrong grammar please pakiintindi na Lang po dahil Ako ay baguhan pa Lang sa larangan ng pagsusulat .Hope guys you like it . 😘Oloy

Prologue :

Sino ba sa ating dalawa ang nagkulang? Ikaw ba na piniling maging masaya sa piling nya , o Ako na pinaglaban ka dahil Mahal kita ?

A/N: Pasensya na kung maikli ang prologue .Babawi Lang Ako sa next chapter . 😘Oloy













Kasalukuyan ..


"Kukunin ko kung ano Ang akin Daphnie . Walang pwedeng umangkin sa pagmamay- ari KO na . " galit na sabi ni Adrian sa akin . Ngunit hindi ako nagpatinag sa Mga titig niya .
"Wala ka nang dapat kunin dahil wala ka namang iniwan sa akin . At ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa akin pagkatapos mo akong pagtabuyan apat na taon ang nakaraan . " galit na sigaw ko sa kanya . Nakita ko kung paano nagbago ang expression nang kanyang mukha Ngunit hindi ako nagpatinag nadala na ako noon hindi na ako papadala ngayon .

"Paano kong sasabihin ko sayo na alam ko ang pinakakaingatan mong sekreto? " namutla ako sa aking nadinig hindi niya pwedeng malaman yon . Paano na lang kong kunin nya ito at tuluyang ilayo sa akin . Yan ang hindi ko hahayaang mangyari magkamatayan muna bago niya makuha ang gusto nito .

"Mama, gising po mama !!!! " nagising ako sa aking masamang panaginip dahil sa pagyugyog nang anak kong si Nathalie, apat na taong gulang na siya . Binalingan ko ang anak kong todo simangot na dahil hindi agad ako nagising .
" Anong kailangan nang baby ko hmm ?" Pinisil ko ang pisngi niyang napaka cute .
"Kashi po mama gusto ko pong mamasyal tayo tutal linggo naman po ngayon." Sabi nang anak ko . Nakagawian na talaga namin ang mamasyal pagkatapos magsimba tuwing linggo.
" Okay, baby pero mag behave ka doon huh? " pangaral ko sa anak ko . Minsan kasi ang likot likot ni Nathalie tuwing lalabas kami .

Pagkatapos naming magbihis ay dumeritso na kami sa simbahan, naghanap muna kami ng mauupuan dahil ang daming tao . Paglingon ko sa likod ko hindi ko inaasahang magkikita kami nang lalaking naging dahilan nang aking paglisan. Paglisan sa lugar na nandon siya at paglisan ng tuluyan sa buhay nito .
Ngayon Lang ako nagpasalamat sa kadaming tao dito dahil hindi niya kami nakita. Pagkatapos nang misa ay agad kaming tumayo at umalis sa lugar na iyon . Muntik na niya kaming makita kung di lang sa mga sasakyang naka park dito. Abot - abot ang kaba ko sa mga panahon na yon .

Hindi ko inaasahang magkikita pa kami sa tagal nang panahong lumisan ako sa buhay niya . Aaminin kong nag mature siya at lalong naging gwapo . Matagal ko nang ibinaon sa limot kung ano man ang nararamdaman ko noon.
Ipinangako kung hindi na babalik sa dati.
"Mama, bakit po tayo nagmadali?" Inosenteng sabi ni Nathalie
" Ahmm, wala lang anak nagugutom na kasi si mama " pagsisinungaling ko sa anak ko .
"Okay , po " sang -ayon naman niya. Matalino kasi itong anak ko kailangang magingat ka sa mga sinasabi mo.

Pumunta kami sa park ni Nathalie at umupo sa isa sa Mga bench na nandoon . Nagpaalam naman si Nathalie na makipaglaro muna sa mga bata na nandon. Syempre pinayagan ko at sinabihan ko naman na wag masyadong magpa kalayo sa akin kaya okay lang .
Naiwan akong mag-isang nakaupo nang may lumapit sa aking babae. Maganda,mataas at maputi every man's dream girl ika nga nila . Nakipag kwentuhan muna siya sa akin at masasabi kong mabait naman ito .
"See you when I see you Daphnie, pwede kang pumunta sa bahay isama mo narin ang anak mo . " sabi pa niya sabay bigay sa calling card niya at address. Napag -usapan kasi namin tungkol kay Nathalie .
"Okay, Cathy pupunta kami kung hindi na ako busy ."balik kung sabi sa kanya .

Pagkatapos niyang nagpaalam sa akin ay tinawag Ko na si Nathalie upang umuwi .

A/N : Lame ba ? Sensya na kayo . Please vote and comment po para may inspiration na man po akong ipagpatuloy ito . Labyoo 😘😘

A Wife's  Secret Where stories live. Discover now