4

244 36 17
                                    

Vince's Pov.

"Kaya pala pamilyar ka saakin " Wala akong masabi sakanya .Hindi ko alam ang sasabihin ko .Naguiguilty ako hindi ko akalaing may nasasaktan na pala ako .

Ok lang naman saakin kong di mo naalala sanay naman na ko .Ngayon congrats may gf ka na ." Pilit syang ngumiti.

Naalala ko andyan pala si Ivon iniwan ko sa table namin.

Bye Vince hanggad ko ang kaligayahan mo " Tumayo na sya .Muntik nga syang natumba lasing na nga sya .Buti na lang nahawakan ko kung hindi baka nasubsob ito .

Tumingin sya sa mga mata ko hinawakan nya ang pisnge ko .

Hanggang nagulat ako sa sunod nyang ginawa .

Hinalikan nya ko .
Halik na hindi ka makakatanggi .
Halik na kakaiba hindi ko ma explain .

"Malandi kang babae ka" Bigla syang tinulak ni Ivon at pinagsasampal .
Napahiga si Mekaella sa sahig

Ito bagay sayo .Walang hiya ka"

Enough Ivon " Pinigilan ko sya at lumapit kay Mekaella .Na ngayon nakaupo na sa sahig at umiiyak .Nag titinginan din ang mga tao .
Lumapit ako sakanya at binuhat sya .

Vince saan ka pupunta" Habol sa akin ni Ivon .Hindi ko sya pinansin at lumabas na ako buhat buhat si Mekaella .
Sinakay ko sya sa kotse ko . Nakatulog sya .Tinitigan ko ang mukha nya .Maganda sya , Cute na babae bat hindi ko napansin yon. Pano ko nga ba mapapansin yon kung iisang tao lang ang nakikita ko at si Jannia yon.

Inalis ko ang jacket na suot ko at pinangtakip ko sakanya .
Masyadong kapansin pansin ang suot nya . Masyadong bulgar.

Dinala ko sya sa bahay ko at binuhat ko ulit sya papuntang guest room.
Pinunasan ko ang mukha nya .
Ito na ang sign para mag umpisa ulit .May tao palang handa akong mahalin sa kabila ng sakit na naidulot ko sakanya .


....
Kinabukasan .

MEAKELLA POVS.

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na may kurtinang kulay blue . Blue ?
Diba pink ang kurtina ko ?

Napabangon ako bigla ng maalala ko ang nangyare kagabi .
Aray sakit ng katawan ko lecheng babaeng yon balak nya at akong bugbugin aray ko pati ulo ko masakit din .

Habang hinihimas ko ang ulo ko biglang bumukas ang pinto .
Nanaginip ba ko totoo ba ang nakikita ko si Vince .
Ang gwapo nya kahit nakasando at naka short lang sya .Bigla atang nawala ang sakit ng ulo ko .

"Gising kana pala , ito nga pala yong damit mo binilihan kita . Hindi ko alam kong kasya sayo yan .
Maligo ka na alam kong masakit ulo mo " Natulala parin ako . Hanggang lumabas na sya sa kwarto .
Nagtitili naman ako si Vince nga yon .Oh lord thank you :)

Pumunta na kong banyo at naligo.
Kasya naman yong damit na binili nya pati Underwear kasya nakakahiya sya pa talaga bumili nito hehe

Lumabas na ko at may naamoy akong mabango .Nakakagutom naman .O sadyang gutom na ko hindi pa kasi ako kumakain mula kagabi .
Dumeretso ako kung saan nagmumula ang amoy .
Nakita ko si Vince nagluluto . Hindi na ko magugulat alam ko namang magaling talaga sya magluto . Kaya nga lalo ko syang naging crush dati .Bihira lang kasi ang lalakeng mahilig magluto :)

Lumingon sya saakin at inabutan ng soup di ko alam kung anong soup to .
Tinikman ko na agad .Infernes ang sarap hehe .

Pagtingin ko sakanya nakatingin pala sya saakin bigla naman ako nahiya baka isipin nya patay gutom ako .

Kumain ka lang " Nakangiti nyang sabi. Grabi ang saya ko talaga .Yong ngiti nya parang mahihimatay na ko .

Kain ka-na -din " Nauutal kung sabi .Sino namang hindi mauutal kung ganito ang kaharap mo ang gwapong lalake plus mahal mo pa :)

Kumuha din sa bowl at kumain na din .Inabutan nya din ako ng toasted bread .Dahil gutom ako kumain lang ako ng kumain .

Nang matapos na kami kumain .Hinugasan nya ang pinagkainan namin .Wala syang katulong dito ? Pwede mag apply hehehe. Kahit walang sahod ayos lang .

Cellphone mo nga pala . Lowbat kaya chinarge ko" inabot nya saakin .

Thank you :)

Tinawagan ko si lola malamang nag aalala yon saakin .

Apo ok ka lang ? Bat hindi ka nagsabi na hindi ka uuwe nag alala ako sayo "Tuloy tuloy na sabi ni lola

"Sorry lola , ok lang po ako kaya wag kayong mag alala saakin .Na lowbat po kasi ako kaya hindi ko po kayo natawagan .Uuwe na din po ako lola .Kwento ko na lang po maya

Sige apo maingat ka ah "

Opo " Pinatay ko na ang tawag at lumapit ako kay Vince na ngayon nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.

Ahm Vince Thank you nga pala " Nahihiya akong isa isahin ang ginawa nya saakin .Mula sa bar at hanggang dito

Wala yon sorry nga pala sa ginawa sayo ni Ivon"
Oops bigla kong naalala ang ginawa kong paghalik sa kanya kagabi .Biglang nang init ang mukha ko .Nakakahiya ka talaga Mekaella

Wa-la y-on kasalanan ko na-man " Nahihiya kong sabi.
Ngumiti lang sya saakin.

Yon pala kailangan ko ng umowe salamat ulit " Tumalikod na ko sakanya .Anu bayan nahihiya talaga ako.

Mekaella " Tawag nya saakin .
Dug.. dug..dug.. si Mr.heart ko nag wawala .Dahan dahan akong humarap sakanya .

Hatid na kita hintayin mo ko dito at magpapalit lang ako "
Umakyat sya sa taas . Samantalang ako nagtatalon sa kilig .My gosh parang bumalik ako sa paka teenager

Di nagtagal bumaba na sya .

"Tara" Yaya nya .

-----

Thank you sa paghatid " andito na kami sa tapat ng bahay .

Ang lapit lang pala ng bahay mo sa bahay ko" sabi nya .

Gusto mong pumasok ?tanong ko.

Hindi na , nextime na lang may meeting pa kasi ako " Nextime daw oh ibig sabihin mauulit pa to.Overload na talaga ang kaligayahan ko ngayong araw :)

Sige , thank you ulit "

Welcome " Nag smile sya sa akin .Ngiti na ngayon ko lang nakita ulit nakita .Nong last ko kasing nakita ang ngiti nong kay Jannia pa .

Sumakay na sya sa sasakyan nya at umalis .
Nanatili parin akong nakatayo sa labas ng bahay :)

Hiniling ko sana magtuloy tuloy na to :)

Mapasaakin lang sya masayang masaya na ko :)

Itutuloy:

A/N

Readers comment please .

Mr.Kulit Love Ms.Kulit(Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora