7

211 27 3
                                    

Tumabi sya  saakin at inagaw nya ang yosi ko  .

Naka ilan ka na tama na ." Saway nya .

Bakit ba ?  Pagtataray ko naiinis talaga ko sakanya .
Kumuha ulit ako ng yosi at sinindihan ulit ito .

Mekaella tama na yan " Saway din ni Aira, andito pala ito kanina pa kasing hindi umiimik  lasing na kasi .Pag lasing kasi yan tahimik lang hindi gaya ko madaldal.

Maya maya pay kinuha ulit ni Vince yong yosi .

Number 1 ayaw ko sa babaeng nag yoyosi kaya tigilan mo na yan pangit tignan sayo.
Natameme naman ako don .
Maya umiwas ulit sya .
Ayaw ko ng mangyare yon.

"Tara na guys uwe na tayo " Yaya ko sa dalawang kasama ko si Pat nakatulog na .

Hoy bakla gising tara na uwe na tayo , Aira tara na"
Kainis bat naparami inom ko ng dahil ito kay Ivon na yon.

Hatid ko na kayo"
Presenta ni Vince

Huwag na baka malaman pa ng girlfriend mo magalit pa yon sampalin nanaman ako " Inis kong sabi tumayo na ko .Pati na din si Aira at Pat kahit hilo pinilit kong maglakad ng maayos

Huwag ng pasaway hatid ko na kayo " Ulit nya .

Huwag kang makulit kaya nanamin umuwe"  Kahit sa totoo hindi ko alam paano kami makakauwe.
Nagkakaganito lang naman ako kasi nagsisilos ako sakanila ni Ivon .Ilang taon ko hiniling na sana ako na lang ang mahalin nya pero wala eh Hanggang hiling na lang ako .

Sa ayaw at gusto mo ihahatid ko kayo" Inis na sabi nya.

Pwede ba Vince wag mo na ipilit ang gusto mo ."

Ano bang problema mo ah ? Sa tingin mo makakauwe kayo sa lagay na yan ." Malakas na sabi nya .Nag titinginan na ang mga tao saamin.

Ano ba paki mo ah .Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam saakin Vince ah ."
Wala na , hindi ko na pigilan ang sarili ko. Wala na , tumulo na ang luhang pinigilan ko. Wala na , hanggang tingin na lang talaga ako sakanya . Sino ba ako sa buhay nya diba hamak na taga buntot lang naman ako sakanya .Noon hanggang ngayon ako parin yong Mekaella tanga na nagmamahal sa taong may mahal ng iba.

Mekaella may pakialam ako sayo maniwala ka .
Mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko .

Talaga huh? Eh makipag landian ka sa Ivon na yon wagas . Kungsabagay girlfriend mo naman yon kaya ayos lang makipaglandian ka don.Magsama kayo !

Lumabas na ko sa bar .Sumunod naman yong dalawa .

Maya maya pa'y

Ibaba mo ko " Sigaw ko pano binuhat ako bigla ni Vince

Manahimik ka . Ihahatid na kita "

Ayaw ko don ka na lang sa Ivon mo.
IBABA MO KO SABI " sigaw ko pero hindi nya ko pinakikinggan.

Anton ikaw na maghatid kay Aira at Patrick .Ako na bahala sa babaeng to .

Pinasok nya ko sa kotse nya .
At umalis na kami .

Vince bat mo ba to ginagawa ?

Hindi sya umimik . Hanggang makarating kami sa bahay nya .Hinila nya ko papasok .

Umupo ka dyan"
Sabay turo sa upuan nya .
Umupo na lang ako .Nahihilo din kasi ako .

Pumunta sya sa kusina nya .Pagbalik nya may dala na syang black coffee .

Inumin mo yan para mahimasmasan ka ."
Seryuso nyang sabi.

Bakit mo ko dinala dito? Malapit naman na ko sa bahay ko bat di mo pa ko hinatid don "

Gusto kitang kausapin "

Kausapin para san? Tanong ko .

Tumabi sya saakin.

Mekaella mahal mo ba ako ?
Natameme naman ako don .

Mahal mo ba ako ?
Tanong nya ulit.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita .

Oo Vince mahal kita dati pa .Bakit gusto mong malaman ?
Bahala na si batman .Mas mabuti ng aminin kesa hindi .

Mekaella gusto kita di ko masasabing mahal kita pero gusto kita .Kung may pipiliin akong mahalin ikaw yon .
Totoo ba to ? Gusto nya ko ? Hindi na masama yon malaking bagay na saakin yon .Ibig sabihin may chance na mahalin nya ko .

Mekaella pwede mo ba kong tulungang mahalin ka ?

Oo Vince tutulungan kitang mahalin mo ko :)

Niyakap ko sya bigla .Sapat na saakin malaman kong gusto nya ko .
Gumanti naman sya ng yakap .

Pero hindi ko inaasahan ang sumunod nyang ginawa .
Hinalikan nya ko.Tumugon ako sa halik na yon hanggang lumalim ito .

Hanggang nangyare ang hindi inaasahan .
Kusa kong binigay ang sarili ko sakanya .
At hindi ko to pagsisihan kahit kailan.





.
.
.
Nagising ako nang biglang may yumakap sa beywang ko .

Pagtingin ko si Vince .
Naaalala ko yong nangyare saamin kagabi .
Hindi ako makapaniwala pero hindi ko ito pinag sisihan .

Bumangon ako at naligo.
Pagtingin ko sa kama tulog pa din si Vince .

Napag desesyonan kong umuwe muna . Parang hindi ko kayang magpakita sa kanya ngayon magtapos ng nangyare .Nakakailang .

Mr.Kulit Love Ms.Kulit(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon