PART ONE:Chapter 3 - Ayaw nila Maniwala

5K 216 33
                                    

Sena's POV

"ANO BA TOTOO NGA ANG SINASABI KO! NAKITA KO SIYA! NAKAUSAP KO SIYA! NAHAWAKAN KO SIYA!" ayaw maniwala ng mga Classmate/co-ARMYs ko na nakita ko si Jungkook kahapon. Sabagay sino nga naman ang maniniwala sa akin.

Pero bakit ko nga ba pinag pipilitan sa kanila?

"Alam mo Sena. .." diko na pintapos si Julie mag salita. Nakakainis na eh di naman ako nahihibang diba?

"WAG NALANG! NEVER MIND ALL OF THE THINGS I SAID TO YOU!" pumasok na ako sa room at nag walk out, nag umpisa na ang klase medyo boring. Kaya kinuha ko yung phone ko at tumingin ng mga pictures ni Kookie ko.

"Miss Oh What are you doing?"

Patay!

Tinago ko agad yung phone ko, hindi pwedeng ma-confiscate to. This is my life everything is all here!

"Nothing Ma'am. It's just...."

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

This is literally what saved by the bell means, thank you Bell-oppa!

Uwian na, nagyaya ang mga classmates ko na pumunta sa Mall,  monday na monday mall? at dahil di ko trip mag Mall today di nalang ako sumama. Nag umpisa na akong maglakad pauwi nakita ko si Kyungsoo Do kaya sinabay ko na siya sa akin, siya ang childhood friend ko. And also siya ang Valedictorian ng batch namin, ewan ko ba di ako nahawa sa katalinuhan niya.

"Kyungsoo, maniniwala ka ba kung sabihin ko sayo na nakita at nakausap ko si Jungkook kahapon?" sabi ko nagbabakasakali lang naman ako pero for sure di din maniniwala sa akin 'to kontra din yan kay Kookie.

"Oo. " Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinawakan ko yung dalawang balikat niya, huminga muna ako ng malalim.

"TALAGA?" I blurted out.

"Oo, kasi nakita kong kausap ka niya kahapon eh."

"MWO! REALLY? REALLY? TALAGA?" sa tuwa ko nayakap ko nalang si Kyungsoo, dahil sa wakas may naniwala na sa akin.

"KYUNG! KYUNG! OMG! ANG SAYA KO!THANK YOU!" lumayo ako sa yakap niya.

"Dahil jan ililibre mo ako." nag pout ako dahil may kapalit pala, pero okay lang atleast hindi talaga ako nahihibang kahapon. Kaya nilibre ko siya sa KFC (Kainan Food Court).

"Kyung, alam mo ba nagtapat ako sa kanya tapos Tinanong niya yung name ko. Tapos....Ahhhh."

"Ahhhh. Sena. Baliw ka na!" medyo cold niyang sabi.

"Oo Kyung Baliw na ako kay Kookie!" I clasp my hands to each other, inisip ko ulit yung nangyari kahapon.

Nakakakilig talaga!

JUNGKOOK'S POV

"KELAN KO KAYA SIYA ULIT MAKIKITA?" eto nanaman ako hinahanap ko nanaman siya, yung babaeng naka encounter ko kahapon. Alam ko it's weird pero there is something special about her.

"Maknae! Si Sena nanaman ba yan?" Sabi ni Rap Mon Hyung.

"Inlababo ka na?" sabi ni V hyung.

"Hyung, Hindi naman ewan pero ayaw niyang mawala sa isip ko."

"IN LOVE KA NA NGA!" sigaw ni Jimin Hyung.

"NO!Hindi pwede!" Paano si Nana di ko pa nga nakikita si Nana gusto ko muna siyang makita. Si Nana ay yung batang babae na nagligtas sa akin nung binubully ako nung mga kalaro ko pero pagkatapos nun diko na siya nakita.

Lumabas muna ako para mapag isa, nag suot ako ng shades at grey hood ko. Pumunta ako sa KFC, pagdating ko agad akong umorder ng favorite kong fried chicken with rice humingi na din ako ng extra plate para sa gravy.

Umupo na ako, pansin ko namang walang napansin sa akin kaya kumain na lang ako ng tahimik tinanggal ko yung shades ko.

Tumingin ako sa paligid at sa di inaasaha  nakita ko si ... Sena?

Tinignan ko nang mabuti at si Sena nga talaga!Pero may kasama siyang lalaki, boyfriend niya kaya yun? Parang? Masaya sila ha?

"Mas gwapo naman ako dun." bulong ko, teka bakit ko ba sinasabi to? "Pake ko naman sa kanila."

"Jungkook?" nagulat ako kaya agad kong nasuot yung shades ko,  may nakakilala na kaya sa akin? Sumilip ako sa tapat ko at sa paligid wala namang tao.

"mas gwapo kaya si V!" narinig ko ang boses ng mga babae, sa likod ko sila pala yung mga nag kukwentuhan.
Mga ARMY's sila, pinag uusapan nila kami nakakatuwa naman.

"Si Jungkook kaya look!I have 3K photos of him but still di ako nagsasawa tignan isa isa yun." Seryoso? wala pa atang 1k ang mga selca ko sa phone ko. Ganun nila ako kagusto? aaaaw that's why I love them so much.

* doegopa neoui oppa neoui sarangi nan neomu gopa
doegopa neoui oppa neol gajgo malgeoya dugobwa*

Ringtone for Incoming Call

sinagot ko agad ang tawag mula kay Namjoon-hyung.
"MAKNAE, BUMALIK KANA DITO! BAKA MAY MAKAKITA PA SAYO JAN, BAKA DUMUGIN KA PA!"

"Yeah yes, Hyung!" I ended the call, pagtingin ko sa harap ko may dalawang babae.

"Kuya FANBOY KA PO?" sabi ng isang babae, buti nalang naka-shades na ako at nakasuot yung hood ko.

"Oppa base sa looks mo halatang fanboy ka!" sabi nung isa pang babae, buti naman hindi nila nahahalata.

"Oo fanboy ako, sige bye" agad akong tumakbo paalis, grabe yung kaba ko muntik na yun ah!Lumabas ako ng KFC at nakasabay ko pang lumabas si Sena at yung boyfriend or sino man yun.

"Hala umuulan na Kyung, may dala ka bang payong?" I know eavesdropping is wrong pero almost kalapit ko lang sila I can't help it.

Malakas na nga ang ulan, nasaan naba si Driver-hyung? Kanina ko pa siya tinext ah.

"O eto Sese meron akong dalang payong." nakita ko gamit ang pheriperal vision ko na binigyan siya ng payong nung lalaki.

Wow, boy scout.

Bitter? Nagseselos? Hindi ah, promise hindi nga.
————————————————
Don't forget to vote and to add this book on your Reading List to be updated all the time! Thank you!
Love, tinkerbellunnie.

Mine: Jungkook FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon