Chapterbels 71: University Cup Comeback
Trex's POV
Naglalakad ako sa hallway ng school habang bitbit ko yung training bag ko. Nakajersey na din ako at basketball shoes. Actually late na talaga ako sa training namin sa gym pero dumaan muna ako sa Communications building.
Alam na this guys.
Sumilip ako sa bintana at nakita kong mahimbing na natutulog sa class ni Miss Aisah si Amber. Tangina. Gagu talaga tong girlfriend ko eh.
"Psst!" tawag ko sa kanya pero mukhang mahimbing ang tulog. Nga pala, excused na kami dahil Game 5 na namin sa Sabado. Hoping it will end the series of course. Nanalo kasi ang Dameon sa Game 4 na dapat ay sweep namin sana. Nainjured kasi si Joffer. But he's fine now.
Oh and by the way trivia lang ah, pero sa Sabado na din ang 1st Monthsary namin ni Amber. Hashtag landi. Hashtag jeje. Hashtag motmot.
"Psst! Amber Jane!" tawag ko sa kanya habang nakasilip sa bintana. Waepek ampota! "Amber--"
"Is there any problem, Mr. Isidro? May kailangan ka ba sa klaseng ito?!" mataray na tanong ni Miss Aisah ng mapansin niya ako.
Nagpakita ako sa pinto tsaka sumandal at nagkamot ng ulo. "Ah-- eh. Wala ho. Baka lang kasi gusto niyo akong batiin ng good luck. Baka mainspire ako diba?!" nilakasan ko yung boses ko para magising yung babaeng natutulog sa likod.
"Good luck senior Trex!"
"Kaya mo yan!"
"Talunin niyo ang Dameon!"
Napangiti nalang ako ng pilit dahil sa uto uto kong mga classmate. Tangina niyo. Hindi ako naiinspire. Naiinis ako. Tulog pa rin ang DAPAT na bumati saken niyan. Huehue. T^T
"S-Sige Miss. Salamat guys." sabi ko nalang at kumaway sa kanila. Tumango lang si Miss Aisah at nagpatuloy na sa paglelecture.
Nakabusangot tuloy akong naglakad papunta sa gym ng biglang nagvibrate yung phone ko.
From: Amber Jane <3
good luck sa practice ulupong, mukha kang tanga kanina pero ayos lang yan pogi ka naman :-* haha i love you
Ay pota. Kinilig naman ako kaya nagreply ako kaagad. Tangina mo Trex dapat magtampo ka man lang. Gising pala siya kanina pero di ka niya pinansin. Pinagtripan ka pang hayup ka tapos kinikilig ka pa ampota!
To: Amber Jane <3
mabuti alam mong pogi jowa mo haha sabay tayong maglunch ah i love you too :-***

BINABASA MO ANG
Still A Girl
Fanfiction{COMPLETED} "Tomboy man ang tingin nila sa kanya, para sa akin, siya lang ang pinakamaganda." #StillAGirl ™ By: CrimsonCrinkles 2013