Chapter Nine

10K 229 9
                                    

"Best.." bulong ko kay Cassey, "I will be sleeping over sa inyo this weekend." Pinipigilan ko ang sariling huwag mangiti sa naiisip.

"Sorry, may sleep over din akong pupuntahan eh." Balik ngiti niya, or mas tamang sabihin, pilya ang kayang smile.

"Eh pasama na rin, okey?" I showed her my puppy eyes look and raised my hands like paws begging.

"Hindi pwede, istorbo ka lang. Hindi ko pa mamaya magawa iyong pinaplano ko eh." Tinalikuran niya ako.

"Okey lang, hindi naman ako sa inyo matutulog eh, 'sleep-over-da bakod', if you know what I mean?" napakagat labi ako.

Agad niya akong tinitigan, at mas lalo pang pinakatitigan na-conscious tuloy ako, I looked away.

"Kahapon ka pa eh, kahapon ka pa ngingiti-ngiti sa sarili mo. Hindi pa ba tapos iyang 'smile-fever' mo?"

"Hmm? Anong smile fever?"

"Oh, nakangiti ka pa rin. Alam mo bang nagpapang-abot na ang ang dulo ng bibig at ang tenga mo, nabibinat ng masyado sa kangingiti mo. Tumigil ka na." pinandilatan niya ako.

"I'm not smiling!" high pitched kong sagot.

"Yes you are! Look at you, hindi mapalis-palis pati mga mata mo nagniningning, nakakasilaw ang iyong mga ngiti, nabubulag ako."

OK! Sumimangot ako, iyon talagang simangot ng pinakasimangot ko. "Oh hayan, ok nah?" inis kong tanong sa kanya.

Umiling lang siya at natawa. "Hay naku, when a woman is in love nga naman, it really shows in her smile, you're the living proof. Teka, picturan kita ng mai-post ko sa FB." Tinaasan nya ako ng kilay. "That smile will be pasted on your mouth hangga't nandirito ang dahilan ng mga ngiting iyan. Where the heck is that guy at nang masabunutan."

"Best!" tinapik ko ang kanyang balikat.

"O siya sige na, kapag tumawag ang parents mo at tinanong, 'Cassey, nandiyan ba si Khime?' at ang automatic reply ko naman eh, 'Opo, tita, nasa kama ko natutulog na po.' hindi lang nila alam nasa ibang kama ka na pala."

"Best!" pinandilatan ko siya. Gusto kong tampalin ang bunganga nito.

"Ready ka na?" ngiti niya.

"Saan?" pagtataka ko.

"Gusto mo bigyan kita ng pointers?" lalong lumawak ang kanyang mga ngiti.

"Pointers saan?" ang gulo talaga ng Cassey na ito. Hindi ko siya maintindihan.

"Sa ibang kamang tutulugan mo." she laughed.

Kinurot ko siya sa tagiliran and covered her mouth. Hinila ko siya sa sulok at baka may makarinig sa mga pinagsasabi niya.

"Pero huwag na siguro at baka tadyakan ako ng di oras ng gagong Benjamin na iyon. Mas exciting sa kanya kung siya ang magtuturo sa iyo. Kaya ikaw, you learn well, and do it well." tudyo pa rin niya."

Ok, now I understand kung anong pakiramdam ni Jianne kapag tinutudyo siya ni Cassey, I know I'm blushing right now.

"Just one thing you'll want to know, best, kapag may mangyari, take control, get on top, and ride the horse in full throttle." napakagat labi ito na para bang may pinipigilang kung anong nararamdaman at saka pilyang tumawa.

"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya.

"Anong ginagawa ninyo diyan? Kanina ko pa kayo hinahanap?" dungaw ni Jianne sa ilalim ng hagdanan na kinaroroonan namin.

SGANF #1: Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon