COURAGE

4.9K 128 10
                                    

Chapter 56

Lahat kami nakatingin sa bangkay na nasa harapan namin..
Handa na ako...sana nga hindi si jema ang nasa harapan ko..

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko...

Hinawaka ko ang puting kumot na nakatakip dito..
Unti unti kong hinawi hanggat makita ang mukha nito...

Laking gulat ko ng hindi nga si jema...
Pati sila mommy ay nagulat din dahil ang kanina pa namin iniiyakan ay di naman pala namin kaano ano..

Kalunos lunos ang nangyari sa mukha ng bangkay na nasa harapan namin..

Basag ang mukha nito at apektado din ang ulo..

Halos masuka ako sa nakita ko..parang babaliktad ang sikmura ko kaya agad kong tinakpan ulit ang mukha nito..

Kitang kita ko kung paano umiyak ang mga taong nasa harapan namin..

Nanghina ang mga tuhod ko...paano kung ganyan din ang nangyari kay jema..tumakbo ako palabas ng kwartong iyon..

Diko na nga pansin kung may mga kasama ako na maiiwan...
Pagdating sa labas ay palinga linga ako sa paligid hanggang nakita ko ang isang nurse na dumadaan..

Nurse....tawag ko dito..

Nasaan yung dinala dito kanina yung  tatlong naaksidente??

Ah yung naka suot po ba ng gown na pang kasal??

Oo yun nga nurse!!

Nasa room 07  po...sagot ng nurse...

Agad na hinanap ni deanna ang room 07...finally...nakita ko rin..

Di na ako kumatok...agad ko itong binuksan..

Pag pasok ko ay nakita ko si kyla na nakaupo sa tabi ng bed kasama si kuya cy...at.......si jema nakahiga sa kama may benda ang mga mata...may mga gas gas sa mukha..

Bumilis ang tibok ng puso ko..

Deanna....dinig ko na sabi ni kyla..

A...anong nangyari kay jema??
Agad akong lumapit dito..

Baby???

Deanna wala pa siyang malay pero sabi ng doctor ay ok na siya pwera sa mga mata niya...sabi ni kyla..

Anong ibig mong sabihin??
Tanong ko..

Ang mga mata niya ang naapektuhan maaring di siya makakita hanggat hindi pa siyaa ma operahan..

Doon na tumulo ang luha ko..

Hinawakan ko ang pisngi ni jema..
Baby im sorry....im so sorry...sinasabi ko habang patuloy sa pag tulo ang mga luha ko..

Deanna...wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo...ang sabi ni kuya cy..ako ang may kasalanan hindi ko siya iningatan...halos tumulo narin ang luha nito..

Niyakap ko si jema...hinagkan ko ito...gusto kong sumigaw kung hindi dahil sakin ay di siya maaaksidente..kung di ako nag pumilit na makasal kami ay di mangyayari sakaniya yan..

Sinasabi ko habang yakap yakap ko si jema...

Dumating na rin sila mommy at ang tatay ni jema...

Nagsilapit ito para makita nila si jema...kitang kita ko kung paano nasaktan ang mga ito...
Nawalan na sila ng kapatid dati at ngayon si jema naman muntik muntikan na..

Kung may nangyari kay jema na masama di ko mapapatawad ang sarili ko kasalanan ko ang lahat....

Deanna huwag mong sisihin ang sarili mo...walang may kasalanan aksidente ang nangyari...narinig ko na sabi ni tatay habang hawak ang balikat ko..

COMPLICATED LOVEWhere stories live. Discover now