COINCIDENCE

5.5K 117 7
                                    

Chapter 61

Sa kusina...

Habang naghahanda na si nanay ng para sa lunch ay nagtataka ito dahil hindi pa bumabangon si jema at deanna..

Anna ano ba sabi ni deanna sayo??ang alam ko kase ay papasok siya ngayon sa trabaho..

Opo..nay pero hindi pa naman siya gising..sagot ni anna..

Hay naku gisingin mo kaya...utos ng nanay ni jema..

Ay naku nay ayaw ko po...bilin kase sakin ni ate deanna na huwag na huwag ko sila gigisingin kung hindi importante...

Eh tanghali na...sayang naman ang niluto kung almusal para sa kanila..
Asan ba si mafe at ng mautusan..

Nasa sala po..

Sige at siya ang uutusan ko..

Lumakad si nanay papunta kay mafe..

Bunso katukukin mo nga mga ate mo...tanghali na ay di pa nag sisibangon...

Baka puyat nay..

Paano mapuyat aga nag si akyat kagabi..

Eh baka puyat nay sa ibang bagay hahaha tawa ni mafe..

Ano bang sinasabi mong bata ka!?bilisan mo na at gisingin sila..
Utos ni nanay..

Opo..ito na at aakyat na..

Pag akyat ni mafe ay kumatok siya ng tatlong beses pero hindi nag bukas..

Ginawa niya ay kumatok ulit ng sunod sunod hanggang sa magising ang mga ate niya..

Si jema ang unang nagising napatingin siya kay deanna na mahimbing pa na natutulog..

Hindi parin tumitigil si mafe sa pag katok..

Sandali...sigaw ni jema..

At ng marinig ni mafe ay huminto naman na ito..

Baba na daw kayo sabi ni nanay tanghali na daw!!!sigaw ni mafe sa labas ng door nila..

Tatayo na sana siya ng maalala niya na wala pala siyang saplot..

Deanna...uy gising...

Ahm...antok pa ako...sagot nito..

Antok??eh mag 11 am na kaya..

Nang marinig ni deanna ay agad itong napa balikwas sa higaan..

What???11 am na??di makapaniwala na sabi ni deanna..

Opo...see the clock....akala ko ba papasok ka sa trabaho??

Oo...may meeting ako ng 9 am eh..

Sira ka pala bakit di ka nag alarm??

Nag alarm ako diko lang narinig...
Haist kainis..

Yan kase kalibugan mo di ka tuloy nagising ng maaga..
Natatawa na sabi ni jema..

COMPLICATED LOVEWhere stories live. Discover now