CHAPTER 4

6.4K 151 8
                                    

Ngumiti si Megan, ang tagal na mula nung huli niya itong napanood na maglaro.

Sure, sabi niya. Kaya pala nakasuot si Hero ng basketball uniform and oh take note, he looked so handsome and hot.

Ngumiti si Hero at naglakad na sila papunta sa gym. Napapatingin sa kanila ang mga schoolmates nila but he doesnt seem to care. Hinihila niya ang kamay niyang hawak nito pero lalo lang nitong hinihigpitan ang hawak nito. Wala na siyang nagawa kaya hinayaaan niya na lang ito. Magkahawak kamay silang naglakad patungong gym.

Pagdating doon, si Hero na lang ang hinihintay, nag wawarm up na ang mga kateam mates nito. Napatingin sa kanila ang lahat ng tao sa gym including Hero's coach.

You're late, Alvarez, sabi ng coach nito. Nakakatakot ang hitsura nito na parang galit. Napatago siya sa likod ni Hero. He chuckled.

Sorry coach, girlfriend alert, balewalang sabi nito na parang hindi pansin ang sinabi ng coach nito. Napatawa naman ang mga kateam mates nito. Nag-init ang pisngi niya.

Suddenly, she heard noises coming from the crowd. She looked around to see na halos karamihan ng nanonood ay mga babae, may nakita pa siyang banner na may pangalan ni Hero. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin.

Huwag mo silang pansinin babe, bulong ni Nico na ang tinutukoy ay ang mga babaeng masama ang tingin sa kanya.

Naglakad na sila papunta sa bleachers, malayo sa crowd kasi karamihan sa mga ito ay nasa may bandang taas.

Will you be okay here? tanong nito nang makaupo na siya. He was still holding her hand.

Yes, Ill be fine. Dont worry about me.

Alvarez! sigaw nang coach nito. Hindi iyon pinansin ni Hero na nakatingin lang sa kanya.

Are you sure?

Oo naman. Alis na bago pa magbuga ng apoy ang coach ninyo.

Natawa ito sa sinabi niya. Binitawan na nito ang kamay niya at tumalikod na. Akala ni Megan ay aalis na ito pero nagulat siya nang bigla itong humarap sa kanya at hinalikan siya sa harap ng mga tao sa gymnasium! Nakarinig siya ng mga pagsinghap. Maging siya ay napasinghap. Hindi siya agad nakakilos. Mabilis lang ang halik kahit pakiramdam niya, hindi pa nito gustong matapos iyon.

Nakatingin sila sa isat isa pagkatapos ng halik na iyon. Mayamaya, ngumiti ito at hinwakan ang gilid ng labi niya. Pakiramdam niya pulang pula na ang pisngi niya.

Good luck kiss, sabi nito. Para sayo itong game na ito. Hintayin mo ako ha, sabay tayong uuwi, dugtong pa nito at pagkatapos binitawan na siya nito at naglakad na papunta sa court. Inasar pa ito ng mga kateam mates nito pero ngumiti lang ito.

Naiwan siyang natutulala. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Mayamaya, napangiti na rin siya nang maisip niya na baka nagugustuhan na din siya nito kaya nito ginagawa ang mga bagay na iyon.

Napatingin siya dito na kasalukuyang naglalaro na. Hinati sa dalawa ang team. Maingay sa gym dahil sa sigawan ng crowd, mostly ay dahil nagtsi cheer. Lalong lumakas ang hiyawan ng makashoot si Hero, kahit siya napasigaw din na parang tunay na laro na iyon. She just cant help it because he was so good. And well, because she was so proud of him. Hero looked at her tapos kinindatan siya nito. Nag-init na naman ang pisngi niya.

Hindi maialis ni Megan ang tingin kay Hero. Every now and then, tumitingin ito sa kanya. Ilang beses itong napagalitan ng coach nito dahil doon at sinabihang mag focus ito. Tinawan lang ito ni Hero at sinabi na hindi nito mapigilang hindi tumingin sa kanya. Tumawa ang mga kateam mates nito. Pakiramdam ni Megan ay pulang pula na ang mukha niya. Hiyang hiya na talaga siya.

Chasing Hero's Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now