CHAPTER FOUR

31 2 1
                                    

"sure ka na ikaw na lang ang sasali?"

"oo na, sige, para sa yo, madali lang naman maging ikaw eh"

tumayo ako galing sa kama at naglakad kasama ang kumot at nagmukha akong lumpia.

"uy, thank you talaga"

"eh paano pag yung quiz bee na, paano na tayo?"

"ok, lang yon, matalino ka naman eh" tinapik ko yung balikat nya at bumalik sa kama.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

author's note

o ayan, tuloy, tuloy na yan ha! enjoy na lang and i recommend nyo toh sa iba at wag kalimutang mag iwan ng comment :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Russ' POV

hala! paano na toh?

"nasaan na ba si Lynx?"

nandito na ako ngayon sa municipal stadium para sa mr and ms beauty and brains contest, grabe, ang kati ng suit na ito ha! ang sakit sa balat! dapat si Rav yung nandito eh, bahala na, si Lynx ang kailangan kong makita.

"hoy! kanina pa tinawag ang candidates dun ah! bakit nandito ka pa?"

"sorry, kararating ko lang eh"

nakatulala lang sya sa akin

"oh bakit?"

"hindi mo ako aasarin o babarahin? or something?"

"hindi, bakit naman?"

"hmph! buti naman, umayos ka Rav ha!"

huh? akala nya ako si Rav? duh, hindi ko kaya kamukha si Rav!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rav's POV

"ha! si Russ ang pinapunta mo sa contest?" sigaw ni Inna na nandito sa kwarto ko at naghahasik ng lagim.

"oo, hindi ko talaga kayang tumayo ngayon, hindi ko kaya" sabi ko

"argh! paano kung mainlove si Russ myloves kay Lynx? paano na yan?!" at hysterical nanaman sya

"hindi yan, pati nag kunwari lang si Russ na ako sya, so ang alam ni Lynx, ako ang kasama nya"

"well. sana nga, para mapunta si Russ sa akin!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Russ' POV

grabe! katatapos lang ng quiz bee at catwalk, announcement na ng winners, manalo kaya kami?

"may naka upo ba dyan?" sabi ni Lynx na nakaturo sa upuan sa tabi ko

"wala, uupo ka ba? eto"

"wow ha! may sakit ka ba? ang bait mo ha!"

tapos hinawakan nya yung kamay ko . . . . . 

"wow, Rav. . . . alam mo. . . "

"ano?"

bumilis ang tibok ng puso ko kahit hindi ko alam kung bakit, feeling ko namumula na yung mukha ko.

"kinakabahan ka no? pasmado yung kamay mo eh"

tss. akala ko kung ano na!

". . . . and the mr. brains 2014 2nd runner up goes to. . . Russel Ramos of Principalia Unibersidad y secondarya, at ms brains 2014 champion goes to . . . . Lynx Xavier of Principalia Unibersidad y secondarya!"

at umakyat kami sa stage.

"AND FOR THE KING AND QUEEN OF BEAUTY AND BRAINS 2014!! ang mga points po ng mga contestant ay pinagahalo-halo para makuha ang over all, at ito ang results, so the award goes to. . ."

nako! bumalik uli yung kaba ko!

"Russel Ramos of Principalia Unibersidad y secondarya and Lynx Xavier of Principalia Unibersidad y secondarya!"

napatalon kami at nagyakapan. . . 

pag akyat sa stage, yung mga tao, nagsigawan ng "KISS!! KISS!!" sabi nung MC, mga bata pa daw kami, pero nung tumingin ako kay Lynx, nag smile sa at hinalikan ako sa lips!

"yeah, good boy ka ngayon Rav, love you!" bulong nya sa akin

huh? si Rav ang mahal nya?

EENIE MEENIE MINIE MOWhere stories live. Discover now