CHAPTER EIGHT

18 1 0
                                    

russ POV

hahahah ang sarap pagtripan ni rav, nandito kami ngayon sa mall at si rav, 

"ok, slave, pumunta ka sa food court at hanap ka ng PANCAKES!!!"

"pero ibibigay mo yung number ni lynx mamaya?"

"oo, sige na, sige na, pupunta lang ako sa comic alley, i take out mo, may chocolate syrup ha!"

pag alis ni rav, pumasok na ako sa comic alley, pumunta ako sa mga figurines ng mga pokemon. dati, nung elementary, mahilig akong mag kolekta nyan, kaso ngayon, na realize ko na talagang pang design lang sya, hindi sya pwedeng pag laruan, nasugatan ako dahil dun sa nabasag na pikachu.

 tinignan ko yung figurine. bigla kong naalala lahat. sinubukan kong kalimutan yon pero sobrang sakit, pero si rav ang may gawa noon eh. sa 16 years naming magkasama, hindi ko kayang magalit sa kanya eii.

"excuse me, titingin ka lang ba? wait lang, may kukunin lang ako ha!"

tinignan ko yung babae na nasa tabi ko, wait, parang familiar sya sa akin ah, ah!! si louisse!!

"louisse? ikaw na ba yan?" tanong ko sa kanya

tumingin sya sa akin, tinanggal ko yung hood ng hoodie ko, na recognize nya nga ako.

"rav? is that you?"

bakit ba ang mga tao iniisip na ako si rav. . . pero parang gusto kong magpanggap na rav.

"ah, e oo"

"wha!! ikaw pala yan! hindi kita na recognize agad! si russ nga pala"

"nandoon sa bakery, bumibiliu ng pancakes"

"nako, si russ talaga, masyado syang mahilig sa pancakes"

gosh! naalala pa nya ako!

"kailan ka pa nga pala naka uwi?"

"ah, last week lang, kaso hindi muna ako pinayagang lumabas eh"

"gusto mo, kain tayo? treat ko!"

"sure, sounds good! theres nothing wrong to have a friendly date to an old friend of mine right?"

lumayo ako ng tingin, baka magbalik ang feelings ng nakaraan.

". . . after what happens right?"

may nag crack sa puso ko. siguro, alam ko kung ano yon.

pumunta kami sa isang french restaurant. doon kami umupo sa tabi ng bintana. nag order ako ng croissant at nag order sya ng macaroons at creppe.

"you know what. i realized a thing when i was on america"

"ano naman yon?"

"and i realized it too when i came here."

nako! paano yan! nandito na si louisse! mas complicated na ang mga bagay ngayon, imbes na maka da-moves na si rav kay lynx, eto na si louisse.  ayokong masaktan si rav kahit sinaktan nya ako dati.

"hey! are you listening?" she smiled at me

ano ba yan! napapa english ako sa babaeng ito

"ah! may naalala lang kasi ako, what are you saying again?"

"i realized that i still love you . . . i love you rav"

nako.. patay tayo dyan

EENIE MEENIE MINIE MOWhere stories live. Discover now