CHAPTER 13

880K 28.7K 10.7K
                                    

CHAPTER 13

"I HATE YOU! Don't touch me! Don't touch me, you abomination!" sigaw ng ina ni Lucky habang itinutulak siya palayo dahil pilit niya itong niyayakap. "Huwag mo sabi akong hawakan! Kinamumuhian kita! Umalis ka sa harap ko!"

Nanginginig ang mga labi ni Lucky habang humahakbang palayo sa kanyang ina. "I j-just want to greet you Happy Mother's Day, Mommy."

Dinuro siya nito. "Mukha ba akong masaya?! Mukha ba?!" Malakas siya nitong sinampal. "Ikaw ang dahilan kaya miserable ang buhay ko! Ikaw!"

Pinipilit niyang hindi umiyak sa harap ng ina dahil ayaw nitong makakita ng luha. "P-pero k-kasi, s-sabi ni Teacher, i-greet ko ang mommy ko ng H-Happy Mother's Day."

Sinampal na naman siya nito. "Tumigil ka! Tumahimik ka! Kung gusto mo akong maging masaya, mawala ka! Ayaw kitang makita! Alis!"

Humihikbing inilabas ni Lucky ang itinatagong Happy Mother's Day card sa likod niya. "Here, Mommy, o. I love you."

Inaasahan na ni Lucky na tatabigin nito ang kamay niya pero nasaktan pa rin ang bata niyang puso sa ginawa ng kanyang ina sa pinaghirapan niyang gawin. She spent her night making that card.

Lumalabas na ang tinitimping hikbi niya nang apak-apakan nito ang ginawa niyang card, saka dinuro siya.

"Huwag kang maglalalapit sa 'kin! Isa kang salot! Walang magmamahal sa 'yo! Hindi ako o ibang tao man! Salot ka! Hindi ka na sana nabuhay pa!"

Sunod-sunod na nalaglag ang mga luha niya nang umalis ang mommy niya.

Dahan-dahan niyang pinulot ang inapak-apakan nitong card, saka inalis ang dumi na galing sa sapatos nito at niyakap ang card.

"Huwag kang maglalalapit sa 'kin! Isa kang salot! Walang magmamahal sa 'yo! Hindi ako o ibang tao man!"

Habang naglalakad si Lucky pabalik sa kuwarto niya, iyon ang nasa isip niya. Siguro nga tama ang kanyang ina. Salot siya. Walang magmamahal sa kanya. Wala siyang halaga. Siya ang nagpapahirap sa kanyang ina.

Siguro nga dapat na siyang mawala.

Ang mga paa niyang tinatahak ang kuwarto ay lumiko at tinahak ang daan papunta sa kusina. Pinakatitigan niya ang kutsilyo na nasa lababo. Inabot niya 'yon.

Kapag nawala ba ako, magiging masaya na si Mommy? Mamahalin na ba niya ako?

'Yon ang katanungan ni Lucky habang inilalapit ang kutsilyo sa pupulsuhan niya.

Nang magmulat ng mga mata si Lucky at nagising mula sa panaginip na 'yon ng nakaraan, hilam ng luha ang mga mata niya.

Mabilis niyang pinahid ang luha at napatitig sa pupulsuhan niya na alam niyang may bakas ng hiwa. Hindi iyon nawala sa paglipas ng maraming taon.

Malungkot siyang ngumiti. "Hindi pa rin siya naging masaya pagkatapos ng ginawa ko," mahina niyang bulong.

Binuksan niya ang lampshade, saka tiningnan ang orasan sa bedside table.

One AM.

Bumangon si Lucky mula sa pagkakahiga sa kama, saka uminom ng tubig at bumalik uli sa kuwarto. Pero hindi siya nahiga, dumeretso siya na balkonahe at tumingin sa madilim na kalangitan.

Kung gaano kadilim ang kalangitan ngayon, ganoon din kadilim ang buhay niya noong bata pa siya. Sa edad na walong taon, nagawa na niyang saktan ang sarili sa isiping ikasisiya 'yon ng mommy niya, na mamahalin na rin siya nito sa wakas kapag wala na siya.

THE BROKEN SOUL'S PLEAWhere stories live. Discover now