SPECIAL CHAPTER - SIBLINGS

977K 27.6K 15.6K
                                    

~ I wasn't really planning on posting this but here it goes— to tie some loose ends. This Special chapter is for my readers here in wattpad but there is also a special chapter waiting for the book version (KUNG magiging book 'to 😅) and also to inform you that Midnight will be part of my Organósi Series coming this year, but after Knight pa 'to e. Anyways, as usual, enjoy reading and don't be shy to comment. I like reading your comments and your thoughts about this book.

Love yah 😘 - C.C.


SPECIAL CHAPTER

Siblings

MAINGAT NA PANGKO ni Blake ang asawa habang pababa ng sasakyan. Nakatulog ito habang pauwi sila galing reception at ayaw niyang gisingin dahil alam niyang pagod ito. Nang makapasok sa kabahayan, napasukan nila si Midnight na nanonood ng TV.

Hindi na siya nagulat na nakita ito.

"I picked the lock," imporma sa kanya ni Midnight. "Sorry."

"It's okay," sabi ni Blaze na basta na lang itinapon ang susi sa malapit na coffee table habang karga-karga ang tulog nilang bunsong kapatid. "I'll go put Bailey on the bed and I'll get some beer."

Wala ang kanilang ina kasi ayaw itong pakawalan ng ama nila. Ewan kung nasaan ang dalawa. He didn't want to know anyway.

Si Blake naman ay tinungo ang kuwarto niya, saka maingat na ihiniga ang asawa na mahimbing na natutulog. Ilang segundo muna niyang tinitigan ang maamong mukha ni Lucky bago niya maingat na hinubad ang suot na wedding gown nito. Kumuha siya ng T-shirt niya sa closet at iyon ang isinuot dito.

Pagkatapos ay inayos niya ang buhok ng asawa para hindi iyon tumabing sa mukha nito, saka kinumutan at hinalikan sa noo. "I love you, baby," bulong niya bago hinubad ang coat na suot at lumabas ng kuwarto.

As Blake descended on the staircase, he loosened his tie. Pagkatapos ay itinupi niya ang manggas ng polo na suot, saka tinungo si Midnight na nasa sala.

Umiinom na ito ng beer kasama si Blaze. Napailing siya at lihim na napangiti nang makitang nakinig sa kanya ang kakambal at nagdala ito ng barbecue mula sa reception para pulutan nila.

Pabagsak siyang naupo sa pang-isahang sofa at tinanggap ang beer na iniabot sa kanya ni Blaze.

"So, what does it feels like to be married?" tanong ni Midnight habang ibinababa ang volume ng TV.

Uminom siya ng beer at sumandal sa likod ng sofa. "Happy... contented... fulfilling." Napailing na natawa siya. "I can get on and on and I won't be done in the morning."

"He's part of the Understanding Club now," natatawang pang-aasar sa kanya ni Blaze. "Zapanta even welcomed him to the club. Fucking takusas."

Tumawa lang siya, saka bumaling kay Night. "How about you? What's going on with you these past few weeks?"

Midnight shrugged. "Nothing really. Just sleeping and eating." Uminom ito ng beer. "Still waiting for what will happen to me after I killed those sons of bitches."

Nag-alala siya. "Wala pa bang desisyon mula sa organisasyon?"

Umiling si Midnight. "Wala pa rin. Though my brother called. Once."

"Knight?" Blaze asked.

Midnight nodded. "Yeah..."

"What did he say?" Blaze asked again.

Kumagat muna ng barbecue si Midnight bago sumagot. "He was asking where I was because I stopped updating him about my location, since they kicked me as one of the heads. He said he's worried but I told him to fuck off." He sighed. "I don't know. I don't believe him anymore." Umiling ito. "Noong mga bata pa kami, kapag may problema o kapag pinapagalitan ako, 'tapos sinabi niyang magiging okay ang lahat, naniniwala ako agad. Hindi man alam ng lahat na may kapatid siyang lalaki pero para sa 'kin, si Kuya, hero ko siya. I remember when I left the palace to play outside, I was ten. Eh, hindi 'yon puwede. Pinagalitan ako at siyempre, parurusahan. You know what my brother did? He pretended to be me, so he'll get the punishment and not me."

THE BROKEN SOUL'S PLEAWhere stories live. Discover now