Chapter 41

269 7 0
                                    

Hana yurri

Ang next game naman ay yung kay renz nasa gym A na kami ngayon at madami ang nanood dahil laban ni renz at balita ko nag mumukang gwapo daw lalo si renz kapag nag lalaro ng chess lalo na kapag nahihirapan sya sa kalaban nya nag start na ang laro at lahat focus actually wala akong naiintindihan sa mga pinag gagawa nila dama lang ang alam ko.

(A / N : oo dama lang alam ko so shut up XD)

Naging mainit ang laban nila renz at yung sinasabi ni ace na kalaban ng school ay kaklase din daw nila tong kalaban ni renz kahit ngayon pansin ko lahat ng kalaban ng mga taga school namin ay galing sa kalaban daw ng school na to. I find it weird pero ayos lang di pa ko ganun ka curious at saka ko na itatanong kay ace yun kapag sobrang curious na talaga ako.

Maya maya pa ay narinig kong nag salita si renz napangiti sya at saka sinabing "Checkmate sorry but i won" he said saka tumayo sa inuupuan nya at nag unat unat sya na kala mo walang nangyari well kahit kami hindi makapaniwalang tapos na ang laro.

"Winner Renzo Dross!!" Announce ng computer saka pinakita ang picture ni renz habang focus sa game oo nga gwapo nga lalo , nag hiyawan naman ang mga babae na fan nya daw.

"Kayaahh~ nice game prince R!! I love you!!" Sigaw ng isang babae

"I love you too~" sabi ni renz with flying kiss ang loko natawa naman kami sa ginawa nya sunod na game ay sina heylie na. Agad na nilagay ang net sa gitna ng gym at nakaready na sila ang sexy ng best friend ko.

"Go Heylie!!" I shout

Nag serve na yung bola at nareceive naman nya yun nag toss sila ng bola saka nya hinampas ng malakas at tumama lang sa sahig kung nasan ang libero nila sinubukang i toss ulit pero wala hindi umabot.

Napangiti naman ako well yan ang dahilan bakit mahilig syang mang hampas  ng tao spiker kasi sya kaya kapag kinilig eh wagas makahampas ng braso ng tao na akala mo ehh bola yung braso mo sa paningin nya.

Nag time out ang kabilang team at twenty two and nineteen lang ang sa kabila meaning nangunguna kami sa first quarter ng game. Umupo si heylie sa tabi ko saka ko sya binigyan ng tubig at ng towel "thanks" she said ngumiti lang ako sa kanya. "Sure ka bang ayos ka na?" She said to me saka nag punas ng pawis nya.

"Psh! Isa ka pa eh! Oo ayos na ko wag kang mag alala wala lang yun!" Paninigurado ko sa kanya ngumiti lang sya and i do the same way bumalik na sya sa court at nag laro ulit maya maya pa ay natapos na din syempre school namin ang panalo nag tatalon talon sa saya ang best friend ko magaling naman sya kaya she deserve it.

"Holy crap girl!! We won!!" Tili nya saken

"Congratulations!" Sabi ko sa kanya at sa ka team nya

"Pero ikaw talaga ang batikan duh! Isang game nyo lang kahapon pero grabe panalo agad kayo! Jebai bilib na talaga ako sayo girl!" Sabi ni heylie saken.

[ jebai means amazing ]

"Baliw! Tyamba lang yun!" I said to her

Pinalo nya ko tss hindi nakontento sa bola ang babaeng to "tyamba? Sa galing mo kahapon ? Ohh please yurri wag ako! You did all your best kaya ka nanalo nu! Hindi tyamba yun" she said tumango na lang ako hindi naman ako mananalo sa loka lokang to eh.

Nag paalam syang maliligo muna para di daw sya haggard para sa awarding mamaya sunod na game na napuntahan namin ay sa field ng soccer well kay dom naman kami mag bibigay ng support magaling si dom sa soccer nakita ko yun kahapon ng hingiin na ni ace ang copy ng video ng game kahapon ng barkada and all of them deserve ang maging winner dahil they all did they best para manalo sa game.

Natapos ang three hours at si ace na lang pinaka last na mag lalaro kinakabahan ako na ewan and i feel someone is watching us or just me ewan goosebumps lang ata yun. Nanood ako ng game ni ace pero Hindi talaga ako makapag focus naasar na ko sa pakiramdam ko may nanood saken mula sa malayo. Napalingon lingon ako pero wala naman akong nakupitang kahina hinalang tao.

Pero shit lang hindi ako mapakali!

"Okey ka lang ruri?" Kuya haki ask me

"I think someone is watching us ? Or just me nakakairita at pakiramdam ko andito lang yun sa paligid ko pero hindi ko naman makita" i said to him hinanap nya din pero wala din syang nakitang kahina hinalang tao sa paligid puro lang kasi studyante at teachers lang ang nandito.

"Wala naman eh maybe pagod ka lang after this game at awarding mamaya uuwi na tayo okey?" Kuya haki

Tumango na lang ako saka nag cheer kay ace na ganado na ngayon sa pag lalaro nya maybe he was happy on what he is doing and i am so proud of him kahit na playboy sya ay nagawa nya pa din akong seryosohin kahit na naiwan na sya dati ng taong mahal nya.

And evenhe has a not good memories ay nagawa nya pa ding mag mahal at tumayong muli hindi man fully recovered pero still he's happy and try to stand again on his own , masasabi kong matapang nga talaga si ace i wish na sana kayanin namin ang struggle sa relationship namin i know we love each other at sana sapat yun para hindi namin iwan ang isa't isa.

Kung ako ang tatanungin i love being his side forever coz being with his side is the most safe place ever pakiramdam ko secured ako kapag nasa tabi nya ko and i feel he feel the same way on ny side. I just hope na sana mag tuloy tuloy na to coz i can't imagine my life without him on my side.

Or even with my life..

----

(A/N: pasensya na at hindi ko na dinidetalye pa ang mga games pinapadali ko lang talaga XD at Hindi naman to sports story sadyang nilagay ko lang ang sports feast para masaya yun lang if you are relate sa mga sports na nabanggit then alam mo na ang ginagawa dun if not well not my problem search mo kay pareng google yan o panoorin mo sa YouTube para malaman mo At ng mamatay ang curiosity mo sa mga bagay bagay =D)

Ps: wag nyo pansinin yung mga hugot ko wag kayo~ hindi ako broken hearted
May pinag dadaanan lang masaya pa ko sa relasyon namin ng mahal kong girlfriend<3

bakit ko sine share?

Wala!

SKL lang XD

Please vote and comment wag kayo madamot! XD

MR. PLAYBOY MEET HIS SWEET KARMAWhere stories live. Discover now