EOM 7

739 29 0
                                    

Eyes on me
By: GreenCoated

Lumipas ang mga buwan at malapit na matapos ang unang semester nila. Panibagong yugto ng buhay na naman ang haharapin nilang magkakaibigan.

Maagang pumasok si Rein. Matamlay at malungkot. Hindi niya malaman kung bakit. Naabutan niya si Hans at Tracy na nag-uusap, halatang masaya sila sa isa't-isa. Parang may kumirot sa parte ng puso ni Rein, ang hirap ipaliwanag.

"Good morning!" sabay nilang bati. Nagkatinginan pa sila Hans at Tracy at biglang tumawa.

"Ang saya nyo ata." Mapaklang ngiting sabi ni Rein. Alam niya sa sarili niya na nasasaktan siya. Nasasaktan na makitang magkasama si Tracy at Hans. Oo! Tanggap niya na sa sarili niya na may gusto siya kay Hans, pero hindi puwede. Hindi puwede dahil masasaktan ang kaibigan niya kapag nagkagusto siya kay Hans.

"Ang ganda kasi ng gising namin." Animong pinag-usapan nila ang isasagot, dahil sabay na sabay at pareho pa. Nagkatinginan ulit sila sa isa't-isa at sabay na nagpakawala ng malakas na tawa.

"Sa tambayan muna ako." Mahinang bulong ni Rein. Pero mukhang hindi ito napansin ng mga kasama niya dahil masayang nagtatawanan pa rin ang mga ito.

Dali-dali itong umakyat sa rooftop. Sa tambayan nilang magkakaibigan. Pumunta siya sa dulo nito at tinignan ang buong campus ng kanilang eskwelahan mula sa taas.

Tahimik.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong sobrang tahimik, parang walang problema. Pero wala naman talagang problema si Rein. Okay naman ang pamilya niya, okay naman silang magkakaibigan, nakukuha niya naman lahat ng gusto niya, lahat ng tao sa paligid niya ay binibigyan siya ng atensyon. Kung sabagay, ano nga ba ang kulang sa kaniya? Hinawakan niya ang parte ng puso niya at malakas na bumuntong hininga.

"Okay ka lang?" Hindi siya tumingin kung sino man ang nagsalita at naka-focus pa rin ang paningin niya sa baba.

"Okay lang ako. Wala ka rin namang paki-alam kahit sabihin kong hindi ako okay 'di ba?" Mahinang bulong niya sa sarili.

"H-ha?"

Minsan tumatahimik na lang si Rein para malaman niya kung may paki-alam ba sila sa nararamdaman niya. Para malaman niya kung may halaga pa ba ito sa kanila.

"Wala." Nakangiti namang tumingin sa kaniya si Rein.

"Bakit ka pala pumunta rito? Huwag mong sabihin na sinundan mo ako rito?" Pagbibiro ni Rein.

"Asa Rein, may ibabalita lang ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Let's end our deal." Parang bigla siyang nanlamig sa sinabi ni Hans. Let's end our deal? End na rin ba ng pagsasama nila. Oo! Masaya siya sa tuwing kasama niya si Hans at super close na rin sila. Tinutulungan niyang mapalapit si Hans kay Tracy at bilang kapalit ay magiging alipin siya nito.

"B-Bakit?"

"Anong bakit? Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Parang binagsakan ng langit at lupa si Rein dahil sa sinabi ni Hans. Para kasi sa kaniya ay hindi na siya nito kailangan at lalayo na siya. Wala na siyang silbi sa buhay nito.

Eyes on meWhere stories live. Discover now