EOM 8

797 29 0
                                    

Eyes on me
By: GreenCoated

Huling araw bago mag-sembreak.


Laging magkakasama ang magkakaibigan pero alam nilang may naiba. Hindi na kasi ganoon kaingay si Rein. Tahimik lang ito sa tuwing mag-uusap silang magkakaibigan, 'yong tipong para sa kaniya ay siya lang ang mag-isa. Ngiti lang ang sagot kapag kinakausap siya.

Iyong relasyon nila Hans at Tracy. Ayon! Hanggang ngayon ay sila pa rin. Super sweet sa isa't isa na tipong pati asin lalanggamin.

Si Desiree naman ang madalas na kasama ni Rein. Alam ni Desiree 'yong dahilan kung bakit nag-iba si Rein. Dahil kapag silang dalawa lang ang magkasama. Bigla-bigla na lang luluha si Rein na walang dahilan. Nasasaktan siya para sa kaibigan niya. Pero wala siyang magawa dahil kapag tinulungan niya si Rein, may isang kaibigan naman niya ang masasaktan.

Huling araw na nila at wala na silang klase. Dahil tapos na ang first semester nila. Bakasyon na nila sa mga susunod na araw kaya nagyaya si Tracy na mag-party. Sa bahay nila Tracy sila nag-celebrate kasi wala roon ang mga magulang nito, nasa abroad for business. Nagpag-pasyahan nilang sa swimming pool mag-party. Pool party kumbaga.

Sampu silang nandoon kasama si Rein, Tracy, Hans, Desiree at ang mga bago nilang kaibigan.

Masaya silang nagku-kwentuhan habang ang iba naman ay naliligo sa pool at may kaniya-kaniyang baon na kwento. Hindi naman maipinta sa mukha ni Rein kung masaya ba ito o malungkot. Nagpalit sila ng ugali ni Hans. Si Rein na dating maingay, ngayon naman tahimik at parang walang reaksyon sa kaniyang paligid. Si Hans na tahimik at walang paki-alam ay nakiki-salamuha na sa iba. Ibang-iba na talaga.

Napatingin si Rein sa harapan niya nang makita ang magkasintahan na naglalambingan. Hindi lang pala tingin dahil hindi na ito natanggal. Nakatitig na siya.

May kumirot sa puso niya at konti na lang bubuhos na naman 'yong luha niya na kanina niya pa pinipigilan. Hindi niya kaya itong tagalan at baka bumigay siya. Kahit anong iwas niya ng tingin mas lalo niyang naiisip na iyong taong gusto niya ay may iba na.

"T-tama na." Mahinang bulong niya sa sarili niya na halos siya lang ang nakakarinig.

"Tama na please." May mga ilang lumingon sa kaniya kasama na ang kaniyang kaibigan na si Desiree, pero hindi pa rin siya napapansin ng dalawang nasa harapan niya. Sa pagkakataong ito inipon niya ang lahat ng natitirang lakas niya.

"Tama na!" malakas na sigaw niya kaya ang lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin kay Rein na nagtatanong.

"Hindi ko na kaya. Please, 'wag nyo namang gawin sa harapan ko 'yan."

"Anong sinasabi mo? Anong tama na?" Hindi alam ni Hans kung bakit ganoon na lang kung umasta si Rein. Napa-angat ng tingin si Rein at tinitigan sa mata si Hans.

"Ayan!" Sabay turo niya sa kanilang dalawa ni Tracy. Nabigla naman si Tracy sa inasta ng kaibigan.

"Pwede bang kung maglambingan kayo, huwag sa harapan ko."

"Ano bang pinagsasabi mo? Dati naman ay okay tayo ah? Nakangiti ka pa nga kapag nakikita mo kaming dalawa ni Tracy. Ano bang nangyayari sa'yo?" Naiinis na tanong ni Hans.

"N-nasasaktan ako." Nakayukong sabi ni Rein.

"N-nagseselos ako."

"Nasasaktan? Nagseselos? Anong karapatan mo?"

"Ayon na nga e! Anong karapatan ko? Kasi nga 'di ba wala namang tayo? Huwag mo ako sisihin kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit ako nagseselos. Dahil kahit kailan hindi 'yan naging karapatan. Feelings 'yan! Feelings 'yan na mahirap iwasan!"

Eyes on meWhere stories live. Discover now