Chapter 2:REUNITED

23 1 0
                                    

CHAPTER 2:REUNITED

YU'S POV

"Yu ikaw ba yan?"hindi makapaniwalang tanung ni Gin

"Ako nga Gin"busangot na sambit ko sa kanya.Nagulat na lang ako ng bigla nya akong dambahin.

"Na-miss kita Yu!Salamat at bumalik ka"umiiyak na sabi nya.

"Ano ba Gin!Tumigil ka nga nakakahiya ka"saway ko sa kanya.Buti na lang at walang tao dito.

"Ikaw ba talaga ito Yu?"naniniguradong tanong nya.Sinapak ko sya upang maging sagot ko,hindi malakas ang pagkakasapak ko sa kanya upang hindi sya masaktan.Agad agad naman nyang hinawakan ang pisngi nyang natamaan.

"Ikaw nga talaga Yu,walang duda"nakabusangot na sambit nya.Ngisi lang ang naging sagot ko sa kanya.

"Ano nga palang section mo?"tanong nya sa akin

"6-D"tipid na sagot ko sa kanya.

"Magkaklase tayo"nakangiting sambit nya sa akin.Nagpatuloy na kami sa paglalakad.Nasa 3rd floor ang 6-D kaya mabilis kaming nakaakyat.Pagpasok namin nagsusulat ang lecturer sa pisara.

"Ikaw ba ang bagong transferee?"tanong ng lecturer kahit nakatalikod.

"Ako nga"walang ganang sagot ko.

"Magpakilala ka muna"sambit ng lecturer habang nagsusulat pa rin.Tiningnan ko muna ang mga kaklase ko,panay hagikhikan ang naririnig ko sa mga babae.

"Im Yu Eos Hanata"pagpapakilala ko sa kanila.Napatigil ang aming lecturer sa pagsusulat at tumingin sa akin.

"Wala ka pa ring pinagbago Eos"nakangising sambit ni lecturer Flyd Sy.Ngumisi lang ako sa kanya.

"Okay class,narinig nyo naman si Eos diba?Siya ang bago niyong kaklase.Can we start?"tanong nya.Sinagot naman sya ng ibang kaklase namin ng 'Yes Mr.Sy'.

"Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa mga kaharian dito sa Alice World at syempre ang mga 'Demons'.Nahahati ang Alice World sa anim na kaharian,ang una ay ang 'Earthia Kingdom' pinamumunuan ito ni 'King Tristan Earthia' at ni 'Queen Lucy Earthia' kasama ang kanilang mga anak na si princess 'Mereen Raki Earthia' at si prince 'Moreen Rase Earthia',kaya pinangalanang 'Earthia' ang kaharian dahil ito ang bumabalanse sa lupa,sa kasamaang palad wala na ang reyna dito dahil nasawi ito ng pangalawang digmaan,namatay ito dahil prinotektahan nya ang kaniyang anak na si prince 'Moreen Rase Earthia' lumubog noon ang kaharian dahil sa pagkawala ng reyna ngunit pilit na itinayo ulit ito ng hari,hindi tumagal at nakabangon ulit ang 'Earthia' at mapapansin niyo na nakasunod sa pangalan ng kaharian ang kanilang mga apelyido"paliwanag ni Mr.Sy

"Ang pangalawang kaharian naman ay ang 'Wateria Kingdom' na pinamumunuan ni 'King Adam Wateria' at ni 'Queen Kara Wateria'
kasama ng kanilang mga anak na si prince 'Aqueles Kean Wateria',prince 'Aqueil Sean Wateria' at princess 'Watre Zean Wateria',kaya pinangalanang 'Wateria ang kaharian dahil ito ang bumabalanse sa tubig,gaya ng 'Earthia' nakasunod sa pangalan ng kahariang ang kanilang apelyido,'Wateria'."paliwanag nya tungkol sa 'Wateria'

"Ang ikatlo naman ay ang 'Windia Kingdom' na pinamumunuan ni 'King Orion Windia at ni 'Queen Lily Windia kasama ang kanilang anak na si prince 'Gin Erros Windia',kaya pinangalanang 'Windia' ang kaharian dahil ito ang bumabalanse sa hangin.Gaya ng dalawang kaharian nakasunod sa pangalan ng kaharian ang kanilang mga apelyido."pagpapaliwanag nya sa 'Windia Kingdom'.

"Ang ika-apat na kaharian ay ang 'Firea Kingdom' na pinamumunuan ni 'King Kanata Firea' at 'Queen Liyiza Firea' at ng kanilang mga anak na si princess 'Katana Firea',princess 'Kiella Firea' at prince 'Kanata Yu Eos Firea'.Matagal nang hindi nakikita ang prinsipe ng 'Firea',mula bata pa lamang ay marami ng nagka- interes sa prinsipe kaya maramaming sumusubok na kunin sya ngunit inilayo sya ng hari upang maging ligtas ito.Kaya pinangalanang 'Firea' ang kaharian dahil ito ang bumabalanse sa apoy.Gaya ng tatlong kaharian nakasunod sa pangalan ng kaharian ang kanilang apelyido"pagpapaliwanag nya sa aming ka--- sa kaharian ng Firea.

"Ang ika-lima ay ang 'Ischyros Kingdom' ang 'Ischyros' ay ang unang pinakamalakas na kaharian sa buong Alice World,may pangalawa pang pinakamalakas at ang iba ay pantay pantay na.Sa lahat sya lang ang may kayang pagsabay-sabaying kontrolin ang apat na elemento,pinamumunuan ito ni 'King Fieroz Ischyros' ang kanyang reyna ay galing sa kaharian ng 'Daimones Kingdom' at nagkaroon din sila ng anak"paliwanag niya sa Ischyros Kingdom.Mas nagiging intresado ang 'Ischyros Kingdom' at 'Daimones Kingdom',umupo ako ng tuwid at sinimulang makinig ng maayos.Tiningnan ko ang aking mga kaklase lahat sila ay seryoso pati na rin itong katabi ko.

"Ang ika-anim na kaharian ay ang 'Daimones Kingdom' nagmula sa salitang 'Demons' dito naninirahan ang mga demons,pangalawa ito sa pinakamalakas na kaharian sa buong Alice World.Pinamumunuan ito ni 'Queen Elara Daimones' at ang kanyang hari ay nagmula sa Ischyros Kingdom si 'King Fieroz Ischyros',may anak sila ngunit matagal na itong nawawala dahil sa ikalawang digmaan,nakuha sya ng mga Demon Exterminate Unit ang mortal nating kaaway,nanggaling ang 'Demon Exterminate Unit o DEU' sa Daimones Kingdom,naninirahan sa Mortal World ang mga DEU at ang hula ng mga mangkukulam dito sa Alice World ay nasa Mortal World ang mahal na prinsesa.Ang pangalan pala ng prinsesa ay 'ELARA RIN SHINOA DAIMONES-ISCHYROS'."paliwanag nya sa 'Daimones Kingdom'.

"Okay class that's for today.See you tommorow.Class dismiss!"pagtatapos nya sa aming klase.Nahuli kaming lumabas ni Gin dahil marami ang nagsisiksikan palabas.Hindi mawala sa isip ko ang prinsesa ng Daimones at Ischyros.

Nasaan na kaya ang prinsesa?









To be continued...

*Authors Note*

Please read this😊

How to pronounce

Mereen Raki Earthia= Merin Raki Erdiya
Moreen Rase Earthia=Morin Rays Erdiya
Aqueles Kean Wateria=Akilis Ken Wateriya
Aqueil Sean Wateria=Akil Sin Wateriya
Watre Zean Wateria=Water Zin Wateriya
Fieroz=Piyeroz
Ischyros=Eskayros
Shinoa=shinowa
Eos=Eyos

Salamat😊

Alice Academy(On-going)Where stories live. Discover now