CHAPTER 3:6-A

18 1 1
                                    

A/N:Sorry sa matagal na update😂.Please vote and comment😊

CHAPTER 3:6-A

YU'S POV

"Hoy Yu!

"Yu!"

"Yu!"

"F*ck nakikinig ka ba Yu!?"bulyaw sa akin ni Gin.

"Ano bang sinasabi mo!?"iritang tanong ko sa kanya.

"Next subject na!Sa training room tayo"

"Anong gagawin natin dun?"

"Hindi pa ba naipaliwanag sayo?Kailangan mong ipakita ang iyong kapangyarihan para malaman natin kung saang seksyon ka nararapat."tumango lamang ako sa kanya.

"Tara na nga"pagaaya nya.Lumabas na kami at nagtungo sa training room.Hindi na ako nagulat na nagsimula na sila.

Ang unang sumabak ay Ice wielder.Pumasok sya sa malaking stage na napapalibutan ng clear glass barrier,makapal ito kaya hindi basta-basta masisira,sobrang laki ng stage na lahat kami ay pwedeng magtraining.

Clones ang makakalaban nya.Pagtapak pa lang  nya sinalubong na sya ng tatlong clones.He smirk,nagpakawala sya ng madaming ice bombs na agad namang tumama sa mga clones.

I can sense he's anger.Nevermind,pito na lang ang natitira sa mga clones.Nagpakawala sya ng ice spikes at ipinatama sa mga clones.He's good.Sabay sabay naman nyang napatumba ang mga clones.

But wait,may sugat sya sa pisngi may kalakihan din ito pero hiwa lang naman.Biglang nagsalita ang speaker.

"Troy Montereal,level 36,section 6-A."

Paglabas ng lalaki ay wala na ang kanyang sugat,isa siguro sa ability nya ang healer.

Nagsunod-sunod lang ang training,66 kami kanina sa room,nasa 6-C ang 22,sa 6-B naman ay 10 at sa 6-A ay isa pa lamang at ang natitira naman ay nasa 6-D  na maliban sa amin ni Gin dahil hindi pa kami tapos.

Pumasok na si Gin sa loob at agad gumawa ng air spikes,ibinato nya ito sa mga clones,lima ang napatumba nya gamit lamang ang air spikes.Gumawa sya ng espadang gawa sa hangin at nakipaglaban sa mga clones,napatay nya na ang apat.Isa na lang ang natitirang clone,papalabas na syang nakangisi,pero alam ko na ang gagawin nya.Nasa tapat na sya ng pinto palabas,nang tumigil sya.Tinitigan  nya ang natirang clone,bigla na lang itong bumagsak.

Mula sa likod ng clone pinatamaan nya na ito ng air spike.

"Prince 'Gin Erros Windia',level 37,section 6-A"

Lumabas naman si Gin na nakangisi.Sinulyapan ko lang sya at tumayo na.

"GoodLuck"bulong nya sa akin.Ngumisi lamang ako,nang nakalampas ako sa kanya,tiningnan ko sya sa likod at sinabing

"LUCK is just for WEAKS"saka ko sya tinalikuran.

Pumasok na ako sa loob,nakapamulsa akong naglakad sa gitna ng stage.Pinalibutan ko ng apoy ang buong stage,dahil sanay na ako sa aking kapangyarihan na kahit nasa balat ko na ang apoy ay hindi na ako nasasaktan.Kahit sugat ay wala ako,dahil bihasa na ako sa paggamit nito.

GIN'S POV

"LUCK is just for WEAKS"at saka nya ako tinalikuran.Ang yabang talaga ni Yu kahit kelan.Nagtuloy lang sya sa stage at pumasok na sa loob.Nakapamulsa syang naglakad sa gitna.Nasa harap nya ang sampung clones.Nagulat kaming lahat sa ginawa nya!Pinalibutan nya ng apoy ang buong entablado na kung saan apoy lamang ang nakikita namin.

Baliw na sya!Pano sya makakatagal doon!?Siguradong masusunog sya!Hinintay naming humupa ang apoy,nakita namin ang sampung clones na nakahiga na!Sunog na sila,puro usok lang ang nakikita.Hindi tumagal pati usok ay unti-unti nang nawawala.

Nagulat kaming lahat dahil nasa isang tabi sya ng entablado,nakapamulsa at nakasandal sa barrier na parang walang nangyari!Naglakad na sya palabas.

"Yu Eos Hanata,level 43,section 6-A"

Andami kung naririnig sa iba kesho

"Bakit nasa 6-A sya?"

"Hindi sya maharlika"

"Bakit ang lakas ng kapangyarihan nya!"

Ngumisi na lang ako sa aking mga naririnig.Pathetic!

Sinalubong ko na si Yu na nakapamulsang naglalakad.

"Ang astig ng ginawa mo Yu!"manghang mangha talaga ako sa ginawa nya.Walang duda namana nya ito sa mga magulang nya.

"Nagugutom na 'ko"walang ganang sambit nya.

"Kung ganun tayo na!"tumango lang sya sa akin.Nagdiretso na kami sa canteen.Marami nang tao dahil lunch break na.Naupo kami sa isang bakanteng mesa.

"Ako na ang bibili"presinta ko,tumango lamang sya.Nagtungo na ako sa pila.

"2 Italian pasta,2 roast pork pepper,for dessert 2 bowl of chocolate ice cream and fruits,for drinks 2 blue lemonade."ngiting sambit ko sa crew.

Bumalik na ako sa mesa namin.Nakita ko si Yu na pinagmamasdan ang disenyo ng canteen.

Lumipas ang ilang minutong paghihintay namin dumating na din ang order namin.

"Nakalimutan ko Yu,may kailangan ka pa palang malaman"

"Ano yun?"walang ka-ekspre-ekpresyong sagot nya.

"About sa levels,if mataas ang level mo mataas din ang rabbits na makukuha mo,dahil level 40 plus ka naman sa 30 na ako magsisimula,kapag nasa level 31-35 ka 10,000 rabbits ang makukuha mo,pag 36-40 ka 20,000 rabbits ang makukuha mo,pag sa 41-45 ka 30,000 rabbits ang makukuha mo.Ang katumbas ng isang rabbit sa Mortal world ay 20 pesos."hiningal ako pagkatapos.

Nalimutan kong sabihin ang rabbits pala ay pera.Sa Mortal world hindi nila alam ang rabbits.Katumbas ng isang rabbit ay 20 pesos,pwede ka ng bumili ng isang damit dito sa halagang 100 rabbits dahil ang katumbas nito ay 2000 sa Mortal world.

"At ang susunod ay ranking,kapag nasa level 1-10 ka automatic one star yun,nasa kwelyo ng uniporme natin ang star na yun,dahil kakatapos lang ng ranking hindi pa binibigay ang mga stars.At kapag level 11-20 ka naman two stars naman yun,sa 21-30 three stars na yun,sa level 31-40 four stars na yun,at huli level 41-50 isang star lang yun,pero mas malaki sa karaniwang stars ng mga mas mababang levels,may letter sa gitna ng star,letter 'A'."pagpapatuloy ko.Kanina pa kami nagsimulang kumain habang nagpapaliwanag ako sa kanya.

"At sa huli ang types.Para sa level 1-10 sila yung mga nasa Latin Type,sa level 11-20 sila yung nasa Terra Type,sa 21-30 sila yung Neo Type,sa 31-40 sila naman yung special type at ang 41-50 ay sa 'Dangerous Type'."tumigil muna ako at tiningnan ang reaksyon nya.Kaswal pa rin sya kung titingnan.

"At tsaka nga pala maaari kang magkaroon ng restrainer dahil hindi biro ang kapangyarihan mo.May dalawang magkapatid na apoy din ang kapangyarihan tulad mo pero nasa special sila tulad ko.Ikaw pa lang ang dangerous type dito sa highschool department,merong isa sa college department at isa din sa elementary department.At meron pala tayong subject na kung saan magsa-sama-sama ang  lahat ng Latin Type sa classroom,Terra Type,Neo Type,Special Type,at Dangerous Type."pagpapatuloy ko.

Tumango lamang sya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Sana manatiling lihim ang sikreto nya.Dahil kung hindi maaaring magulo ulit ang tahimik nyang buhay.





To be continued...







Alice Academy(On-going)Where stories live. Discover now