Chapter 1

5.7K 71 1
                                    


Teaser:

Pinagtaksilan si Jessica ng kanyang nobyo at ang masakit roon ay ang mismong niya half sister ang ipinalit nito sa kanya. All her life she was living in miseries with her wicked stepmother and half sister.

Napakarami niyang pagtitiis sa buhay at para ngang isang fairytale ang  buhay niya, and one day a damsel in distress was rescued by a prince in the name of Chant Andrew Driscoll. Walang ibang ipinakita at ipinaramdam sa kanya si Chant kundi ang maging masaya sa piling nito. He treated her like a princess. Nang maging magkasintahan sila ay lalo nitong ipinaramdam sa kanya kung gaano siya kamahal. Wala itong ibang ipinaramdam kundi ang pagmamahal na para lang sa kanya.

Mahal na mahal nila ang isa't-isa. She thought that it was a happy ever after... pero hindi pala. Napakaraming pagsubok ang dapat niyang kaharapin at nakalimutan niya ang kanyang prinsipe, si Chant na ginawa ang lahat para sa kanya. The princess had hurt the prince countless times. She had taken him for granted. And the prince walks away....

NOTE: This is the raw and unedited version.


HEART'S COFFEE DATE SERIES 5

THE TASTE OF FOREVER

By: Saab de Andrade

Chapter 1

MAALIWALAS ang ngiti sa mukha ni Jessica habang naglalakad patungo sa condominium unit ng kanyang pinakamamahal na si Denver. Nais niya itong sorpresahin nang gabing iyon. Isang linggo sila nitong hindi nagkita dahil nasa Tagaytay siya dahil sa trabaho.

Tatlong taon na ang relasyon nila ni Denver. Sa mga taong iyon ay naging maganda ang kanilang samahan. Maliban na lamang sa paminsan-minsang pag-aaway nila na kaagad naman nilang nasosolusyonan. Isa sa mga katangiang nagustuhan niya kay Denver ay masipag at matiyaga ito sa buhay. May pangarap ito para sa kanilang dalawa.

Ipinakilala ito noon sa kanya ng kanyang kasamahan sa trabaho. Magkaibigan ang dalawa. Natatandaan niyang nag-set pa ang kaibigan niya ng date para sa kanilang dalawa. Unang atraksyon ang naramdaman niya kay Denver, gwapo ito at maalalahanin. Sa unang araw pa lamang ng kanilang pagkikita ay nag-enjoy siya sa pagiging pala-kwento ni Denver. Naging magkaibigan sila at madalas na nagkikita hanggang sa magkapalagayang loob sila at niligawan siya ng binata. Naging sila, iyon ang pinakamasayang araw sa kanyang buhay. Denver is her first love. Mahal nila ang isa't-isa kaya tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

Bitbit ang isang plastic na may lamang pagkain ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Tiyak niyang matutuwa si Denver sa kanyang pagdating. Pagdating niya roon ay kaagad na kinuha niya ang duplicate key sa kanyang bag at binuksan ang pinto. Ngunit nawala ang kanyang matamis na ngiti at nanlaki ang mga mata sa tagpong kanyang naabutan sa loob.

Nanginig ang kanyang buong katawan dahilan para mabitawan niya ang hawak na plastic bag sa kamay. Napadiin ang pagkakahawak niya sa kanyang bag sa balikat sa labis na emosyong nararamdaman. Anomang sandali ay tiyak niyang mabubuwal siya sa labis na sakit na naramdaman ng kanyang puso. Ang sayang naramdaman niya kanina ay napalitan ng galit at sakit.

"J-Jessica..."

Sa nanghihinang katawan ay inihakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa loob. Hindi niya inalis ang tingin sa kanyang nobyo habang nasa sofa ito at gulat ang mababasa sa mukha.

Nanlaki ang kanyang ulo nang mabilis na kunin nito ang mga nagkalat na damit sa sahig at natatarantang isinuot ang mga iyon. Kumuyom ang kanyang mga kamay ng bale-walang tumayo lamang ang babae at ibinalik sa pagkakabutones ang nagulong blusa nito. Halos litaw na ang dibdib nito habang nakatingin sa kanya na may matagumpay na ngiti. Ang mukhang iyon... halos panawan siya ng ulirat ng mapagsino ito. Pagkakita niya sa babae ay nais niyang hablutin ang buhok nito sa labis na sakit na nararamdaman niya.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDWhere stories live. Discover now