Chapter 19

1.7K 48 2
                                    

CHAPTER NINETEEN

"CHANT..." Mahinang pagtawag ni Jessica sa binata nang maabutan niya itong naghihintay sa tapat ng kanyang bahay.

"Pwede ba tayong mag-usap Jessica?" Isang malamig na tinig ang sinalubong nito sa kanya.

Well, she deserved that cold treatment. Pero sa kanyang puso ay nasaktan siya sa kalamigan nito. Lumunok siya at lumpit rito. Binuksan ang pinto at pinapasok ito.

Nang makapasok sa loob ay kinalma niya ang sarili at ngumiti rito. "Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita," masiglang sambit niya.

"Hindi na," maagap nitong sabi sa walang-emosyong tinig.

Huminga siya ng malalim. Hindi siya sanay na ganoon ang binata sa kanya. "Pasensya ka na Chant kung hindi kita naasikaso nitong mga nakaraang araw. Marami lang kasi akong problemang inaayos," mahinang paliwanag niya.

"Bakit? Ano ba'ng nangyari?" sunod na tanong nito.

"Nasa ospital kasi si daddy naaksidente siya. Hanggang ngayon ay nandoon siya at ako ang nag-aalaga sa kanya," malumanay ang kanyang tinig.

"At hindi mo man lang sinabi sa'ken?" Bagkus ay nahimigan niya ang pagdaramdam sa tinig nito

"Chant please... intindihin mo naman ako. Napakarami kong problemang kinahaharap ngayon. Si daddy naaksidente siya dahil kay Via. Ang mommy ni Via at si Via mismo problema ko. Ang buong pamilya ko... hirap na hirap na ako sa kaguluhan ng sarili kong pamilya," hindi na niya napigilan ang panghihina dahil sa mga sunud-sunod na pangyayari sa kanyang buhay.

Lumapit ang binata sa kanya na walang ekspresyon ang mukha. "Bakit Jessica? Ako ba inintindi mo?" nasasaktang tanong nito. "Okay fine!" Napaigtad siya ng malakas na sumigaw ito. Damang-dama niay ang galit ng binata. "Naiintindihan ko na nasa ospital ang daddy mo dahil may sakit siya. Dahil doon ay naiintindihan ko kung bakit hindi ka tumatawag sa'ken o nagte-text man lang kung ano'ng nangyayari sa'yo. My goodness Jessica!" Hirap na hirap ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Kita pa niyang hinilamos nito ang isang kamay sa mukha nitong pulang-pula na.

"Alalang-alala na ako sa'yo dahil hindi kita ma-contact man lang. Hindi... hindi ko alam kung nasaan ka at bawat gabi ay nandito ako sa tapat ng bahay mo hinihintay ang pagdating mo!" Napaiyak siya sa nakikitang sakit sa mga mata ng binata. "Nag-iisip ako at litung-lito. Hindi ko malaman kung nasaan ka. Kung pwede lang halughugin ang buong mundo ginawa ko na mahanap lang kita. Pero Jessica naman..." hinawakan nito ang kanyang balikat at pinaktitigan ng may pagdaramdam sa mga mata. "Halos mamatay ako sa pag-aalala at pag-iisip kung ano ang nangyari sa'yo. Maiintindihan naman kita kung sinabi mo sa akin kung ano'ng nangyayari sa'yo. Naiintindihan kita Jessica..." puno ng pagdaramdam ang mukha nito. "Pero ako inintindi mo ba? May pakielam ka ba kung ano ang nararamdaman ko?" puno ng sakit ang mga mata nito.

"Chant... ayoko lang na idamay ka pa sa problema ng pamilya ko," lumuluhang sambit niya. "Nakita mo kung gaano kagulo ang pamilya ko. Lalo pa iyong nadagdagan ngayon dahil sa mga nalaman ko." At sinabi niya rito ang mga nalaman niya sa kanyang Ama at ang lahat ng plano ni Tita Marga sa kanya.

"Here we go again with that shit!" Natigilan siay sa lakas ng tinig nito. "Pero gusto kong idamay mo ako Jessica!" malakas na sigaw nito at niyugyog ang kanyang balikat. Dobleng sakit ang naramdaman niya sa ginawa nitong iyon. Ang mahigpit nitong mga kamay sa kanyang balikat ay walang kasing-sakit sa kanyang damdamin. "Ang problema mo ay problema ko rin. Pero bakit ganoon? Hindi ko naiintindihan..." gulung-gulong saad nito. "Hindi ko naiintindihan kung bakit hindi mo magawang sabihin sa akin ang lahat ng problema mo," nasasaktang sambit nito. "Iyan ang hirap sa'yo Jessica... masyado mong sinasarili ang lahat. Kunsabagay, boyfriend mo lang naman ako. Ano ba'ng karapatan kong makielam sa buhay mo at sa pamilya mo."

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDWhere stories live. Discover now