Chapter 15

1.4K 53 7
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"THIS is why I love 'The Taste of Forever.' It's not just about its taste but when you take a sip it really feels like forever."

"Lalo na kapag iniinom mo iyon kasama ang isang taong mahalaga sa buhay mo. It is really a feeling of forever with her. And you want to do it over and over again with her."

Kahit hindi tumingin sa salamin si Jessica ay tiyak niyang nagniningning ang kanyang mga mata nang sandaling iyon sa sinabi ni Chant sa kanya. Wala na ngang gaganda pa sa Heart's Coffee Date. Pakiramdam niya ay espesyal ang gabing iyon habang nakaupo siya at nasa kaibayo ang binata.

The sparkling lights at the wall are like dancing to a sweet music playing. Pakiramdam niya ay nakapa-romantic ng gabing iyon. Where in reality it is all because she's with the man who showed her nothing but special feelings in her life. Para silang magkasintahan ni Chant nang gabing iyon.

Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang kamay na nakapatong sa mesa. Kakaibang damdamin ang pumukaw sa kanya sa ginawa nito. Sa tuwing hahawakan nito ang kanyang kamay ay kakaibang sensasyon ang lumulukob sa kanya.

"Natatandaan ko pa na dito tayo unang nagkita..." masayang sambit niya. "You're the talkative service crew who approach me," natawa siya nang maalala ang tagpong iyon.

"At ikaw ang masungit na customer ng HCD na ayaw sa mga madadaldal. At ikaw rin ang nagsumbong kay kuya Lewis sa ginawa kong iyon," nangingiting sabi naman nito.

She remembered that day. "Paano ang daldal mo kasi eh nanahimik ako sa pag-inom ko ng kape," pagtatanggol niya sa sarili.

"Ang sabihin mo nagandahan ka lang sa mga mata ko," kuntodo pa ang pagngiti nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. "Tama ka Chant..." wala sa sariling hinaplos niya ang gilid magaganda nitong mga mata. Nakita niya ang masuyong tingin ng binata sa kanya. "Ito ang gusto kong gawin nang mga sandaling masilayan ko ang mga mata mo... ang haplusin at mahawakan ang mga mata mo. Dahil ito ang pinakamagandang mga matang nasilayan ko sa buong buhay ko," hindi na niya napigilan ang sariling sambitin. "At nang makilala kita ng lubusan lalo kong napatunayan sa sarili ko kung gaano ka-sinseridad ang mga mata mo."

Hinuli nito ang kanyang kamay at pinagsalikop ang mga iyon. Ngayon ay hawak-hawak ng binata nang buong higpit ang mga kamay niya.

"Napaka-espesyal sa akin ng lugar na ito dahil dito kita unang nakita. Right there and then I knew my heart skip a bit... and it's all because of you," madamdaming bigkas nito. "Nang makilala kita nagbago ang buhay ko Jessica. Nagkaroon iyon ng direksyon at wala akong ibang nais gawin kun'di ang magtagumpay sa buhay. Ikaw ang nagturo sa aking mangarap."

Napasarap sa pakiramdam na napakalaki ng kanyang nagawa para sa binata. "Napakasaya ko dahil ako ang dahilan ng lahat ng iyon. At nagpapasalamat din ako sa'yo dahil nandito ka palagi sa tabi ko."

Kapwa puno ng ngiti ang kanilang mga labi nang maramdaman niya ang pagpisil sa kanyang mga kamay.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may magsalita sa entablado ng HCD kung nasaan ang Heart's Corner. Ang isang pakulo kung saan bubunot sila ng pangalan mula sa mga fi-nill-out na form ng magkaparehang pumasok sa HCD na tatanghaling couple of the night. At ang premyo ay magagandang design ng couple shirt, any two drinks and sweets. At doon sa establado kung saan naka-set ang isang romantikong mesa magde-date ang napiling couple of the night.

Tiningnan niya ang kanyang wrist watch, alas-otso na ng gabi. Ganoong oras ginaganap ang espesyal na sandaling iyon. Simple lang ang pakulo ngunit kinasasabikan iyon tuwing gabi.

Heart's Coffee Date Series 5: The Taste of Forever COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon