Chapter 3.

17.8K 532 8
                                    

"I'M HOME" Sigaw ko ng makauwe ako sa bahay , Dumeretsyo ako sa kusina nakita ko si mommy na nag aasikaso ng kakainan namin kiniss ko sya sa pisngi.

"Oh sige umakyat ka mo na para magpalit bababa narin sila ate at daddy mo" Sabi nya na busy parin sa pag p'prefer ng foods sa table namin.

I cross my arms at tinignan ko sya sa ginagawa nya sa age nyang 40's hindi mo aakalain na umabot na sya sa ganung age. Kung titignan kasi mukha lang sya na sa mga 30's sexy at maalaga sa mukha nya. Well pareho lang sila ni daddy na mukhang bata, Gwapo at maganda.

Tumingin sya sakin ng makita nyang hindi pa ako umaakyat tinaasan nya ako ng kilay .

"What are you doing here? I thought umakyat kana sa taas"

Nagkibit balikat ako.

"Wala lang. Bakit ba ikaw ang naghahanda nyan my mga maids naman tayo ah" Sabi ko.

"Anak kahit my mga maids tayo nandito naman ako syaka kaya ko naman gawin ito para kahit papaano naman napagsisilbihan ko kayo" Seryoso nyang sabi .

I sigh . Aakyat na sana ako ng makita kong pababa na sila daddy at errr darna? Don't get me wrong guys pero yan na talaga ang tawag ko sa ate ko since maliliit pa kami syaka ayaw nyang tinatawag ko syang ate hindi nya daw ako kapatid.

Imbis umakyat pa ako inabangan ko na lang silang tumapat sakin. Nag kiss ako kay daddy sa pisngi habang si darna naman hindi ako pinansin o kahit nilingon manlang na para bang hindi nya ako nakikita at nag eexist sa mundo nya. Umupo na ako sa tapat nila . Katabi ko si mommy at katabi naman ni darna si daddy.

"So how's your school Kim?" Daddy ask.

Mahaba ang pangalan ni darna kaya Kim nalang ang tawag sa kanya nila mommy and daddy habang ako 1st name nya ang tinatawag ko kapag nasa school kami.

Yup. Iisa lang kami ng school na pinapasukan ngayon doon ako trinansfer ni daddy sa school nya .

Sa EMIRATES ACADEMY.

Ngumiti sa kanya si darna bago sumagot.

"It's fine dad" Sakin naman tumingin si daddy.

"And you?" Nakataas na kilay na tanong nya sasagot na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Kabago bago mo palang sa school mo my nakaaway kana agad" Bakas sa boses nya ang dissapointed .

"How did you know daddy?" Namamanghang tanong ko sa kanya.

Hindi kaya my magic si daddy? pagkakaalam ko kasi hindi ako tinawag kanina sa principal office kaya posible na malaman ni daddy na nakipag away ako kasi hindi naman pinapatawag ang parents ko.

"My pasa yang mukha mo" Tipid na sabi nya. Hinwakan ko ang mukha ko at napangiwi ng makapa ko ang pasa ko.

"Dad ano bang aasahan mo sa kanya? eh patapon naman ang buhay ng bad girl na yan" Segunda ni darna.

"Kim! Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang kapatid mo!" Saway sa kanya ni mommy. Sumimamgot lang sya at hindi na nagsalita .

Pagkatapos namin kumain ng dinner agad na akong pumasok sa kwarto ko tinapon ko ang sarili ko sa malambot kong kama . I sigh,  mukhang malabo na talaga kami ng ate ko magkaayos .

Tumingin ako sa desk ko na malapit sa kama ko kinuha ko ang picture frame na nakalagay dito. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang nakatingin sa picture namin ni ate sobrang close pa namin sa kuha na to .

Naka custome si ate ng darna habang ako naka cinderella gown . Kuha ko ito noong 7th birthday ko . Naalala kopa ang sinabi nya sakin, Sya daw si darna at tagapagtanggol ko walang sinuman daw sakin ang pwedeng manakit dahil mananagot sa kanya.

Yung maliit kasi ako iyakin ako at duwag kaya sya lagi ang nagtatanggol sakin pero simula ng mangyari ang trahedya na nakapagpalayo ng loob sakin ni ate, Ang dati kong tagapagtanggol ngayon ay kaaway ko na, Nag flashbacks sakin ang nangyari noon pero pinilit kong wag alalahanin yun .

Ayoko ng maalala pa iyon kahit na kailan dahil para sakin isa yung masamang bangungot.

***

Pls Don't forget to Follow, Vote and Comments😊

Thank you😘

The BadGirl Versus Gangsters [Completed] Where stories live. Discover now