Chapter 9

15.1K 393 22
                                        


Jonarlene Zafra

One month, We've been doing this for a month now, so far wala pa namang nananalo dahil walang nagpapatalo, I hissed,As if i'd ever let him win this game.

I took a selfie with my new sexy black bikini, nang hindi ako makuntento ay tinawag ko si ate beth para kunan ako ng litrato.

"Ukey na ma'am,pus na kayu."

Saad nito, I layed on the rattan pool chair, habang hawak ang baso ng juice at ang straw nito, I was looking at the camera, smiling at it seductively.

"Wan,tu,tre!sey ches!"

Saad nito saka pinindot ang camera, kinuha ko iyon para makita kung gaano ba ako kaganda sa picture. Napasimangot nalang nang makitang muka ni ate beth na tutok na tutok sa camera ang bumungad saakin.

"Ate beth bat muka mo nandito sa picture?"

Lumapit rin ito para tignan, saka napakamot ng ulo.

"Ay uo nga nuh hehe, bat ganun ma'am panget na nga sa piktyur mas panget pa aku sa pirsunal?Putujinik ata tawag dun?"

Napakunot ang noo kong umiling saka tinanggal sa pagkaka front ang camera.

"Ulit ate beth, paki ayos."

Saad ko saka muling nag pose, napangiti ako nang makitang maayos na iyon, I flipped my hair, Ang ganda ko talaga.

"Hot morning to you all ;)"

Paglalagay ko ng caption nang maipost ko iyon sa insta, After a few minutes, my post reached thousands of likes and many compliments pero hindi na ako nagtangka pang basahin ang mga iyon dahil pare pareho lang din naman. I opened my messenger at bumungad saakin ang pangalan ni ruby na minention ako sa gc namin, napakunot ako ng noo.

Kiki Squad

"@Kiking mambabarang Hey bitch."

Wow gandang pambungad.

"@Kiking Malupet Yes beybeeh?Laspag na ba kiki mo?Kelangan mo ng pampasikip?Akina tahiin ko."

Ganti ko, natawa nalamang ako nang magsend ito ng picture niyang naka dirty finger pa.

"pakyu ka men."

I took a selfie na naka dirty finger din saka isinend din iyon.

"Tangina mo gaya gaya."

Chat pa nito na nagpatawa lang uli saakin.

"So ano ngang kailangan mo ulit?"

I asked, baka kung san nanaman kasi mapunta ang usapan.

"May mga ginawa akong mga leche flans at cheese cake oorder ka?"

Nagsend ako ng poker face na emoji, siya naman ay nagreply ng nagtutwerk na sticker.

"Mga gagu wag kayo dito mag usap, ang iingay niyo."

chat ni Altheah beybeeeh na may nickname na kiking bagoong,nagsend lang din ako ng sumasayaw na sticker. matapos nun ay nagsilitawan na ang iba pang members ng kiki squad para mang echos.

"Anyways so andito na ba ang lahat?Say present if you're present."

Saad naman ni Emerald, nakisakay narin akong nag chat ng present, ganun din ang ginawa ng iba, natawa nalamang ako sa mga pinaggagagawa namin.

"ano bang ganap?"

Tanong ni Celestine beybeeh.

"@Kiki do you love me yang si Jonarlene bitch may ganap, di man lang nagsasabi."

Bachelor Series #6:Game Of Seduction(COMPLETED)Where stories live. Discover now