Chapter 21

3.3K 108 11
                                    

Denied

Bumalik pa si Hrothgar para tulungan ako sa iba pang gamit. Sabay na kaming umakyat sa taas nang masiguradong ayos na ang lahat. Bitbit nito ang isang pitsel na may lamang tubig samantalang 'yong pinggang may kanin ang dinala ko.

Maaliwalas ang kanyang kwarto, tumatagos ang liwanang ng araw sa salaming bintana. Nakalapag sa malinis na floor rug ang mga pagkain, doon na kami pumwesto.

Tanaw ko ang mga naglalakihang punong kahoy na natural na nakikipaglaro sa hangin. Masarap pagmasdan, nakakawala ng isipin. It was true that nature indeed can ease away one's anxiety temporarily.

Sumandal si Hrothgar sa paanan ng kama. Nakapuwesto ako sa nakabuka nitong mga hita. I leaned back my head against his hard chest. His hands were on my stomach, our fingers tightly intertwined.

"Hrothgar?" pukaw ko para mabasag ang katahimikang lumulukob sa'min ngayon.

Katatapos lang naming kumain at ibinaba niya muna ang pinagkainan namin. Sa huli, nanatili kami sa floor rug habang nakamasid sa labas.

"Hmm?"

"Didn't I tell you that I am so bliss to have you as my boyfriend?" sabi ko sa mababang boses.

Hindi ito sumagot, ramdam ko ang paghinga nito sa tuktok ng ulo ko. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. My throat ran dry, I tried my very best to hold back my tears.

"And I want you to know that I am very, very proud to let the whole world know that you are mine." dugtong ko pa, ibayong pag-iingat na huwag mabasag ang boses.

Narinig ko ang marahan niyang pagmumura. Napangiti ako. Tumingin ako sa taas para pigilan ang nagbabadyang luha.

"I also want you to know that I will never find another man to take good care of me and love me as you do."

"May... problema ba?" Ang pag-aalala at lamyos sa kanyang boses ang lalong nakapagpasakit ng puso ko.

Umiling kaagad ako at pumikit nang mariin.

"Sinasabi ko lang naman para magtanda ka. Para makonsensya ka kapag maisipan mong mambabae!" I joked, trying to lighten the burden in my chest.

Hindi nga lang niya ako sinabayan sa marahan kong tawa.

"Hindi na ako hahanap ng iba, Dem." he assured me in his deep voice. Seryuso, walang halong biro.

I nodded and breathed heavily. "In the future, once we are already successful, I want us to live in a farm..."

"Uh-huh? Akala ko hindi mo gusto ang sakahan? Maraming dumi ng hayop, Demeter." aliw nitong tudyo.

I hissed, making him chuckle. "Dati 'yon! N'ong hindi pa kita nakikilala!"

He gently rubbed the back of my hand with his thumb. "Hmm, gusto mong bumili ako ng sakahan balang-araw?"

"Yup! I want a three-storey house." ngiti ko, iniisip na ang pinapangarap kong bahay namin.

"Hindi mansyon?" halakhak niya sa tainga ko dahilan para kurutin ko siya sa braso.

"Mahirap linisin ang buong mansyon!"

His laughter covered the whole room that it stung my heart even more.

"Three-storey, then. Ilang kwarto 'yon?" patol niya sa akin.

"Four? Kwarto natin at dalawang kwarto para sa magiging anak natin. 'Tsaka guest room para kapag bibisita sina Lily, may matutulugan siya!" I cheerfully said, unti-unti ko nang nakakalimutan ang pinag-usapan namin nina Daddy kahapon.

Recapturing You [RCS#1]Where stories live. Discover now