Umpisa

186 2 1
                                    



"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espirito santo... Amen"

"Amen" Mahinang dasal ko.

Isa isang naglapitan ang mga bata kay Father Francis para makapag mano at ganon din ang ginawa nila sa aming mga madre.

"Mano po, sister Mary."

"Kaawaan ka ng diyos."

"Ang daming mga bata na ang nagsisimba ngayon sister Mary" Bungad sakin ni sister Anne.

"Tama ka dyan, nakakatuwa nga at palagi na silang nandito linggo linggo" Masayang saad ko.

"Halika kana sister Mary, may sasabihin ata satin si father francis" Tinanguan ko na lang siya at sabay kaming naglakad.


Ako nga pala si Mary Castro, 25 years old at limang taon na ding naglilingkod sa simbahan. Simula nung grumaduate ako sa high school dumeretso agad ako sa kumbento.

Matagal ko nang alam na pagmamadre ang gusto ko, hindi pa man ako nakakatapos ng high school calling ko na ang pagmamadre at hindi naman tutol ang mga magulang ko don, mas natuwa pa nga sila dahil si papa ay isa ding taga pag silbi sa simbahan, isang pamilya kaming naglilingkod sa diyos.

Pero, may hindi alam ang pamilya ko sakin, may isa akong sikretong pilit itinatago sa lahat.

"Bloody Maria" Bulong ko sa hangin.

"May sinasabi ka sister Mary?" Tanong ni sister Anne.

"Wala, sister Anne" Nakangiting sagot ko sa kanya at isang magandang ngiti din ang isinukli nya sakin.

Si Bloody Maria isang notorious hired killer. Hindi lang siya kilala sa pilipinas kilala din sya sa iba't ibang sulok ng bansa. Isang bayarang mamatay tao, kinakatakutan, trinatratong reyna ng mga nasasakupan nya.

Ngunit kagaya ko, may isang sikreto rin ang isang Bloody Maria. Isang sikretong maaring hindi paniwaalaan ng iba.

Isang babaeng naglilingkod sa simbahan sa umaga ngunit sa pagsapit ng gabi isa isa na nyang pinapatay ang mga taong nasa listahan niya.

Si Bloody Maria at si sister Mary Castro dalawang katauhan ngunit nasa isang tao lang.

Ako si Sister Mary Castro kilala bilang isang madre ngunit ang hindi nila alam sa likod ng maamo kong mukha nakatago ang isang bayarang mamamatay tao, si Bloody Maria.

Bloody MariaOnde histórias criam vida. Descubra agora