pangatlo

55 2 1
                                    

MARY'S POV


"Good morning sister!" Bati sakin ng mga tao sa palengke.

Ako ang nakatoka sa pamamalengke ngayong araw kasama si buknoy, isang boy sa simbahan.

"Maganda ka pa sa umaga sister. Fresh na fresh ang mga isdang 'to. Bagong huli" Saad ni mang Nestor.

"Ang hilig mo talaga sa mga mabulaklak na salita Mang Nestor" Saad ko at tumawa ng mahina.

Tumawa na lamang sya at nagpatuloy ako sa pamimili.

"Tatlong bangus at tatlong kilong tilapia" Saad ko.

"Halika na po kayo sister Mary, kumpleto na po ang napamili natin." Bungad sakin ni buknoy.

"Salamat sa pagtulong buknoy. Pagpalain ka" Nakangiting sabi ko.

"Walang problema po sister. Basta para sa simbahan" Sagot nya sakin at sabay gulo ko naman sa buhok nya.

"Napakabait mong binata. Ipagpatuloy mo lang yan. Isa ka sa mga inaasahan ko para matupad ang katagang iniwan ng ating bayani na 'ang kabataan ang pag asa ng bayan'" Saad ko.

"Kayo ho talaga sister Mary. Salamat po ulit" Sagot nya sakin.

"MAGNANAKAW!!!!!" Napatingin ako sa matandang sumigaw.

"YUNG BAG KO!!! TULONG!!!!MAGNANAKAW!!!" Sigaw nya habang tumatakbo at hinahabol ang snatcher.

"Sister umalis na po tayo baka madamay pa po tayo sa gulo." Saad ni buknoy.

"Ilagay mo na sa sasakyan lahat ng pinamili buknoy" Utos ko sa kanya. Nung una ay hindi pa sya susunod pero binigyan ko sya ng malumanay na ngiti.

"Sige po, sister Mary. Pag nalagay ko na po yung mga pinamili natin. Sunod na po kayo agad" Sagot nya kaya tumango na lang ako.

Hinanap ko naman ang magaling na magnanakaw. And Bam!!! There he is!

Binilisan ko naman ang paglalakad para mapuntahan agad yung magnanakaw na nag bibilang na nang pera.

"So naka magkano ka?" Tanong ko.

"Tiba tiba, limang libo laman ng wallet nung matanda" Sagot nya sakin habang kinakalkal pa rin yung bag.

"Nakailan ka ngayon?" Tanong ko ulit.

"Isa pa lang. Bwena mano yung matanda hahaha" Parang tangang sagot nya sakin.

"At tsaka sino ka b—" napatigil sya ng makita nya kung sino ang kausap nya.

"Jusko sister!!" Sigaw nya sa gulat.

"Alam mo bang bawal ang magnakaw?" Nakangiting tanong ko.

"Walang wala na ko sister kaya ginagawa ko 'to. Pero kung pipigilan mo ko, pasensyahan tayo." Sagot nya sabay labas ng kutsilyo.

"Alam mo mister, kung walang wala kana, bakit hindi ka na lang maghanap ng matinong trabaho? Kesa magnakaw ka" Saad ko habang dahang dahang lumapit sa kanya.

"Dyan ka lang sister, sasaksakin talaga kita pag lumapit ka pa" May diing sabi nya sakin.

"Nakakainip na, alam mo ba yon?" Dahang dahang nawala ang ngiti ko sabay sipa ng kutsilyong hawak nya.

"A—anong??!!" Gulat na sigaw nya.

"Kung ako sayo ibigay mo na lang sakin yang ninakaw mo. Mag trabaho ka!" Seryosong saad ko.

"Hindi ako makikinig sayo! Hiyaaaa!!!" Sigaw nya na parang tanga.

Inirapan ko muna sya bago ko salagin yung sipa nga at sabay angat para mapadapa sya sa sahig.

Kinuha ko ang dalawang braso nya at sabay pinilipit.

"AAAHHH ARAY A-ARAY SISTER T-TAMA NA P-PO" Paulit ulit nyang sigaw. Akala mo naman pakikinggan ko sya tsk.

Kinuha ko ang pantaling dala ko at tinaliaan ang dalawang braso nya at ang kanyang mga binti.

"Shut your fucking mouth, wag na wag mong sasabihin kung sino ang gumawa nito sayo. Do you understand me?" Walang emosyong saad ko at kitang kita ko ang takot sa mga mata nya.


"Opo, o-opo sister. T-tahimik lang po ako. W-wag n'yo po akong papatayin" Nanginginig na saad nya.

"Just shut your mouth kung hindi babalikan kita kahit nasa loob ka pa ng kulungan" Sunod sunod naman syang tumango.

Binigyan ko pa sya ng isang sipa sa tyan bago tuluyang umalis.

"SISTER!!" Tawag sakin ni buknoy.

"Ayos lang ako buknoy, hindi ko nahabol yung magnanakaw" Paliwanag ko sa kanya agad.


"Nako sister, wag n'yo na pong gagawin ulit yon. Baka may mangyaring masama sa inyo nyan" May pag aalalang sabi ni buknoy.


"Huwag kang mag alala buknoy, ayos lang ako, ligtas ako. Bumalik na tayo sa simbahan" Nakangiting saad ko.

Agad agad din naman syang tumango at umalis na rin kami sa palengke.

"Sya nga pala buknoy, sana hindi nato makarating sa mga madre lalo na kay mother superior" Mahinahong sabi ko.

"Sige po sister. Makakaasa po kayong di ko sasabihin" Sagot nya sakin agad.

"Salamat" Nakangiting sagot ko at nginitian na lang nya ko.

*beep beep*

Napatingin ako sa cellphone ko. Sino naman kaya to?

"Bloody Maria. New Mission. Go to Hell at exactly 12am" mahinang basa ko sabay delete sa mensahe.

Lihim naman akong napangisi. Mukhang mabigat ang misyong ito para papuntahin pa talaga ako sa hell. Tsk tsk.

I'm fucking excited!



TBC........


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bloody MariaWhere stories live. Discover now