BAD BOYS AND ME #23

1.6K 39 3
                                    

Audrey's POV

Nandito ako ngayon sa dorm ng 4 bad boys dala ko yung laptop ko may papanood kasi ako sa kanila.

"Bat mo nga pala dala yang laptop mo drey?" tanong ni miguel "May ipapanood ako sa inyo." sagot ko naman.

"Ano? ano?"

"Wait, Kalma ka lang dex" binuksan ko na ung laptop ko at pinakita ko sa kanina.

"Ano yan?"

"Ano pa ba? Edi yung gunagawa at pinag uusapn nila bianca at bryan ngayon."

"What?!" sabay sabay na sigaw ng mga itlog na toh.

"Nag lagay ako ng camera sa condo ni bianca ng hindi niya alam. Secret lang na pinakita ko sa inyo usapan nila ngayon ah."

"Oo!" sabay ulit nilang sabi. "Good." sabi ko namn

Bianca: Hhmm?? Gusto ko ng fried rice please?

Bryan: Bibili ako sa labas.

Bianca: Ayoko nun... Lutuan mo na kang ako.... Please?

Bryan: Dahan dahan, mainit pa babe.

Bianca: Hmm....

"Babe?!"

"The fudge! sila na ulit?!"

"Sabi na eh! May hindi sinasabi saayin si bryan!"

"Kailan pa?!"

"Kalma nga kayo! Panoodin niyo muna!" utos ko sa tatlong itlog na kasama ko. Habang pinapanood nila ako naman ay nag babasa ng libro nakapatong lang dito sa ibabaw ng table.

Bianca's POV

Nag lilihi nga ba ako? Pregnant thing? Mag t-tiyaga kaya si bryan sakin habang nag lilihi ako? may 7 months pa bago ako manganak.

"Babe?"

"Hmm?" sagot ko namn. "Gusto mo tubig?" napatingin ako kau bryan. "Bakit?"

"Kanina ka pa kasi kumakain dyan, hindi ka pa umiinom kahit usang beses." .

"Ah... Sige." saka inabutan niya ako ng tubig na medyo malamig. "Pag pupunta ka sa doctor para mag oa ultra sound sama ako ah."

"Hmm..." pag tingin ko kay bryan, naka tutug lang siya saakin. "Bakit? May dumi ba yung mukha ko?"

"Wala naman...."

"Eh bakit ka nakatingin?"

"Wala.... Namiss ko lang yung mga moments natin na ganto. Akala ko kasi di ko na matititigan ulit yung mukha mo gaya ng ganito eh."

"Pag ba nag pakasal ulit tayo, hindi ka na ulit makiki pag divorce saakin?" taning niya saakin habang ako nmn kumakain pa din. At umiling lang ako bilang tugon. "Sa totoo lang bry, hindi ko nmn gusto yun eh. Napilitan lang ako. Kasi nung mga times na yun, napapagod na din ako."

"Pero bakit mas pinili mo pa ding bumitaw? Kesa sa mag stay ka."

"Bry, wag na natin ibalik yun."

"Gusto ko lang malaman kung bakit."

"Sorry kung mas pinili kong bumitaw kesa manatili sayo."

"Nakakapagod ba akong mahalin?"

"Anong klaseng tanong yan?"

"Nakakasawa bang intindihin yung ugali ko?"

"Bryan, bat mo ba tinatanong sakin yan?"

"Ganon ba kadaling bitawan ako?"

Wala akong maisagot sa mga tanong niya saakin wala akong magawa kundi tumingin lang sa kanya ng deretso.

"Ganon ba ako ka baliw sayo kaya nagagawa ko pa ding mahalin ka. Kahit alam ko na nasaktan na ako sayo."

"Bry, Hindi sa ganon...."

"Bakit ganon? Kasama na kita ngayon at alam ko na sumasaya ako sa ganong paraan. Pero bakit sa tuwing naaalala ko yung araw na nakipag hiwalay ka saakin nadudurog ulit yung puso ko."

Nagulat ako ng biglang tumulo yung luha niya sa harapan ko. Kaya tumayo ako at lumapit sa kanya saka niyakap siya.

"Hindi ka nakakapagod mahalin, hindi ka nakakasawang intindihin, At hindi ka din ganon kadaling bitawan, Bryan. At ako yung may kasalan kung bakit ka nasaktan non. Ako yung bumitaw hindi ikaw. Sorry sa lahat bry..."

Mas lalo kong hinigpitan yung pag kakayakap ko sa kanya at kiniss ito sa noo. "I'm sorry."

TFBBFILWM Where stories live. Discover now