Chapter 2

1K 45 1
                                    

Author's Note: Hi guys! Amm medyo magulo po yung gagawin ko na POV (Point Of view) I mean paiba iba silang may POV lahat lahat sila sana hindi kayo maguluhan and paalala lang po Im not into romance,more on cool or pagiging cool yung trip ko but I have my plans kaya may kilig kilig muwet (chosss) hahah basta yon! Comment comment din pagmay time hehehehhwz.

Ps. Hindi po si Sheena yung bida, sana mahulaan niyo*smirk*

Sandata

Sheena's POV

Anak ng tokwa!ano bang section ko? Di ko alam hays! Bahala na si Batman. Habang naglalakad ako sa hallway,nahagip ng mga magaganda kong mata na may babaeng umiiyak? Tsk ayaw ko pa naman sa mga umiiyak for me kasi pabebe hehehhez. Laban lang girls, Itayo ang bandera ng mga babae! Choss hahahh ay wait malapitan nga.

Lumapit ako sa bench na inuupan niya so pasimple lang naman. Kunyari mabait ako.

"Ammm Miss okay lang po ba kayo?" Kunyari nag aalala ako pero magtatanong lang ako kung saan puwede hanapin yung mga section hahahha talino ko talaga ewan ko ba sa mga teachers ko bakit sinasabihan akong bobo. Para paraan lang yan.

So ayun pagkasabi ko nun tumigil muna siya saglit tapos tinignan ako ng mabuti anong word bagay don? Amm ayun sinusuri. Problema nento? Tsk nakadrugs ata mga estudyante dito.

"B-bago k-ka ba dito?" Hindi luma! luma ako impaktang to pero kalma Sandata kaya mo yan susmiyo hindi pa naman ako mapagpasensiya.Aish! Bahala na nga!

"Oo ehh puwede bang magtanong?" Subukan mo lang akong pilosopohin! Patay ka sa akin, mukha kasing mataray pero ang ganda niya! Pak na pak!

"Ikaw yung Transferee diba? " nag nod na lang ako. Tumatagal lang ehh pero maaga pa naman keri pa dis!

"E-edi s-a S-ection Z ka?" Ay! Anlupet hanggang section z dito?! ang alam ko pinakamababa D, sa IH ganon ehh? Sinuri ko siya bago umalis para siyang takot na takot. Weird. Ay nakalimutan ko magpasalamat! Humarap muli ako pero nagulat ako sa mga mata niya para siyang naaawa sa akin tapos nailing siya na parang tanga. Aish! Ewan.

"Salamat" sabi ko tumalikod ako ulit pero mas lalo akong nabigla nung sinabi niyang .......secret de joke lang.

"Hindi sila mga tao, habang maaga pa magpalipat ka na ng section. Wala silang mga puso" Nairita ako bigla! Ano sila Hayop? Maligno? Impakto? Nasisiraan na talaga mga estudyante dito!
Hays ewan! Bahala na!

Naglakad na lang ako paalis. Kunyari di ko narinig hehehez ways ways lang yan. So ayun na nga habang hinahanap ko kung saang impiyerno nakadestino yung section ko ehh may nahagip na naman ako susmiyo! Another Problem! Nasa may bandang court na kasi ako, open court siya kumbaga tapos may bubong. Pero wait bakit bilang lang estudyante dito tapos may harang na plywood pero nakikita mo kung anong nangyayari sa loob. May nakasulat sa plywood na Section Z ayy seryoso? Dito room ko kasi may mga basura sa gilid ang layo ko na pala kakaikot kasi padulo na to!

May lumabas tapos may dala siyang baseball bat na may DUGOOOOOO? aish! Impakta ka! Sandata nananaksak ka nga ehh! Oo nga pala pero stick lang ng kwek kwek yun! Next time ko na lang ikwento.
Pero ang mas kinagulat ko hindi siya boy? She's a girl!

Sayang ang ganda niya pa naman, chinita, mahaba na itim na itim ang buhok tapos chixxx! Pero inisnob ko lang bahala kayo! Naglakad na lang ako papasok pero ang mga shokoy ayun nakatingin sa akin habang pumapasok ako sa gym! Anu ba sabi section Z to ehh.

So ayun pagpasok ko nagulat ako ng unti, pero sanay naman ako makakita ng dugo I actually love bloods! Nasa buong paligid parang may mga zombie na may hawak na baseball bat mapababae o lalake mukha silang section pero baka nga kase Section Z to ehh tapos may mga upuan na sira sira, papel sa paligid, sirang blackboard na may nakasulat na red I think dugo to? Andaming nakasulat ehh puro i luv you krass pero red! Hahahah exciting Pala dito! simple lang parang normal na room ng mga estudyante.

Nakatingin sila sa aking lahat! Napatigil sila sa lahat ng ginagawa nila. Aish! Bahala sila wait baka may panis na laway pa ako? Pero imposible yun naligo na ako ehh pasimple kong inamoy sarili ko, hindi naman ako mabaho? Baka may dumi sa mukha ko? Bahala sila diyan.

Habang naglalakad ako papunta sa mga upuan, may nakaupo na dun kaso tulog. So kumuha ako ng akin tapos umupo. Ginawa kong bored mukha ko pero natatakot ako na baka bigla nila akong sunggaban gamit yung mga baseball bat nila, hindi ako makakalaban andami nila at wala akong sandata, ay meron pala apilyedo ko. Aruy! Siguro masakit yun.

----------------------------------------------------------------------

Alexander's POV

"Uyy si Alex yan ng Section Z!"

"Impakto yan ehh ang sama ng ugali!"

"Sayang guwapo panaman pero demonyo"

Tinignan ko sila ng matalim, kaya ayaw na ayaw ko sa mga tao masyadong judgemental. Tsss.

Naglakad nalang ako papunta sa gym, ang teritoryo ng mga Z,katulad ko. Nasa labas yung girlfriend ko si Francine, ang babaeng malaanghel ang mukha pero demonyo ang gawa! Yan ang bansag sa kanya. Lumapit siya sa akin sabay halik agad sa labi ko. Nginitian ko na lang siya.

"Hi! Babe!" Malandi! Tss alam kong madami siyang boyfriend bukod sa akin pero that's not the case here, quits lang kami kasi ginagamit ko lang siya para mapalapit sa kapatid niyang si King ang hari ng mga Z, gusto kong maging kanang kamay niya para magkaroon ako ng kapangyarihan dito sa NH. Sila ang mga anak ng owner ng school na ito.

"Babe! We have a new classmate after 2 years!" Maligaya niyang saad huh? Bago? Tsss basag ulo siguro yun macheck nga. Sana lalake para maging alalay ko. Hindi na ako sumagot at dali daling pumasok sa gym.

Pagpasok ko palang agaw pansin ang babaeng bored ang mukha habang nakaupo katabi ni....King? Fuck? Alam mo ba kung anong gulong ipapasok mo? Tapos babae ka pa! Ang lakas ng loob nento ahh. Kawawa naman maganda pa naman, kaso unang araw palang gagawa agad ng gulo.

Nilapitan ko siya pero habang palapit ako ng palapit sa kanya parang kilalang kilala ko siya? Hindi ko lang matandaan.

Nung nasa tapat na ako ng inuupuan niya nilingon niya ako agad ng nakakunot ang noo. Tss ang lakas ng loob nento.

Magsasalita na dapat ako, kaso pumasok ang isang napakagandang dilag. Siya si Maam Agnes, tawag sa kanya dito sa school ay Ms. U (unbelievable) dahil siya lang ang nakakapag paamo sa aming mga Z.

Kanya-kanya kaming kuha at ayos ng aming mga upuan. Samantalang yung babaeng bago dito sa amin, tsss ayun mukhang tanga sa gilid di alam gagawin. Nakita ko si maam Agnes na nakangisi sa kanya. Anong problema ni maam?Baliw.

"Goodmorning!" Maligayang bati ni maam Agnes.
"Goodmorning!" Sabay sabay naming saad. Pucha! Kung hindi lang kami takot kay maam binugbog na namin to ehh.

"I think! You have a new classmate! Kindly Introduce yourself here infront" pagkatapos sabihin ni Ms. U, mabilis siyang pumunta sa harap, inayos niya ang kanyang sarili bago siya nagsalita.

"Hello everyone! I am Sheena  Raye Samaniego Sandata---" Nagkatinginan kaming lahat. Shit! May mga napasinghap, nagulat at nagsimulang mamuo ang galit ng ibang mga Z. Sinasabi na nga ba ehh kaya pumasok si King, hindi naman niyan pumapasok kasi busy sa pakikipagnegotiate sa mga mafia. Ayun ang loko nakangisi habang pinagmamasdan si Sheena sa unahan. May plano talaga tong mokong na to at yun ang kailangan kong malaman. Binalik ko ang tingin kay Sheena Sandata habang binibigkas sa utak ko ang mga katagang gustong imutawi ng mga labi ko.

"Sandata? Hindi na ako magtataka kung bakit napunta siya dito at mas lalong di na ako magtataka kung gaano siya kagaling pumatay ng tao."

Author's Note (2nd)

Luh? Bakit kaya? Abangan sa susunod na Kabanata.

Salamat po sa mga nagbabasa! Votes and Comments are highly appreciated!

AngHulingKapitana

Class Z, Section Z [LA MAYOR SECCIÒN]Where stories live. Discover now