CHAPTER FOUR

2.7K 50 0
                                    

"Really Atha? You are going to fly in canada soon?"paniniyak sa kanya ni Kenya. ATHA ang tawag sa kanya ng dalawa nyang kaibigan. Masyadong daw kontrabida ang dating at tunog ng kanyang buong pangalan. AGATHA FAITH PEREZ GATCHALIAN ang kanyang buong pangalan. Ngunit Agatha lamang ang gusto nyang itawag sa kanya. Tanging ang ama nya lamang ang tumatawag sa kanya ng Faith.
Magkakaharap silang tatlo sa kanilang maliit na sala. Dahil weekend at pareho silang walang mga pasok sa kanilang mga trabaho kaya napili nilang magstay lamang sa loob ng bahay.
"Yes."payak nyang sagot sa mga ito na parehong tiningnan ng seryoso.
Di kasi alam ng dalawa na nagpaprocess sy ng mga papeles papuntang canada. Sinadya nya iyong ilihim in case di sya matuloy umalis di sya mapapahiya sa mga ito.
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan?"may hinampong asik sa kanya ni Jelle.
"Oo nga! Kung di pa nahalungkat ni Kenya ang brown envelope sa loob ng room mo ng di sinasadya di pa nmin matutuklasan na pupunta ka ng Canada!"patuloy ni Jelle sa pan-uusig sa kanya na may kasamang exaggeration sa tinig nito.
"Take note,Ca-na-da!"may exaggeration ding saad ni Kenya ng diinan nito ang pagbigkas ng Canada na ikinatirik ng kanyang mata sa ere.
"Sorry guys...di ko pa kasi sigurado kung makakapasa ako sa kanilang interview at di madeny ng canadian embassy ang aking travel documents. Alam mo nmang mahigpit ang embassy ng canada di ba?"paliwanag nya sa dalawa.
"Kaya ka pala palaging umaalis kasi sa canadian embassy ka laging pumupunta nitong mga nakaraang buwan!"palatak ng baklitang kaibigang si Kenya.
"Yeah. I wont deny it guys. I kept it a secret because of my own reason. I didnt expect they will grant me a visa soon. I am so surprised also when they called me to get my entry papers today."aniya.
"And you also kept that you already had a fiance waiting for you there? Dont deny it AGATHA! Kundi dila mo lang ang walang latid ng aking latigo!"gigil na pinandilatan sya ng mata ni Kenya sabay namewang sa kanyang harapan samantalang si Jelle naman ay nakatayo sa tabi nito at halatang nagpipigil mangiti sa huling sinabi ng bakla nilang kaibigan dahil seryoso ang usapan nila.
"Errr...about that. He is not really my lover or fiance. He just said am his girlfriend so that they will easily grant me an entry to canada."paliwanag nya.
"And he is 67 years old? Gosh! Lolo mo na yun Atha!"nanlalaking mata na bulalas ni Jelle sa kanya.
"So, what?"kibit-balikat nyang sagot rito.
"So, what? For God's sake Atha he is more than twice of your age!" Bulalas nman ni Kenya na halatang di sya suportado sa kanyang napili na desisyon sa buhay.
"Well, if we feel in love, age doesnt matter anymore. What matter is his love for me. He can still make me scream in a bedroom, I guess!"malisyusa nyang pagbibiro sa mga ito at sabay napatawa ng nakakaloko na ikinausok ng ilong ng dalawa nyang kaibigan.
"God! Kenya, she is crazy and delusional!"napapailing na wika ni Jelle. Na ikinalaglag nman ng panga ng baklang kaibigan dahil sa bulgar na sinabi sa harap ng mga ito. Minsan lang nman nagiging madumi ang tabas ng kanyang dila. Pawang may seryosong ekspresyon ang dalawa sa mukha at di natawa sa kanyang sinabi.
"I'm just kidding guys. Chillax! He is my friend nothing more. But-"biglang putol nya sa iba pang sasabihin at napaseryoso. Medyo ibinitin ang susunod na sasabihin sa mga ito.
"What?!" Sabay na sigaw ng curious na dalawang kaibigan.
"But, if he will ask me to be his second wife just like he really wrote in his bio in the dating website I will gladly accept it without hesitation!"aniyang seryoso ang mukha ng tingnan ang dalawa na ikinailing ng mga kaibigan nya.
"Talagang tutuparin mo ang sinabi mo na  mag-aasawa ka ng ibang lahi?"medyo sarkastikong tanong ni Kenya sa kanya.
"Yes! I am kinda desperate in that aspect of my life so why not grab this chance if he is willing to take me as his woman anyway."aniya
"Then, we guess we cannot change your mind about that! But what about your parents? Did they know you will go to canada soon?"tanong ni Jelle
"No. Just keep this between us guys. I will let them know if am settled there. Ok?"aniya na ikinatango ng dalawa kahit labag sa kalooban ng mga ito.
"Good."aniyang napangiti sa dalawa.
"And what about your work at the hotel?"ungkat ni Kenya about sa trabaho nya.
"I already made a resignation letter. I will give it one week before my flight to canada. I still need to wait for some papers from canadian embassy anyway."paliwanag nya sa mga ito.
"Why dont we go out tonight and get wasted in a bar? This should be our last time together guys!"suhistiyon nya sa dalawa ng makitang tila nalungkot ang mga ito sa kanyang balita.
"Oh guys am so sorry.."aniyang biglang nilukuban ng lungkot dahil di malaon magkakahiwalay na silang tatlo.
"We will miss you Atha..."sabay na wika ng dalawa at nag group hugs silang tatlo pagkatapos. Nauwi tuloy sa iyakan ang yakapang iyon hanggang sa pareho din silang natawa dahil nasira ang maskara ni Kenya nagmukha tuloy itong panda.

HUNTING A RICH MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon