CHAPTER TWENTY ONE

2.3K 54 0
                                    

"What's going on here?"napakunot noong tanong ni Sean sa receptionist na nakatalaga sa front desk ng kanyang hotel. Nakamasid sya sa simula sa reception area hanggang lobby na maraming mga tao ang nakatayo at nakalinya papasok sa kanilang events hall.
"Its a book signing sir ,and we have a guest who is a famous novel author in our hotel." nakangiting paliwanag sa kanya ng lalaki.
"Really? Why did they chose our hotel. There are so many hotels in New york, why here?"medyo inis nyang tanong rito.
"Huh?"ang nakatulalang nawika na lamang ng receptionist na kanyang kausap.
"Anyway, when they will  check out?"may kagaspangang tanong uli nya rito.
"Later, after her book signing."ang sagot nman ng naguguluhang tauhan sa kanyang inasal.
Well di nya ito masisisi if dito nya naibunton ang kanyang inis sa ama. Lagi na lamang silang nagkakainitan tuwing mauungkat ang nakaraan. Di nya na nga malaman ang kanyang gagawin sa ama. Kahit pa pinakilala nya ang kanyang bagong girlfriend dito wala pa ring nagbago sa paulit-ulit nitong sermon. Siguro kapag binigyan nya iyo ng apo ay matatahimik na ito sa patuloy na paninisi sa nangyari sa kanila ng kanyang ex-wife.
Kakarating nya lamang galing Toronto, canada at ngayon nga ay kelangan nyang magpahinga dahil bukas may meeting sya sa mga investors.
   Ngunit ng makita nyang napakaraming tao sa lobby ng hotel ang kanyang inis na naramdaman ay bigla nyang nabaling sa kasalukuyang nagaganap sa hotel.
"Make sure the hotel is cleaned after that signing event!"aniya sa tumalikod at naglakad ng malalaki paakyat sa kanyabmng penthouse sa rooftop ng kanyang hotel. Magtatatlong taon nya na itong naitayo. Ngayon nga ay 3 star hotel na ito.
Nakasimangot pa rin sya hanggang marating nya ang elevator.
"Why  Ummi doesnt wants me to stay there? I really want to sit and meet her fans! Wallah!(I swear)"narinig ni Sean na pakikipagdiskusyon ng isang batang babae na medyo nagpapadyak pa ng paa nito habang hawak sa kamay ng isang lalaki na tantiya nya ay ama ng bata o marahil tito dahil di nman nito kahawig. Nakasuot ito ng mahabang damit na di pangkaraniwan.
"Princess, you know your Baba( papa) doesnt want you to sit in a crowded place. It is not really safe for you."paliwanag ng kasama nitong lalaki.
" But Ana( ako)  want Ummich!"pagmamarkulyo nito sa lalaki.
"Wallah(i swear), ana(ako) ba ruh (punta)bil kuwait(sa kuwait)ana qol(tell)baba tagi ente(paluin ka)bil asaya!(pamalo)"nakakrus ang mga bisig nito na hinarap ang lalaki habang pareho nilang hinihintay bumaba ang elevator.
"Mu zayn( not good), habibti(beloved)"napapailing-iling na wika ng lalaking di naitago ang mga ngiti sa labi dahil sa tantrums ng bata.
Napatulis ang mga nguso nito sa katabi saka sya  binalingan ng mahagip sya nito ng tingin.
"Marhaba!(hello). Shuw ismak?(what is your name)"nakangiti nitong sabi sa kanya ng harapin sya  sabay kaway ng kamay nito na tuluyang umagaw sa atensyon niya rito.
"Habibti, he doesnt speak arabic yanni(you know)."sabi ng kasama nitong lalaki na alam nyang di muslim ngunit marunong ng arabic language.
"Alright then, hello Mr..... Whats your name?" Pacute na tanong ng bata sa kanya. Maganda ito at may malakas na appeal na humahatak sa stranger na katulad nya rito.
"Sean." Matipid nyang tugon na di napigilang mapunit ang ngiti sa kanyang mga labi. Nawala ang kanyang inis na naramdaman kani-kanina lamang.
"You are handsome! But not as handsome as Mohammed! "Walang kagatol-gatol na turan ng bata sa kanya.
"Dana darling, your mom will definitely scold you if she will hear you saying that!"sita ng kasama nito.
"Its fine. No problem. "May ngiti sa labing sabi nya sa mga ito.
Bumukas ang elevator kaya nahinto ang kanilang usapan. Naunang pumasok ang dalawa sa loob kasunod sya.
"I dont like it here!" Maya maya complain nito sa kasamang lalaki.
"Why is it? " nakataas ang kilay na tanong ng lalaki sa bata samantalang sya ay nakikinig lamang sa mga ito habang pumuwesto sa isang tabi.
"Mafi (wala)park!" Anito sabay tulis ng nguso nito.
"Princess, we are in a hotel."ani ng lalaki rito.
"That is why i dont like it here! I dont have someone to play with!"maarteng reklamo  nito.
"Would you like me to bring you in a toy shop?" Maya maya pa binago ng lalaki ang usapan ng mga ito.
"La(no). I want Ummi so that we can go back home. "biglang naging seryoso na sabi ng bata.
Di nman sya mahilig sa mga bata at makinig sa usapan ng ibang tao ngunit ng mga sandaling iyon di nya maintindihan kung bakit gustong-gusto nyang marinig magsasalita ang batang guest ng hotel nila. Ang kanyang pagod na naramdaman ay biglang nawala sa pakikinig lamang sa boses ng batang cute na cute sa kanyang paningin kahit pa nga may tantrums ito.
Nadismaya pa sya ng biglang huminto ang elevator at lumabas ang dalawa sa huling floor ng hotel rooms nila. Di nya malaman pero nakadama sya ng kahungkagan sa dibdib.
Mabilis nyang pinindot ang button pasara para mabilis iyong umakyat papuntang penthouse at mawala ang kanyang atensyon sa batang nagbigay sa kanya ng kakaibang damdamin.

Isang oras lamang ang kanyang pahinga dahil may emergency sa kanyang hotel kaya napilitan syang bumaba para ayusin iyon.
Habang lulan ng elevator bahagya syang sumandal sa wall at ipinikit ang mga mata para ma relax sandali ang sarili.
Kahit na huminto at bumukas ang elevator di sya nagbukas ng mga mata.
Naramdaman nyang muli iyong sumara. Nahagip din ng kanyang pang-amoy ang suave na amoy ng pabango na alam nyang pambabae.
"Sweetheart, dont worry he wont be looking to any woman's here. I will make sure of it. Wallah(i swear)"narinig nyang sabi ng taong sumakay sa elevator sabay napatawa pa.
Bigla syang napadilat ng mga mata ng marinig ang familiar na boses na iyon ng babae.
Nakatalikod sa kanya ang bagong sakay kaya di nya nakikita ang mukha nito. May kausap ito sa cellphone. Nakasuot ito ng di pangkaraniwang damit pambabae na alam nyang tanging middle east women ang karaniwang sumusuot noon. Nakalugay ang maalon alon nitong buhok
'No! Impossible! This wont be his wife.'nasabi nya sa isipan sabay pilig ng kanyang ulo para mawaglit sandali sa kanyang utak ang boses na tila nagpapaalala sa kanyang nagawa rito.
"Remind me again why i need to do this?"may playfulness sa boses nito ng tanungin ang kausap.
Tila bigla di sya mapakali sa pagkakatayo roon. Gusto nyang masilayan ang mukha nito. Gusto nyang isipin na nagkamali lamang sya ng pandinig.
"Yeah, we will be headed straight to Canada after this. I know, i know, tell your brother not to exaggerate this whole situation. Yeah,yeah,we are fine. Babush hayati!"napahagikhik pa nitong wika sabay alis ng phone sa tainga nito at inilagay sa bitbit nitong bag.
Di nya maintindihan ngunit nakadama sya ng selos pagakarinig ng pagbanggit nito ng brother.
Bahagya syang napatikhim sa kinatatayuan na ikinalingon ng babaeng kasama sa elevator. At ganun na lamang ang kanyang pagkabigla ng mapagsino iyon.

HUNTING A RICH MANWhere stories live. Discover now