CHAPTER 1: Ang Kamalayan at Kabataan

484 0 4
                                    

                                                  CHAPTER 1: Ang Kamalayan at Kabataan

    Unang-una sa lahat, tayo ay bata pa noon. So sisimulan ko noong bata pa ako. :D

Noong bata pa ako, ewan ko ba kung bakit napakahilig kong maglaro. Sabi ng kwento sa akin ng mga magulang ko, malamang e di ko alam kasi nga bata ako at inosente pa sa mga bagay-bagay, ay puro laro nga ako. Pinapasulat ako pero di raw ako nagsusulat dahil nga, same reason, naglalaro ako. 'Yun ang naging dahilan ng pagiging late ko sa pag-aaral. Nag-aral na ako ng 7 years old sa prep. At dito na nag-iba ang aking pag-uugali, naabutan na ang utak ko ng liwanag ng sibilisasyon.

    Ito na 'yung mga panahon na may naaalala ako sa kabataan na ibinigay sa akin nila mama at papa. :)

Napakatamad ko rati at talaga namang school bukol, medyo lang. Naalala ko pa 'yung teacher namin, at the same time principal dun, na kinakatakutan ko talaga. 'Yung feeling na pag nakita mo parang nakatali ka sa upuan mo tapos parang wala ka nang pwede pang isagot kundi "opo" at "hindi" po nalang pero sa isang school meron din namang mga gurong di terror. Ito 'yung mga tinatawag na best teacher, 'yung mga taong naaalala mo palagi at 'yung pwede kang maging makulit sa klase niya. Naalala ko pa siya hanggang ngayon siya si Teacher K, medyo weird pero 'yan ang tawag sa kanya at 'yan nalang ang natatandaan ko sa pangalan ni best teacher. Maalaga siya at maganda at matalino pa. (ganyan talaga kpag best teacher dapat pinupuri). Minsan nga'y nakakasalubong ko siya ngayong mga panahong ito pero di na ako napapansin, di na niya siguro maalala 'yung estudyante niyang tinubuan na ng buhok. Speaking of buhok, lagi akong nakasemi- kalbo nun. (Oh GOD! WHY?!) Pero ok lang naman. Di naman mahalaga sa isang bata ang maging matino ang buhok dati. Napakarami kong alaala sa paaralan ng St. Victoria Montessori School at sa mga taong naka-enroll ako run. Mga pagbabasa ng libro, pagtingin sa mga kaklase kong babae, pagbabasa ng mga lessons, pagtingin sa white board at pag-intindi ng mga nakasulat doon, pagkulay ng mga larawan, pag-amoy ng napakabagong PILOT na  pentel pen, pagtatago ng mga test papers ko sa magulang ko tuwing nakakakuha ako ng 0. Pero kahit ganun, oks lang! :D Nakagraduate e. Pero naalala ko ang daming line of 7 dun (ang grade na kinakatakutan at pinag-uusapan at tinatawag na PALAKOL) at pero ulit, mabait ako. Grade B yata ang attitude ko run at naawardan pa ako ng MOST OBEDIENT.

    Unti-unti na akong lumalabas mula sa aming munting tahanan, sa munting street, sa munting barangay. (hanggang barangay palang, bata pa e)

    Malapit na ang pasukan sa grade 1. At siyempre bibili na ng gamit sa school. (ito na ang pinakamasayang parte ng buhay ng estudyanteng munti). Unang-unang pinupuntahan ng aking pamilya kapag pupunta ng mall para bumili ng gamit sa eskwelahan ay ang WOF( World of Fun). Maglalaro muna ako ng mga arcade games dun, sasakay sa mga pwedeng sakyan, bibili ng tokens at 'yun ihuhulog sa mga masasayang bagay dun. At finally, pupunta na sa bilihan ng gamit. Naalala ko pa ang kinuha kong pambura roon. MAPED ang tatak nun. Ang ganda. Isda ang design iba-iba pa ang kulay. At take note. MABANGO!! :DD

    Unang araw na ng pagiging Elementary student ko. Umiyak ako ng sobra noong unang araw. Di ako pumasok dahil alam kong iiwan ako ng aking mga magulang sa paaralan. Kinausap ako doon ni Ma'am Esperanza Reyes. (ALAM KO PA! :D) Bakit daw ayaw kong pumasok. Wala akong sinabi sa kanya ngunit sinabi ko lang na ayaw kong pumasok noong araw na iyon at bukas ay papasok na ako. ( Di pa nga kasi ako nakapagpapaalam sa mga magulang ko ng maayos na iiwan ko sila ng 6 Hours tuwing weekdays. )

    Pumasok na ako noong pangalawang araw. Doon na nagsimula na antayin ako ni mama araw-araw hanggang grade 2. Napakamabuti ng aking ina dahil inaantay niya ako hanggang sa makalabas ako at sunduin niya ako muli para sabayan na umuwi sa bahay. Ibang-iba sa nakikita ko ngayon sa mga batang bulinggit na umuuwi mag-isa kasama pa ang kapatid na mas maliit sa kanila. Napakapalad ko na may ina akong tulad ni Mama Anaclita. :D At siyempre sa tatay ko rin na si Papa Epefanio Sr. :D Nagjapan kaya siya ng 3 months para lang mabigyan kami nga magandang buhay at... NINTENDO 64 :DD hahaha. Medyo mahirap nga lang ang pag-alis niya kasi ilang araw ko ring iniyakan 'yun at lagi akong nasasabik sa pagtawag niya sa amin dito sa Pinas.

    Anyways, Tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng kamalayan ko noong elementary. Nakapaglaro na ako ng iba't ibang laro tulad ng agawan base, sili-sili maanghang, luksong-baka, yu-gi-oh card games, playstation at ang pinakamalupit na nalaro ko noong grade 5, ANG COMPUTER. :D Nakakaadik siya grabe. Kada punta ko sa mga computer rental shops ay wala akong alam na pindutin kundi ang shortcut ng laro na nilalaro ko (MU PHILIPPINES). Di talaga ako marunong magsearch nang sinabihan kami ng aming guro na magresearch. Naalala ko pa na tinype ko sa address bar lumang INTERNET EXPLORER 'yung pinapasearch at iyon. Walang lumabas. Hanggang sa may nagsabi at nakilala ko ang best friend ko hanggang ngayon, ang GOOGLE.COM. :D

    Grade six ako nun nang lalo pa akong ganahan sa pag-aaral. ( Section 1 ako mula grade 1 hanggang grade 6 at proud akong kasundan ko ang yapak ni Analene, ate ko). Bukod sa mga lesson at mga competition sa pagguhit. Naging inspirasyon ko ang aking crush noong grade 6 'yun si _ _ _ _ _ _ _ _. (Secret na :D) bukod pa sa aking magulang siyempre. :D Masaya kasi siyang kasama, palatawa, napakabait  at maganda siya. :) Hindi naman ako PBB teens dati kaya di ko nalang masyadong pinansin ang nararamdaman ko pero alam ko alam niya yata na crush ko siya e. :D hahaha..

    Graduation na. Nagpaalaman lang tapos naglaro ng computer. Medyo hindi nga lang siya nakakaiyak tulad ng sa high school kaya punta na tayo sa high school. Mas maraming memories doon e.

Buhay Sa Labas ng Aking KwartoWhere stories live. Discover now