Kabanata 17

908 35 14
                                    

"ANO ang ibig sabihin nito? Pakakawalan mo na ba ako?"

Napadilat si Marissa nang marinig si Marlon. Labis siyang naguluhan nang makita niyang unti-unti itong umaangat. Hindi niya alam kung bakit nangyari iyon gayon na siya ang nakatakdang mamatay. Napatingin siya kay Kevin at gaya niya, labis ang pagtataka nito ngunit kita niya sa mukha nito ang saya. Hindi man niya gustong mag-isip na magiging ligtas siya ngunit iyon ang kaniyang hinala.

"Hindi! Siya dapat at hindi ako!" sigaw ni Marlon habang sinusubukan nitong makawala.

"Pasensya na, pero hindi ikaw ang gusto kong maglaro sa final game."

Napapikit na lang si Marissa nang tuluyang dumikit si Marlon sa live wire. Dinig niya ang mahihinang putok dulot ng pagkakadikit ng balat nito roon at tila nasanay na siya mahabong amoy. Muling umalingawngaw ang malakas na putok at batid na niya ang kaniyang makikita sa oras buksan niya ang kaniyang mga mata.

Malakas na sigaw ang pinakawalan ni Marissa nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niya ang ulo ni Marlon na nasa ibabaw ng lamesa. Kulubot ang mukha nito at halos hindi na makilala dahil sa labis na pagka-kuryente. Ang mga parte ng katawan at laman-loob nito ay nagkalat sa sahig habang ang isang braso nito ay napunta sa kaniyang harapan.

Naghintay si Marissa na unti-unti siyang umangat dahil hindi siya nakatitiyak na ganap na siyang ligtas ngunit ilang sandali na ang lumipas ay hindi nangyari ang kaniyang inasahan. Hiling niya na sana nga ay ligtas na siya dahil hindi niya maisip na daranasin niya ang karumal-dumal na sinapit ng tatlo.

"Nagtaka ka ba, Marissa? Kayong tatlo talaga ang gusto kong maglaro sa final game."

Hindi nakaimik si Marissa bagkus ay sinulyapan niya sina Kevin at Kenjie. Bakas sa mukha ng kaniyang asawa ang kasiyahan dahil hindi niya sinapit ang nangyari sa tatlo. Gaya nito ay masaya siya ngunit narooon pa rin ang takot dahil hindi pa roon natatapos ang lahat.

"Una pa lang, nakaplano na ang lahat."

"Anong ibig mong sabihin!" tanong ni Kevin at bakas sa mukha nito ang labis na pangamba.

"Mas masisiyahan kasi ako kung panonoorin ko kayong tatlo. Napapatanong ako kung ano ang gagawin ninyo o kung may magpaparaya ba sa inyo," pahayag ni Turo at nagpakawala ito ng halakhak.

"Hayop ka talaga! Papatayin kita kapag nakawala kami rito!" sigaw pa ni Kevin habang pilit itong kumakawala.

Lumakas ang paghalakhak ni Turo na tila hindi galit ang kausap nito. "Natakot naman ako bigla, Kevin. Iyan din kasi ang sinabi ko noon. Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon. Bakit wala kayong imik, Marissa at Kenjie? Natatakot ba kayo? Tama talaga ang desisyon ko na ikulong ka muna Kenjie. Alam ko naman kasi na duwag ka dahil sa oras na isama kita sa laro, alam kong papatayin mo ang sarili. Ayokong mangyari iyon dahil hindi mangyayari ang gusto ko."

"Patayin mo na ako para matapos na ang lahat," umiiyak na turan ni Marissa dahil hindi na niya nais pang laruin ang pinakahuling laro lalo pa at silang tatlo ang maglalaban.

"Marissa, makakaligtas tayo rito," pagpapanatag ni Kevin at tila nais nitong lapitan si Marissa ngunit hindi nito magawa.

"Hindi ako gago para patayin ka ngayon, Marissa. Para saan pa na niligtas kita sa pagtangkang pagpatay sa iyo ni Anna?"

Natigilan sa pag-iyak si Marissa at malalim siyang humugot ng hininga. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Ako lang naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, buhay pa rin, Marissa. Magpasalamat ka sa akin dahil nang gabing papatayin ka ni Anna, pinanonood ko ang kuha ng CCTV at kung hindi ko binuksan ang mga ilaw, matagal ka nang bangkay."

Turo GameNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ