CHAPTER 9

1.1K 38 0
                                    

JADE POV:

Naglalakad ako ngayon papuntang room ng biglang may nabangga ako.May iniisip kasi ako kaya hindi ko napansin na may nabangga na pala ako.

"Sorry" Sabi ko doon sa lalaking nabangga ko nalaglag kasi yung mga notebook na dala nya.Tinulungan ko syang kuhanin yung mga notebook at nung pag angat ko ng ulo ko ay bigla nalang nagtama ang mata namin.Si Andrei pala yung nabangga ko.

"Sorry talaga gusto mo tulungan na kitang dalin yan.Saan mo ba ito dadalin?" Tanong ko

"Naku huwag na kaya ko naman na eh.Kami palang kasi ni Andrea ang nasa room kaya ako ang initusan ni Maam na magdala nito sa table nya sa faculty kaso hindi ko alam kung saang gawi yung table ni Maam.Ganito nalang samahan mo nalang ako sa loob at ituro mo sa akin kung saan yung table ni Maam" Sabi nya

"Ok sige tara na" Sabi ko sabay lakad papuntang faculty.

Pagpasok namin sa loob ay konti palang ang mga teachers medyo maaga pa kasi.Itinuro ko kay Andrei kung nasaan yung table ni Maam at inilagay nya sa ibabaw yung mga notebook na dala nya.

"Thank you sa pagsama ha" Nakangiting sabi nya.Gosh mabait naman pala itong si Andrei akala ko kahapon masungit sya.

"Ano kaba wala yun atsaka nabangga kita kanina kaya quits na tayo" Nakangiti ring sabi ko

"Btw bakit nga pala kayo nagtransfer dito?" Tanong ko.Napansin ko lang parang ang fc ko na ata sa kanya hahahaha yaan na nga.

"Lumipat na kasi kami ng bahay at ito ang pinakamalapit na school kaya dito kami nag transfer" Sabi nya

"Sorry ha kung nagiging fc na ako" Sabi ko

"Ano kaba ok lang ang sarap mo ngang kausap eh atsaka classmate naman tayo kaya ok lang talaga kung maging close tayo" Sabi nya.Sandali pa nga lang kaming nag uusap tapos nasabi na nyang masarap akong kausap? Hahahaha

Naglalakad na kami ngayon papuntang room ng bigla akong nadulas.Shit ang tanga tanga ko talaga minsan.Hinintay kong lumagapak ako sa sahig pero ilang segundo na ang lumipas hindi parin ako bumabagsak.

Idinilat ko ang mga mata ko at nasalo pala ako ni Andrei.Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa yung maduduling ka sa sobrang lapit.Kumapit ako ng mahigpit sa braso nya atsaka ako tumayo.

"Thank you" Nahihiyang sabi ko

"Youre always welcome and next time be careful" Nakangiting sabi nya.Paano sya nakakangiti ng ganyan sa ganitong sitwasyon.Gosh ako hiyang hiya at naiilang samantalang sya parang wala lang nangyari.

Ngayon ko lang napansin na sa tapat pala ng room ako nadulas at ayun yung mga classmates ko iba ang tingin sa amin ni Andrei.Mabilis akong pumasok sa loob at umupo sa upuan ko.

"Dalaga na ang bestfriend namin" Nang aasar na sabi nilang tatlo.Gosh nakakahiya rinig na rinig ng lahat yung sinabi nilang tatlo

"Hoy wag nga kayong maingay" Naiinis na sabi ko

"Ikaw kasi eh hindi ka manlang nagsasabi na nagkakamabutihan na pala kayo ni Andrei" Nang aasar na sabi ni Ange

"Katatransfer pa ngalang niya nung fast two days tapos nagkamabutihan na agad kami?" Inis kong tanong

"Bakit hindi ba pwede yun? Malay ba namin kung nalove at first sight pala kayo sa isat isa" Sabi ni Cess

"Oo mabait sya pero imposibleng magustuhan ko sya dahil may iba akong gusto" Wala sa sariling sabi ko

"What? Sino ha bakit hindi mo manlang sinasabi sa amin?" Sigaw ni Angeline

"Hoy sinabing wag kayong sumigaw eh atsaka ano ba yung sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko

"Ano 'to teh nagkaamnesia ka kaagad?" Sarcastic na tanong ni Ange

"Ha? Ano ba kasi yun? Hindi ko talaga maalala" Naguguluhang sabi ko

"Kasasabi mo lang kanina na hindi mo magugustuhan si Andrei dahil may iba kang gusto" Sabi ni Angeline

"Ano naaalala mo na ba?" Tanong ni Cess

"Totoo bang sinabi ko yun?" Naguguluhang tanong ko sa kanila

"Yup malinaw na malinaw rinig na rinig namin yung sinabi mo" Sabi ni Ange

"Hindi ko talaga maalala pero sasabihin ko na sa inyo ang totoo.Lapit kayo dito wag kayong maingay ha walang sisigaw.Matagal na akong may gusto kay Kim" Sabi ko at nagulat silang tatlo

"Oh my gosh boy babae ba talaga ang gusto mo?" Tanong ni Cess

"Ha? Anong babae?" Naguguluhang tanong ko at nakita kong nagpipigil na ng tawa si Ange.Hindi siguro nila alam na yung kim na tinutukoy ko ay si Sungit.

"Cess yung Kim na sinasabi ni Jade ay si Sungit.Kim Arvin kasi ang name nya" Natatawang sabi ni Ange

"What? May gusto ka kay sungit?" Sigaw ni Cess at ni Angeline.Haist kasasabi ko lang kanina na walang sisigaw eh.Ng marealize nilang napasigaw sila nagpeace sign sila sa akin sabay mouthed ng sorry.Mabuti nalang at medyo maingay dito sa room kaya hindi rin nila napansin yung pagsigaw ng dalawa.

"Oo hindi ko nga rin ineexpect eh nung una dinedeny ko pa sa sarili ko na gusto ko sya hanggang sa narealize ko na tinamaan na nga ako sa kanya.Yung tipong kapag nakikita ko sya bumibilis yung tibok ng puso ko at para bang gusto ko lagi ko syang nakikita" Sabi ko

"Tinamaan ka nga atsaka hindi na like yan love na yan" Sabi ni Angeline

"Siguro nga Ive fallen for him" Nakangiti kong sabi

"Ay sus inlove na inlove ha magsama kayo ni Ange parehas kayong inlababo" Sabi ni Cess

"Maiinlove pa kasi mamamatay rin naman" Bitter na sabi ni Angeline

"Ang bitter ha porket hindi kalang pinapansin ng crush mo eh ganyan kana" Sabay naming sabi ni Ange kaya napatawa kami

"Wala akong crush noh" Sabi ni Angeline

"Wala raw edi love mo pala si Russel kung ganon? Sabi mo kasi wala kang crush edi ibig sabihin love mo na sya" Pangaasar ko

"Sino nagsabing may gusto ako sa kanya? Atsaka yung mukhang yun magugustuhan ko? No way" Maarteng sabi nya

"Ang defensive mo teh" Sabi ni Ange

"Whatever" inis nyang sabi

Hahaha mabuti nalang at dumating na si Maam at baka humaba pa ang usapan namin at mapaamin din itong si Angeline.And ngayon ko lang napansin na wala sila Andrei at Andrea dito sa room.Nasaan kaya sila? Hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang ako kay Maam.



To be continued...............

Please support my story😊

And dont forget to vote!!!

Kamsahamnida😘







Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon