CHAPTER 49:BONDING

784 22 0
                                    

JADE POV:

*TOK TOK*

Haist ano ba yan ang aga aga eh katok nang katok inaantok pako.

"Pasok" Sabi ko pero hindi ko parin dinilat ang mata ko dahil antok pa talaga ako.

"Hoy! babae aba tanghali na, bumangon kana dyan!" Pagdidiwara ni Cess. Napabalikwas ako ng marinig ko ang pagdidiwara nya. Oo nga pala gagala kami ngayon, nakalimutan ko.

"Sorry naman nakalimutan ko eh" Sabi ko

"Siguro nagvideocall kayo ni Kim kagabi noh?" Tanong ni Ange

"Oo" Sabi ko. Hay, antok pa talaga ako.

"Sabi na nga ba eh" Sabi ni Ange

"Sana all may kapuyatan" Sabi ni Angeline

"Hoy ka aga mo bang gumaganyan" Natatawa kong sabi

"Wala eh broken ang lola nyo" Malungkot nyang sabi

"Oh sya mawalang galang lang lumayas na kayo dito ng makagayak na ako" Sabi ko

"Opo madaam lalabas na kami" Sabi ni Angeline at lumabas na sila kaya naman bumangon na ako at pumunta na ako sa banyo para gawin ang daily routine ko.

After 30 minutes natapos na akong maligo. Jusme binilisan ko na baka diwarain pa ako nang mga yun kapag 1 hour ako sa banyo.

Nagsuot lang ako ng maiksing short at pinartneran ko nang hanging blouse and white shoes.

Naglagay lang ako ng foundation and liptint at bumaba na ako.

Nadatnan ko silang naka upo sa sala at mukhang nanonood sila ng tv.

"Hay sa wakas natapos rin" Sabi ni Jerold. Oo nga pala kasama nga pala tong mga asungot na to.

"Sml?" Tanong ko sakanya at natawa sila samantalang sya ayun di maipinta yung mukha

"Yan sige sabat pa more" Pang aasar ni Carlo kay Jerold sabay apir sakin. Nagulat sila sa ginawa namin ni Carlo dahil siguro nasanay silang magka away kami. Wahahaha nakakatawa yung mga reaksyon nila

"Oh ano nakain ninyo at magkasundo kayo ngayon?" Tanong ni Mark

"Wahahaha wala ayaw nyo bang nakikitang magkasundo kami?" Tanong ni Carlo

"Hindi naman sa ganun nakakapanibago lang kasi" Sabi ni Cess

"Yeah sobrang nakakapanibago" Sabi ni Angelica

"Nagpromise kasi kami na hindi na kami madalas mag aaway" Sabi ko

"Yeah totoo yung sinabi ni Jade pero hindi ibig sabihin nun eh hindi na kami mag aaway ah kumabaga minsan or madalang nalang" Natatawang sabi ni Carlo

"Wahahaha akala namin stop na ang war hindi pa pala" Sabi ni Angeline

"Ayos na yon atleast madalang nyo nalang kaming makikitang mag away hindi kagaya dati na halos oras oras nagbabangayan kami" Sabi ko

"Hanggat kaya naming hindi mag away hindi kami mag aaway" Sabi ni Carlo

"Wahahaha ibang klase talaga kayong dalawa" Natatawang sabi ni Cess

"Sinabi mo pa" sabay sabay nilang sabi kaya natawa kami.

"Oh sya gorabels na tayo at baka matraffic pa tayo sa daan" Sabi ni Angelica at lumabas na kami ng bahay at bumyahe na kami.

After 123456789 years wahahaha ang oa noh? Nakarating narin kami sa mall. Shit feeling ko hindi ako belong sa kanila pano ba naman ako lang ang walang partner. Si Mark dinideskartehan na si Angeline. Bagay na bagay talaga silang dalawa.

"It seems like someone is feeling out of place" Pagpaparinig ni Cess kaya napatingin sila sa akin

"Sino ba namang hindi maaout of place kung ikaw lang ang walang partner diba?" Tanong ko

"Ako rin naman walang kapartner ah" Sabi ni Angeline

"Anong wala, nandito naman ako ah" Sabi ni Mark

"Maglubay ka nga Mark magkaibigan lang tayo okay" Sabi ni Angeline at kita ko sa mga mata ni Mark na nasaktan sya sa mga sinabi ni Angeline.

"Boom! Friendzone" Sabi namin sabay tawa

"Balang araw kakainin mo rin yang sinabi mo. Mark my word magkakagusto karin sakin" Seryosong sabi ni Mark at natulala naman si Angeline sa mga sinabi nya pati kami biglang napaseryoso.

"Sana nga ganun lang kadaling makamove on at magkagusto sa iba" Sabi ni Angeline

"Sakin mo lang ituon at ibuhos ang atensyon mo, mahuhulog at mahuhulog din ang loob mo sakin. Trust me hayaan mong ipakita at iparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Be my girlfriend within 3 months kapag hindi nagwork ang relationship natin papalayain kita" Seryosong sabi ni Mark. Mukhang seryoso na talaga tong usapan nila ah. Inabangan namin ang isasagot ni Angeline.

Medyo matagal bago sya makasagot at nagulat kami sa naging sagot nya.

"Okay payag na akong maging boyfriend ka sa loob nang 3 buwan" Sabi ni Angeline at Biglang lumiwanag ang mukha ni Mark.

"Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon. Promise gagawin ko ang lahat para lang makalimutan mo sya. I will make you fall in love with me" Nakangiting sabi ni Mark

"Okay sabi mo eh" Nakangiti ring sabi ni Angeline

"Pano ba yan Jade ikaw nalang talaga ang walang kapartner" Pang aasar ni Mark

"Porket kayo na ni Angeline gumaganyan kana? Suntukan nalang oh" Pagbibiro ko

"Hahahahaha napikon ah" Pang aasar ni Mark

"Hindi ako pikon. Angeline pagsabihan mo nga yang boyfriend mo at baka kung ano pang magawa ko dyan" Pagbibiro ko

"Hahahaha hiwalayan ko naba?" Tanong ni Angeline. Hahahaha mukhang sakin kampi si angeline

"Eto naman nagbibiro lang eh" Sabi ni Mark

"Under ka pala eh" Pagbibiro ko

"Ok tama na yan pumasok na tayo sa loob" Sabi ni Angelica kaya pumasok na kami sa loob.

Hahahahaha hindi ko namalayan na kanina pa pala kami nandito sa labas.

To be continued..............

Pls vote and comment😊

Kamsahamnida😘

Loving Mr. Sungit [COMPLETED]Where stories live. Discover now