Fifteen

23 3 4
                                    

Did he just call me babe? Jerk talaga. Dinedma ko siya hanggang sa makarating sa sakayan. Opposite pala 'yung way namin, pero doon din naman 'yung sakayan niya pauwi.

"Bye babe, take care."

Inirapan ko lang siya.

Nasa practice ako ngayon, wala kasi kaming pasok buong hapon sa araw na 'to. Nagpatawag ng urgent meeting 'yung chairman so we are all free.

"My Therese, nawala ka bigla nung isang araw. I was calling you pero hindi ka lumilingon."

Sino pa ba 'to? Wala namang iba, si Clython Arthur Jones.

"Talaga ba? I didn't notice.. Naka earphones ako no'n, nag s-sound trip. Why?"

He pouted, then smiled. Baliw talaga 'to.

"Sasabayan sana kita pauwi, pero nawala ka."

"It's alright. Practice na tayo?"

We did. Hindi ko siya masyadong kinakausap sa practice man o sa klase. May subject pala ako na classmate ko siya. Kapag ganoon, pumupwesto ako sa part kung saan hindi na siya makakatabi. Yas. I know I'm being mean, pero ganoon talaga, mapilit siya e. Ilang beses ko naman sinabing ayoko sa gano'n, hindi ako interesado kasi may iba akong gusto pero waepek. Maya-maya ayun na naman siya.

Sa kalagitnaan ng practice namin biglang nag-ingay 'yung mga nasa bandang likod. Mukha silang kinikilig. At dahil nasa unahan ako at walang pakialam hindi ko na sila pinansin.

"Shit! Nasa likod si Kenard. Bakit siya nandito?"

"Oh my gosh! May hinahanap daw e."

"Hala, may type siya na ka-club natin? Sino kaya. Sana ako na lang."

"Gaga, kung ikaw e'di sana nilapitan ka na."

"Panira ka talaga. E, sino ba? Sa tagal-tagal nating member ngayon lang nagawi 'yan dito at si Gray."

"Baka sumama lang, girlfriend kasi ni Gray si Amber e. 'Yung kalinya ni Therese."

Buhay nga naman. Kahit saan na lang puro pa-chismis. Gusto ko mang makita rin si Kenard kung totoong nasa likod man siya, hindi ko na ginawa. Baka mapagalitan lang kami ng club President namin e.

After practice, nagpahuli akong umalis.

Hayyy, ano ba 'yan. Namimiss ko na si Red. Hindi ko na siya madalas nakikita. Nagtetext at nagch-chat naman kami pero iba pa rin 'yung personal ko siyang nakakausap.

Mag-isa at taimtim kong binagtas ang hallway ng 2nd floor, nakapasak sa tenga ko ang earphones pero hindi naman ako nag s-sound trip.

Kunwari lang. Baka kasi anytime dumating na naman si Art. Mabuti na ang handa.

"My Therese!"

Speaking of the devil. Ayan na naman siya. Hindi ako lumingon, instead in-on ko na lang 'yung music at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero parang pamilyar 'yung nangyari. Bigla na lang may humila sa akin papasok sa isang bakanteng classroom at agad itong sinara. I'm pinned on the wall once again, habang ang dalawang kamay niya ay nakalapat sa pinto sa magkabilang part ng ulo ko.

Agad kong naitakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko nang makilala kung sino ang humila sa akin.

Siya na naman?

Ano na naman ang pakulo nito?

Tumawa siya sa reaksyon ko.

"Hey! I just saved you from your pretty annoying stalker. Hindi ka dapat sa akin natatakot."

It's the opposite.Where stories live. Discover now