Eighteen

23 4 9
                                    

Hindi na kami nag-usap. Wala rin namang pag-uusapan in the first place. We just consumed the remaining time to finish our food and coffee. After that we parted ways, ako pauwi na para kumuha ng gamit bago pumunta kina Ali habang siya may klase pa raw kaya bumalik ng school.

Nadatnan ko si Ali na pakanta-kantang nakaharap sa oven. Ano kayang binake niya this time?

"Good mood ka besh, a. Hinatid ka ni Arsie?"

She turned to me pouting. What? Napaghahalataan. Apektadong-apektado talaga 'to kay Arsie.

"May klase pa 'yung tao, ilagay mo na sa room ko 'yung things mo besh. Malapit na matapos 'tong strawberry cookies na ginagawa ko."

Napatalon ako sa tuwa sa narinig. Paborito ko kasi ang strawberry. Lahat ng pagkain na strawberry flavored ay hindi ko pinalalagpas.

Just like what she told me, dinala ko nga 'yung gamit ko sa room niya na pink na pink. Mula pintura, kurtina, bedsheet, comforter, pillows, lampshade, alarm clock, chairs at wallpaper. Nagsuka yata si Hello Kitty rito e. Pati closet at drawers pink din. Huwag na kayong magtaka dahil pati tiles ng bathroom niya, pink din. Dark nga lang. 'Yung bathtub maman, pale pink. See? She's a certified pink addict. She's obsessed with everything pink.

Kasing cheerful niya 'yung paborito niyang kulay.

Pagkababa ko, hindi ko pa rin nakita sina Tito at Tita. Asan kaya sila?

Nililipat niya na sa tray 'yung nagawa niyang cookies. Naupo naman ako sa stool sa tapat ng kitchen counter nila.

"Wala parents mo ngayon, besh?"

She shook her head and flashed a wide grin.

"Wala. Kaya solo natin ang buong bahay. Nag out of town sila, sa isa naming kamag-anak may celebration daw e. Hindi na sila nag abala na isama ako, alam naman nila na ayoko. Isa pa may pasok ako."

Tuwang-tuwa siyang nagkukuwento. Ako, gustuhin ko man, hindi ko masyadong nakakabonding si Mama dahil busy siya sa trabaho at the same time siya rin ang nagpapatakbo ng maliit naming business. Mula nang mamatay si Papa siya na lang ang nag-aalaga't nagtatrabaho para sa amin.

Hindi naman kami salat sa yaman, nag boom naman kasi 'yung business namin kahit pa maliit lang 'yon. Malago na siya kahit noong buhay pa si Papa, mas lalong lumago nang si Mama na ang naghandle. Ewan ko nga lang kung bakit patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho don sa Publishing Company na pinagtatrabahuhan niya mula noon. Siguro dahil na-attached na rin siya at the same time she loves what's she's doing.

Passionate Mama ko sa kahit anong bagay e.

"Hindi ka nalulungkot mag-isa rito, besh? Kapag ganitong wala sila?"

"Hindi. In fact nag e-enjoy nga ako e. 'Cause you know, I'm free!"

Napangiti na lang ako sa kanya. Magkaiba kami ng pananaw. Pero despite our differences nagkakasundo pa rin kami. Siguro gano'n talaga, mag ki-click kayo kahit hindi kayo pareho ng mga opinyon sa mga bagay-bagay.

Kasi ako, as much as possible susulitin ko ang mga araw at oras na kasama si Mama. Seldom moments kasi 'yun e. Lagi siyang busy. Breakfast at dinner lang namin siya nakakasabay. Pero hindi niya naman kami napapabayaan.

"Baliw ka talaga besh. Patikim nga niyan," kumuha ako ng isang piraso at kinagatan ito.

"Sarap! The best ka talaga sa mga ganito." sincere na compliment ko sa binake niya.

"Dyan lang ako magaling, unlike you na nag e-excel at almost everything."

I pouted at what she said. Ako? Nag e-excel at almost everything? Hindi kaya. Minsan nga naiinggit ako rito kay Ali kasi ang happy go lucky niya. Hindi siya nag wo-worry masyado sa iba.

It's the opposite.Where stories live. Discover now